39. Save Me

1.4K 36 3
                                    


"Save me," I said to him. Tumakbo ako matapos ang nangyari. Wala na akong gustong mangyari kundi mabura lahat ng pwedeng mabura sa oras na ito dahil sa sakit na nararamdaman ko.

"How? And why?" Tanong niya habang iniinom niya ang alak na nasa kaniyang baso. Nasa bahay ako ngayon ni Felix. Nagmadaling pumunta dito para humingi ng tulong, matapos kong nalaman na kabilang sa Seven Devils si Raven, mapatay si Amy at muntikan ng mapatay si Brielle dahil sa depression.

"Ikaw lamang ang makakapagwala ng memorya ko. Ayaw ko na muling masaktan. Ayaw ko na ulit maging tanga. Ayaw ko ng maloko. Please, let me compel to forget those things that happened to me. Pati ang magmahal alisin mo sa akin."

Nakatingin lamang siya habang nagmamakaawa akong hilingin iyon sa kaniya.

"Seryoso ka ba sa sinasabi mo? May abilidad kang kontrahin ang kapangyarihan ko."

Makapangyarihan si Felix. Hindi lamang niya kayang basahin ang hinaharap. Hindi lamang niya kayang magmanipula ng tao, kaya pa niyang burahin ang burahin. At hindi tatalab ang kapangyarihan ko doon.

"Felix look, hindi ako nagalit sa'yo dahil kahit alam mong mangyayari iyon. Kahit alam mong nasa isa akong kamay ng seven devils at kahit na nababasa mo na ang susunod dito. Hindi pa rin ako magagalit sayo dahil alam mo ang sagot."



"Of course, and I am pissed. Hindi ako nabibigyan ng pagkakataon para humula kung ano ang susunod na mangyayari, you know. Walang thrill." Pagbibiro niya. pero hindi ako natawa, nanatili lamang akong nagmamakaawa sa kaniya.

"At alam mong tutulungan mo pa rin ako pagkatapos ng lahat ng ito."

Umirap siya.Sabay hawak niya sa magkabilang sentido ko, nakaramdam ako ng sakit. Sobrang sakit. Hanggang sa nanghina ako, bumigat ang talukap sa aking mga mata na naging dahilan ng aking pagbagsak. Ilang minuto lamang ay nagising na ako, pakiramdam ko ang gaan na ng pakiramdam ko, pakiramdam ko hindi na ako nasasaktan. Nawala na ang alaala, at kahit alalahanin ko man wala na ang sakit. Wala na akong pakialam. Ni magpasalamat sa taong gumawa sa akin ay wala na. Isa na lamang ang nararamdaman ko ngayon, ginhawa at saya.

"Makakaramdam ka pa rin ng awa, ng ibang magagandang emosyon. Maging ang sakit. Hindi ko inalis ang lahat, dahil alam nating matritrigger ang pagiging midnight mo. Hindi ka pa handa, at hindi pa ito ang oras." Mahinahon niyang paliwanag. Ngumiti lamang ako, tumingin sa kaniya.

"Wala akong pakialam."

"Ara." Napasinghap ako at nawala ang mga alaalang iyon ng biglang may tumawag sa aking pangalan. Si Corine. Narito na ako ngayon sa school at hindi nakikinig sa professor.

"Ba..bakit?" Tanong ko bigla sa kaniya na nakatingin lamang sa akin. Parang hindi natatakot sa kung ano ang makita sa mata ko.

"Bago ko sabihin ang sadya ko, gusto kong batiin ka ngayon dahil ang ganda ng mga mata mo malapitan. Parang may pula sa may pupil mo. Anong gamit mong contact lens?" Bigla niyang tanong. Nagulat naman ako sa kaniya, iba na ang Corine na nasa harapan ko ngayon, hindi na iyong Corine na takot at nagugulahan simula noong mga araw na inulila ko siya sa mundo niya. Umepekto na talaga ang pagccompel ko sa kaniya na kalimutan na ang lahat. Masakit man para sa akin pero hindi ko na iyon mababago.

"Hey, Ara." Bigla ulit niyang kulit sa akin. Pero ito ang hindi niya maalis, ang pagiging makulit.


Midnight DreamsWhere stories live. Discover now