32. When the feeling is gone

1.2K 34 3
                                    


Naramdaman ko ang init ng paligid ng unti-unti akong nagkaroon ng malay. Naramdaman ko rin ang sakit ng aking katawan abang naliligo ako sa sarili kong pawis at nararamdaman ko ring maging ang dugo ko'y nakikihalo rito.

Hindi ko alam kung nasaan ako, at hindi rin magawang alamin iyon dahil sa nanghihina kong katawan. Gusto ko mang kumilos pero parang present pa rin sa buong sistema ko ang itinurok sa akin kanina.

Oo, naalala ko pa kung papaano ako nakalaban sa lalaking nakahood na iyon na siyang nagturok sa akin ng pampahina. Ang bilis lamang nila, hindi mapapantayan ng bilis o ang bilis nila, kaya't nabigo akong pigilan sila.

Mula sa init na aking nararamdaman nakarinig ako ng mga boses na tila nasa hindi kalayuang lugar.

"Kailangan niyo natin siyang bantayan. Balita ko, mas nakakatakot at mapanganib ang uri niya kaysa kila Master."

Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niyang master, pero alam na alam ko kung sino ang sinasabihan niya nang mapanganib at nakakatakot. Ako, ako iyon.

"Tama ka, ngayon lamang ulit natin sila nakita simula noong namatay ang pinuno dito sa council at pumalit ang anak." Rinig ko ulit. Nakinig lamang ako.

"Nakakatakot, dahil noon talagang kinakatakutan at pinupuksa ang uri nila. So papatayin ng mga Seven Devils ang babaeng iyon?"

Napahinto ako't napaisip sa huling narinig sa mga nag-uusap. Tama ang hinala ko noong una, at nalaman ko na rin ang sagot sa katanungan ko kanina. Seven Devils? Ibig sabihin, ang lalaking siyang dumukot sa akin ay isa sa mga seven devils at siyang papatay sa akin?

Si Vanessa.

Hindi pwede! Kailangan kong makaalis sa lugar na ito!

Iginalaw ko na ang buong katawan ko, idinilat ang aking mga mata at kahit na hinang-hina sinubukan kong baklasin ang nakatali sa kamay kong kadena. Gusto kong makaalis sa lugar na ito, gusto ko pang mabuhay.

I try to brag the ceiling kung saan nakakabit ang kadena, inulit ulit ko iyon kahit na ubos na ubos na ang energy ko. Hila pa! Ilang hila lang ito, matatanggal na!

"Asar!" Sinubukan kong ibigay ang buong pwersang natitira sa akin hanggang sa nakita ko ang progress! Darn it, naaalis na ito mula sa pagkakasabi sa ceiling. I gradually smiled at handang alisin pa ang kadenang nakapulupot sa akin ng biglang nakarinig ako ng isang boses at yabag na siyang nagparamdam sa akin ng takot.

"Where are you going, young lady?" Napatingin ako sa nagsalita. And as I expected ito iyong lalaking siyang kumuha sa akin noong nasa school ako. Pero ngayon, mag-isa na lamang siya at wala na iyong mga nakahood na lalaking kasama niya.

"Leave me alone!" Pagbabanta ko. Sinubuan kong umatras dahil lumalapit na siya sa akin. Pero nakangiti lamang siya na parang isang matandang handa akong gahasahin kapag nakalapit.

"Gusto ko nga palang humingi ng tawad noong nakaraan, hindi ako nakapagpakilala sa'yo." Saad ng lalaki. Matangkad ito, ineksamin ko ang buo nitong pisikal na itsura habang takot at umiisip ng paraan para makatakas. Matangos din ang ilong ng naturang lalaki, maputi at halatang napakasama ng ugali. Pero mabibighani ka't mapapaniwalang mabait siya.

"Hindi ako interesadong malaman kung sino ka," matapang kong pahayag.

"Oh, brave. H'wag kang masyadong matapang. Baka mahulog ako sa'yo. Mahilig pa naman ako sa mga matatapang na tao." He reach my chin and hold it for a moment. Nagtama din ang aming mga mata. Hindi na rin ako muling nakaatras dahil nareach ko na ang dead-end ng lugar na iyon, ang dingding.

Sa paghawak niya sa aking mukha, agad kong inalis ito. Ayoko sa hawak niya. Ayoko sa kaniya. Isa siyang Sevin Devils. Kapatid siya ni Vanessa.

Napangiti siya sa ginawa ko. Masama ko siyang tinignan habang siya wala na sa mood dahil sa ginawa ko. Kaya umayos siya ng tayo. At walang ganang tumingin sa akin.

"Pero alam mo ba, ang pinakaayaw ko naman sa mga babae ay iyong pa-hard to get. Kaya naman na-turn off na ako sa'yo. Gusto na tulod kitang patayin!"

Sa huling pagkakasabi niya noon, ay naramdaman ko na lamang ang pwersang biglang tumama sa aking dibdib. Napahiyaw ako sa sakit pa tila ba sinaksak ako ng isang kahoy sa puso. I feel his hand sa loob ng aking katawan habang hawak hawak ang tumitibok kong puso.

Napangisi siya, at kasabay noon ay pagpiga niya sa aking puso. Napahiyaw ako lalo.

"Sh1t!!!" I cuss because of pain. Naluluha na ako sa sakit na nararamdaman ko. Nanghihina na ako. Blood loss specifically. Ang sakit!

"Gusto na sana kitang patayin eh, kaya lang ayaw ng kuya ko. Kaya naman papalipasin ko muna ang pagkakataong ito." He said.

Naramdaman ko ang pagkaluwag ng hawak niya hanggang sa binitawan na niya ng tuluyan ang puso ko. And he let his hand get out of my chest. Nakita ko pa ang dugong bumalot sa kaniyang kamay.

Nanghina ako't napaluhod. Gusto ko ng mamatay. Sa totoo lang, kung kamatayan din lamang ang mismong humahabol sa akin ipapaubaya ko na ang aking sarili. Ayoko ng makaramdam pa ng sakit, ayokong mahirapan pa.

"Vai ano na naman ang ginawa mo?" Kahit nanghihina ako narinig ko ang isang malalim na boses sa di kalayuan. Pagtingin ko, malabong rumehistro agad ang imahe niya sa aking mga mata. Napahawak ako sa sahig upang alalayan ang aking katawan. Doon ako nakaramdam ng pag-alalay.

"Okay ka lang? Pasensya ka na sa kapatid ko, masyadong naughty eh." Saad ng lalaki. Mabilis siyang nakalapit sa akin upang alalayan. At mabilis ko na ring nakita kong sino siya. Tulad ng lalaking nagngangalang 'Vai', nakita ko ang pagiging matapang ng mukha nito. Maputi din at matangkad. Pero 'di tulad ni Vai, mas nakakaamo itong tignan.

Pero hindi ako nagpadala sa pagiging maamo ng paligid kapag siya ang kaharap ko. Nanlaban ako at lumayo sa kaniya. Kapatid din siya ni Vanessa. At itong lalaking kaharap ko, malamang ang papatay sa akin.

"H'wag kang matakot. Hindi naman kita papatayin. Kailangan ka lamang namin para malaman kong sino ang gumawa sa'yo nito. At para siya ang mapuksa namin. Hindi ka namin sasaktan."

From his word hindi ka namin sasaktan. Hindi ako nakahanap ng assurance. Kaya hindi rin lamang ako nagtiwala sa kaniya.

"Now, tell me. Kilala mo ba kung sino ang gumawa sa'yo nito?" I don't understand bakit kailangan pa ng mga ito malaman kung sino ang gumawa sa akin nito. Hindi ko rin magets kung bakit, hindi na lamang nila ako patayin since kalaban naman nila ako. I don't either trust them.

I kept my mouth shut. Hindi ako sumagot sa tanong niya. Hanggang sa nakatingin na lamang siya sa akin.

"Vai, try to read her mind." Walang emosyong utos ng lalaking naging mabait sa kaniya, pero hindi niya nasisiguradong mabait nga ba talaga ito.

"Actually bro, sinubukan ko na kanina. Pero siya yata ang may pinakanakakatakot na ability and napakawalang kwenta. Nullification." Wala ding ganang sagot ng lalaking nagngangalang 'Vai'.

"Oh, troublesome." Saad niya bago niya ako hinalikan sa pisngi. Nakaramdam ako ng bigat ng katawan. Pero never akong naamuse sa ginawa niya. Nandiri pa ako.

Tumayo siya't hinarap si Vai.

"So anong plano mo, Vyncent?" Tanong ni Vai sa kaniya. Now kilala na niya kung sino ang lalaking iyon. Vyncent. Parang narinig ko na noon pa lang.

"Ano pa nga ba? Ayokong magkaroon ng iisipin. You know me, gusto ko mabilis lang ang proseso. Hanapin mo ang mga taong malapit sa kaniya, gawing natin siyang pain." Maikli lamang na pahayag noong Vyncent pagkatapos ay umalis. Ngunit hindi pa lamang siya nakakarating sa may pintuan ng silid na iyon, nang-iwan siya ng isa pang utos.

"Torture her. Galitin niyo siya, let her feelings gone." After he said those words napangisi siya sa akin. Nanginig ang buong katawan ko. I know kung bakit niya sinabi iyon, he wants me to become a midnight vampire.

Midnight DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon