10. Hi Vanessa!

2K 73 2
                                    

Chapter ten

 

Masaya akong bumaba sa kotse ni Raven. Nasa school na ulit ako. Babalik na ulit ako para mag-aral. Kunting gamit lang compelling spell ay mababalik na sa matiwasay ang school records ko.

 

Huminggi naman ako ng favor kay Raven na ihatid ako sa school for my first day as a student vampire. At wala na rin siyang magagawa sa desisyon ko.

"Magpakabait ka." Utos niya sa akin. Nakasimangot siyang humarap sa akin.

"Daig mo pa ang tatay ko." Sagot ko sa kanya. Well ayokong mabadtrip sa unang araw ko. Dahil naniniwala akong magtutuloy tuloy to.

 

"Nag-aalala lang naman ako dahil ayoko--"

 

"Oo na, oo na. Magpapakabait na ako."

Nagpaalam na ako sa kanya. Kailangan ko na kasing puntahan ang registrar pati ang mga prof ko para sabihing kalimutang umabsent ako sa klase nila. Na hindi pa ako drop out.

Nagsimula na akong pumasok sa loob. Bigla akong hinarang ng guard.

 

"Miss tap muna." Sabay turo  sa ID scanner. Ngumiti ako. Alam kong hindi na gagana ang ID ko dahil magdedeclare na ito as drop out. Kaya kailangan ko munang diskartehan tong guard.

 

Kaya tumingin ako sa kanyang mga mata. Naweirduhan pa siya sa aking ginawa.

 

"Kuya papasukin mo ako sa loob. Isipin mong natap ko na yang device na yan. At mag go-goodmorning ka sa akin." Matapos yun ay ngumiti ako. Bigla siyang hindi nakapagsalita ng ilang segundo. Ibig sabihin noon bumibisa na ang utos ko.

 

"Good morning." Sabay ngiti. Nakakagood vibes lang. Kapag ganito ka pala, less worries.

 

Agad na akong pumasok sa loob at dumiretso sa registrar. Agad kong kinausap ang head at sympre sinabihang tanggapin ako sa paaralan. Bilang katunayan gumawa pa siya ng letter to accept para sa mga professor ko.

 

Pagkatapos malagdaan. Dali dali akong lumabas sa registrar sabay punta sa una kong classroom.

 

Sumakay ako ng elevator. Hanggang sa nakasabayan ko si Corine.

 

Sabay pa kaming napahiyaw sa loob ng elevator.

 

"OMG! Akala ko nagtransfer ka na sa ibang school! Akala ko iiwan mo na ako!" Naiiyak na pahayag ni Corine. Walang nagbago, maingay pa rin siya't OA.

 

"Pwede ba yun? Syempre hindi kita iiwan no! Kahit iniwan mo ako noon."

 

Biglang umiba ang expresyon ng kanyang mukha. Ops, mas naging prangka lalo ako.

 

"Ano?" Umiba maging ang tono ng boses niya.

 

"Ah wala! Ang importante magkasama ulit tayo!" Kasing bilig ng kidlat nabago ang mood niya idagdag pa ang bell ng elevator na nagbell na.

Midnight DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon