CHAPTER THREE:
HINDI sana ako papasok. Pero nainis ko bakit ko sasayangin ang araw ko para matuto dahil lamang sa isang papansin na babaeng bigla na lang umepal sa tahimik kong mundo. Kaya nagbihis ako ng maayos. Iyong tipong kapag ikukumpara nila ako sa kanya simple man akong tignan pero mas maayos naman.
Pinili ko ang pinakamabangong pabango at inispray sa buong katawan ko. Matapos noon ay nanalamin ulit ako saka lumabas ng kwarto. Bumuntong hininga muna at inirampa ang sarili papunta sa school.
As usual ang simpleng tulad ko ay hindi ganoon kapansin pansin sa loob ng campus. Andadami din kasing magaganda dito. Maputi, may itsura at masasabi mong pang-pageant ang appeal nila. Pero I don’t care. Tumuloy tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa napunta sa una kong papasukang room.
Tulad ng dati maiingay pa rin ang mga naroon. Pero ayos lang, hindi agad kasi tumambad sa akin iyong pagmumukha ng babaeng iyon. Iwas badvibes.
Nagsimula na akong pasukin ang classroom at umupo sa pinakadulo.
Tulad ng mga ibang outcast people nanatili akong tahimik at hindi nakihalubilo sa mga taong kahapon ay nagkakahiyaan lang ngayon ay close na agad. Ewan ko ba, hindi naman ako introvert para ipagkait ang friendship ko sa ibang tao. Hindi lang talaga ako sanay na ako ang unang nag-aapproach.Pinagmasdan ko lang sila. First subject ko ang humanity. Kahapon mineet kami ng aming professor pero sandalian lang ngayon sabi niya magdidiscuss daw kami pero wala pa rin siya. Kung bakit hindi ko kaklase dito si Corine edi sana may kinakausap ako.
“Hi.” Hindi ko na sana lilingunin iyong narinig ko pero nairita ako dahil pakiramdam ko may nakatayo na tao sa harapan ko at hinihintay ako na sumagot sa ‘Hi’ niya kaya nilingon ko ito at nakita ko ang isang lalaking nakatayo nga sa harapan ko.
Normal guy. Gwapo din. Medyo payat siya pero hindi naman makukumpara sa walis tingting. Okay naman ang build ng katawan niya, kaya lang hindi siya iyong tipong dream boy ng lahat ng kababaehan. Maputi din ito, medyo brownish ang buhok na dry. Halatang tinamad magbasa ng buhok dahil sa sobrang lamig na klima.
Tumingin ulit ako sa mga mata niya at ngumiti. “Hi.” Bati ko. Nakita ko ang pagguhit ng saya sa kanyang mukha.
“Mag-isa ka yata ah, freshmen drama?” Bigla niyang tanong.
“Kunti. Hindi ako candidate ng Miss Friendship kaya hindi ako masyadong nakikihalubilo sa tao.” I sighed. Bigla siyang tumawa. Anong nakakatawa naman kaya sa sinabi ko?
“Hahaha. Well, me too. Pero since ikaw lang iyong nakita kong nagmumukmok dito at tila emo na ang dating kaya lumapit ako sa’yo. Mind to be my friend?” Saka nilahad niya ang kanyang kanang kamay para makipagshakehands. Tinignan ko lamang ito.
“Well, madami na akong kaibigan sa Manila. Pero sige pwede naman siguro kitang isama sa mga iyon. Chiara, but just call me Ara.” At nakipagshakehands naman ako sa kanya.
“Dominique. But just call me Doms.” Saad niya. Saka nakita ko siyang dinako ang tingin sa bakanteng upuang malapit sa akin. “Mind to sit bside you?” Pagtatanong niya. Umu-oo na lang ako na parang napakabilis para sa aking magtiwala sa isang taong ngayon ko lang nakilala. Ewan ko ba, napakabigat ng pakiramdam ko na magtiwala agad. Siguro dahil sa nangyari sa akin before.
BINABASA MO ANG
Midnight Dreams
Vampire"All of us have secrets." For Ara, she believed that Vampires are real. Kahit na minsan ilusyon lamang ito ng mga tao. Hanggang sa gumawa siya ng paraan para mapatunayan na ang kaniyang pinapaniwalaan ay totoo. Hindi siya nabigo, nakakilala s'ya n...