47. Yellow Bell Flower

980 35 1
                                    


Devin's POV

Hindi mahirap kalabanin ang kamatayan, ang mahirap kalabanin ay ang nabubuong pag-ibig sa puso mo.


Tangina, bakit ba ako nagkakaganito? I was born as a cursed vampire. Ibig sabihin wala ng mababago sa pagiging malas at masama ko. Wala na, but when I saw Ara everything changed. Akala ko noong una isang walang kwentang feelings lamang itong nararamdaman ko towards her pero mali pala. Totoo na pala at mahirap 'yon labanan.


"Sige, kung iyan ang kasunduan gagawin ko." Huli kong saad kay Boss. Ibinaba ko ang tawag saka napahiga at napatunganga dahil sa magulo kong pag-iisip. Kakatapos lamang ng nangyari kanina sa bahay ni Brielle kung saan tumutuloy si Ara. Hindi ko alam kong bakit ako pumunta pero dahil sa siabi ni Felix nabahala ako't nais ko s'yang iligtas. Hindi siya pwedeng mamatay sa kamay ng mga bampirang iyon. Hindi.


Napabuntong hininga ako pagkatapos isipin ang mga sinabi ni Boss kanina. Ngunit imbis na magiging payapa na ang gabi kong iyon ay nabahala ako dahil sa naririnig kong yabag mula sa labas ng aking silid. Mag-isa lamang akong tumutuloy dito sa maliit na kwarto na ibinigay sa akin ni Boss. Wala na rin kasi akong tirahan at maging magulang. Namatay sila ng dahil sa akin.


Muli habang iniisip ko ang nangyayari sa aking mga magulang ay narinig ko ang kaluskos ng mga paa. Ang hindi ordinaryong galaw. Hindi ito tao o hayop dahil wala akong naririnig na pulso. Tumayo ako. Hinanda ang sarili para sumugod sa nararamdaman kong kaba mula sa kakaibang pangyayaring iyon hanggang sa marating ko ang pintuan ng aking silid.


Pinakinggan ko ulit. Nawala ang kaluskos, nawala ang yabag. Wala na. Napabuntong hininga ako dahil sa kaba. Akala ko isa na naman sa mga nakaraang taong nais akong patayin dahil sa abilidad ko.

Napalingon ako hanggang sa nagulat ako't hindi inaasahang naitulak ang babaeng nasa aking harapan. What the hell na nakapasok siya sa kwarto ko?!


Unti-unti kong tiningnan ang babaeng hindi ganoon kaayos ang itsura ng pananamit. Nakita ko pa na may bahid na dugo ang suot niyang coat. Mahaba ang kulay tsokolate niyang buhok habang hindi s'ya ganoon katangkaran. Pamilyar siya.

Lumapit ako sa babaeng ito upang kilalanin kong sino siya ng makita ko ang pamilyar na mukha.

"Corine." Napangiti ito. Mukha siyang wasted sa kaniyang itsura. Nag-iba ang kaniyang anyo. Mas gumanda siya ngunit mas naging nakakatakot. Tumayo siya at humarap sa akin.

"Masama ka palang gulatin." Pagbibiro niya habang pinapahid ang dug sa kaniyang labi dahil sa pagkakasuntok ko.

"Sorry binigla mo lang talaga ako."

Napangiti lamang siya sa sinabi ko at nagsimulang ipasyal ang mga mata sa hindi naman ganoon kagandang silid.

"Dito ka pala nakatira. Hindi ka ba nasisikipan? Masyadong pang-alone ang lugar na ito, nakakalungkot." Mungkahi niya habang pinagmamasdan ko siya kung paano niya pinapakialaman ang gamit ko.

"Anong kailangan mo sa akin Corine?" Tanong ko. Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Wala naman." Saka mabilis siyang lumapit sa akin. Sa sobrang bilis ilang pulgada na lamang ang layo namin sa isa't isa. Naamoy ko ang aroma ng dugo na nasa kaniyang katawan.

Hindi ako napaimik at napatingin lamang siya sa akin hanggang sa naramdaman ko ang hawak niya sa aking balikat. Naramdaman ko din ang init sa malamig naming katawan ng nakatingin siya sa akin. Ngunit lahat ng iyon ay nagbago na lamang noong nagbago sa paningin ko ang itsura ng babaeng nasa harapan ko.

Napalitan ng babaeng kapag nakikita ko ay napapatalon ang aking puso. Na tuwing nasa tabi ko ito ay aminado akong sa kaniya ko lang dapat sabihin ang salitang 'mahal kita' na walang halong pero o kasi.

Mas lalong natanggay ang puso ko mula sa saya ng ang babaeng ito ay hinalikan ako sa labi. Ara. Mungkahi ko sa aking isipan habang ang aming mga bibig ay nagtatagpo sa kasiyahan. Hindi ko napigilan, hindi ko kayang pigilan at hinding hindi ko pipigilan.

Napapikit ako sa halik hanggang sa naging mainit ang sumunod na pangyayari. I feel her hands linger through my body it sizzle me. Mas lalong uminit hanggang sa pagbukas ko ng aking mata ay iba ng mukha ang bumalahadra.


Hindi si Ara ang hinahalikan ko.


Hindi si Ara na siyang babaeng mahal ko.


Hindi si Ara dahil kaibigan niya itong kaharap ko.


Marahan kong itinulak si Corine upang matigil ang ginagawa namin. Naramdaman ko rin ang kamaliang ginawa ko. Hindi dapat ako nag-ilusyon ng ganoon.

"Masyado ka pang pakipot Devin. Alam ko namang gusto mo ako." Pahayag ni Corine habang sinubukan ulit n'ya akong hinawakan. But I just hold her ahnd and twisted it. Naramdaman ko ang excitement sa ginawa ko. It's been a while simula noong naging wala akong pakialam sa paligid. But it all healed because of Ara.

Napangiwi sa sakit si Corine habang nakatingin lamang ako sa kaniya.

"What the eff," singhap niya ng binitawan ko siya.

"Corine, umuwi ka na." I ordered binuksan ko pa ang pintuan para sa kaniya pero she just look at me na parang hindi naintindihan ang sinabi ko.

"Why Devin? Ayaw mo ba akong makasama? Bakit ka ba ganiyan!" She shouted. What the eff ang sinasabi ng babaeng ito?

"Look if hindi ka pa umuwi I'll call Ara at sasabihin kong nandito ka." I said. Nakita ko ang pagguhit ng simangot sa kaniyang mukha.

"Look Devin, I like you, I want you, I love you." She said.

Lahat ng salitang iyon ay parang dumaan sa aking tenga papasok at lumabas sa kabila. Wala akong naramdamang feelings sa mga sinabi niya. Parang isang normal lamang na salita ang mga iyon. Maybe because may nais akong magsabi noon sa akin at hindi ang babaeng ito.

"I'm sorry Corine, kailangan mo ng umuwi. It's almost 12 in midnight na." I invoked. But instead of going home marahas niya akong niyakap at hinalikan sa buong mukha at umaasang malalasahan ulit ang aking labi. Ngunit nilalayo ko lamang ang aking mukha sa kaniya.


"Get home." I ordered na naging dahilan ng inis niya't pagtulak sa akin.

"Ano bang ayaw mo sa akin! Tangina, masyado ka namang pakipot." She cussed. Tumingin ako sa kaniyang mga mata. Sanay na akong manakit ng tao pero sa harapan ng babaeng kaibigan ni Ara hindi ko yata makakayang saktan ito.

"Just go home."


And I see how she frown bago niya lisanin ang kwarto ko. I'm sorry Corine but my heart belongs to someone else. At si Ara iyon.


Author's Note: Romance naman talaga ito eh. Naliligaw lang tlaga sa vampire genre Hehehehe! Pero seryoso, nilagyan ko ito ng Romance para mas lalong maging komplikado. At kay Devin pa ang POV na ito. Hehehe! Sa tingin niyo, gusto rin ba ni Ara si Devin!? At ano kaya ang susunod na gagawin ni Corine na basted? Abangan!


Pwede niyong sagutin iyong mga tanong ko. Hehehhe! Maagang update dahil aalis ako ngayon. Going to hell. Hello s lahat ng dreamers!
Hi din pala kay kUrbano dahil nagbabaliksiya sa pagbabasa ng outputs ko! :)

Midnight DreamsWhere stories live. Discover now