5. Rising of the dead

2.8K 79 4
                                    

CHAPTER FIVE: Rising of the dead

SIGURO kaya nakakagawa ng tao ng kasalanan ay dahil gusto nilang ipakitang magaling at malakas sila. Kahit alam ng lahat na mali ang ginagawa ng taong iyon naiintindihan pa rin nila ang mga ito dahil alam nilang may rason kung bakit nakakagawa ng kasalanan ang taong iyon.

 

Lahat ng tao ay nilikhang may kahinaan sa sarili, may natatagong demonyo sa katawan, may multo sa kanyang nakaraan na paulit ulit siyang hinahabol at pinapatay.

 

Narinig ko ang huni ng mga ibon, ingay na galing sa busina ng mga sasakyan, samu’t saring usapan ng mga tao, ang patak ng butil ng tubig mula sa dahon. Ang yabag ng gagamba, ang kilos ng mga langgam. Ang amoy ng mga puno. Lahat ng bagay na nararamdaman ko ay bago at hindi ko alam kong bakit mas lalong lumakas ang pandama’t panrinig ko.

 

Nakasara pa rin ang aking mga mata. Umaasa na magising na ako sa isang panaginip na kanina ko lang naranasan na ngayo’y hindi ko wari kung bakit ko nakikita ang aking sariling nakahiga habang nsa madamo’t masukal na lugar.

 

Bigla akong nakaramdam ng gutom. Pero hindi ko sinubukang dumilat at bumangon. Umihip ang hangin at doon ako nakaamoy ng isang masarap na aroma galing sa kung saan.

 

Sininghot ko’t nilasahan. Malansa. Isda kaya ang pagkain na ito?

 

Hindi ko alam. Pero nagpatuloy ang pag-ihip ng hangin. Nagpatuloy ang gutom na nararamdaman ng aking katawan. Tama katawan. Hindi sikmura. Nanghihina ako’t hindi ko mawari ang aking lakas. Pero everytime na naaamoy ko ang amoy na iyon gusto kong hanapin kung saan galing. At kainin.

 

Hanggang sa hindi ko natiis ay agad akong bumangon. Walang kagatol-gatol akong mabilis na tumayo at hinanap ang lugar kong saan nanggagaling ‘yon.

 

Hindi ko na inisip kong bakit ang bilis kong nahanap ang bagay na nagpapagutom sa akin. Hanggang sa nakita ko ang isang lalaking nakajogging pants at sando. Nakaupo ito sa gilid ng kalsada habang iniinda ang sakit na nanggagaling sa sugat sa kanyang tuhod.


Sa tantya ko nadapa siya.

 

Pinigilan ko ang sarili sa hindi ko maintindihang nararamdaman. Sinubukan kong umatras ngunit hindi ko malabanan.

 

Hindi pa ganoong nagpapakita ang araw at bakas pa rin ang malamig na kulay na bumabalot sa paligid.

 

Umatras ako. Pinipigil ang aking ilong na lasapin ang amoy na iyon.

Ngunit hindi ko napigilan. Tumayo ang lalaki at paika-ikang naglakad. At sa hindi ko rin malamang kadahilanan mabilis na gumalaw ang aking katawan papunta sa kanyang likuran. Naramdaman at nasense niyang nasa likuran niya ako.

 

Nagulat siya.

 

“Ah! Ginulat mo naman ako miss.” Saad niya. Habang hindi mawari sa kanyang mukha kong gulat siya at nasasaktan dahil sa sugat na natamo niya.

 

Midnight DreamsWhere stories live. Discover now