35. Since you've been gone

1.1K 33 1
                                    

"Ma, ano po iyan?" Nagulat ang aking inay ng makita akong pinapanood siyang may binabasang sulat. Agad niya itong tinago at ngumiti lamang sa akin.

"Ah wala anak, sulat lang. Sige, tara na sa baba at kakain na tayo." Pumunta kami sa baba upang kumain. Aligaga pa rin akong tignan si Mama dahil sa namumutla siya at feeling ko hindi siya okay. Kaya naman tinanong ko ulit s'ya.

"Ma, hindi ka okay. Ano bang nangyayari sayo?" Umupo siya sa upuan. Napansin kong dalawa lamang ang plato sa hapagkainin. Wala si Papa. Ako lamang at si Mama ang kakain, at hindi pa okay ang mama ko.

"Wala anak, tara kumain na tayo."

Hinayaan ko na ang sarili kong tumahimik. Pero hindi ko hinayaang hindi isipin ang pwedeng maging dahilan kong bakit siya ganoon?

May sakit ba siya?

Tinignan ko lamang siya hanggang sa matapos na kumain. Hindi man magiliw pero pinakita niya sa aking okay siya. Matapos iyon, nagrepresenta akong maghugas ng pinggan. Eh kung sabihin ko kaya kay mama na may event kami sa school ngayon at napili akong kandidata para sa isang pageant. Tiyak, magiging masaya siya.

Pero hihintayin ko muna si Papa para sabay nilang malaman iyon.

Pagkatapos maghugas ng pinggan nanatili lamang ako sa may salas. Umupo sa sofa at nangakong hihintayin si Papa. Tiyak magiging masaya ito kapag nalaman niyang ang nag-iisa niyang prinsesa ay mabibigyan ng pagkakataong magsuot ng korona.


Ilang minuto, oras, araw. Hindi ko siya nasilayan. Pakiramdam ko napakabilis lamang ng pangyayaring iyon. Tinanong ko ang aking ina pero sabi niya masyado lamang busy si Papa kaya't hindi na nakakauwi. Umasa ako, naghintay. Lagi ako sa salas tinitignan ang pintuan. Umaasa na bigla itong magbubukas at nakangiti niyang mukha ang unang bubungad.

Ilang linggo, buwan at taon. Pakiramdam ko, hindi ko iniisip ang oras dahil bakit ang bilis na lamang ng lahat. Tinanong ko ulit ang aking ina, sabi niya may business trip lamang ang aking ama.

Naniwala ako, umasa ulit. Hanggang sa mismong paa ko ang nagkaroon ng utak para pumunta sa siilid ng aking magulang. Mismong kutob ko ang sumisigaw sa aking sarili na may nangyayaring hindi maganda.

Nilibot ko ang aking mga maa hanggang sa nakita ang isang sulat sa lamesa. Kapansin pansin ito dahil ito lamang ang tanging papel na naroon. Agad kong kinuha, binuksan at binasa.


DEATH CERTIFICATE

Alejandro Somera

1968-2015


At ang isa pang papel

DEATH CERTIFICATE

Ma. Christina Somera

1967-2015

Halos mabitawan ko ang naturang papel. Nakusot ito dahil sa nginig ng aking mga kamay at hindi kapanipaniwalang nabasa.

Midnight DreamsWhere stories live. Discover now