57. Allure to Darkness

989 23 0
                                    

Ara's POV


I can hear the chimes of bells, I can feel the cold of the wind, I can tune on to the chants of the children. It's already Christmas, but the fact that I am here at the dark corner of this room, I don't care.


I want freedom, I want to do all the things that I want. Alam ko sa sarili kong doon ako sasaya. Alam kong doon ko matatagpuan ang mundo ko. Yakap-yakap ang aking katawan, nag-isip ako ng paraan. I'm clever and dangerous. I know that. Magaling ako, matalino at higit sa lahat maganda. Kaya walang sino ang pwedeng maisahan ako. Not all that douche bags could stop my happiness.


Tumayo ako't lumapit sa mga rehas. Hinaplos ko pa ang lamig ng mga bakal na naging dahilan nang pakiramdam na pagkanabik sa labas. Tama, hindi dapat ako ikulong dito. Dahil wala naman akong ginagawang masama. Wala akong nilalabag na batas. Ang buong nasa isipan ko ay para sa akin lahat nang ginagawa ko. Tama, para sa akin lahat ng ito.


Humalakhak ako pagkatapos kong maisip ang mga bagay na iyon. Muling hinawakan ang mga rehas na alam ko ngayon ay naglalabas na ng vervain na dapat ay napapaso ako. Ang hindi nila alam, may isa akong abilidad na ninuman ay 'di kayang kontrolin.


Buong pwersa kong hinala upang mayupi ang mga bakal na rehas. Malakas kong hinawakan ito't pinaghiwalay. At matagumpay akong nakagawa ng isang lagusan para makalaya. Bago ako umapak sa labas bumuntong hininga muna ako't tinignan ang buong paligid. Ngumiti. Sa wakas, makakakain na ulit ako ng dugo. Sa wakas makakalaya na ulit ako.


"Welcome to the beauty of darkness."


Masaya akong inihakbang ang aking mga paa papalabas. Nakita kong sa bawat dinadaanan ko'y wala akong makitang tao. Hanggang sa narating ko ang labas. Kung saan isang malawak na hardin ang tumambad sa akin.


From now on, I ready hate sweet environment. Ayokong makakita ng makikitab na kulay. Ayoko ng masaya. Gusto ko ako ang nagiging dahilan ng saya.


"Di ba 'yon iyong bilanggo ni Sir!" Narinig ko sa kalayuan ang sigaw na iyon. Agad akong napalingon at nakita kong nakatutok na ang mga baril nila sa akin. Mabilis naman akong kumilos at lumapit sa kanila.


Nanlaban ang una kong pinuntahan. Masaya talaga ako kapag nanlalaban.


I hold his gun and hindi ako nag-atubiling iputok iyon sa kaniya. Masaya naman akong nakarinig ng sumunod na putok.


Isa, dalawa, tatlo. Marami bala ang dumapo sa aking katawan. Pero hindi bala ang makakapatay sa akin. Walang bagay na pwedeng manakit sa akin, wala.


Kahit na tumama ang mga kahoy na iyon sa akin hindi ako namilipit. Masaya ako, pakiramdam ko isa akong superhero. Pakiramdam ko napakalakas ko. Ito ang gusto kong maramdaman. Walang sakit, wala. Kundi isa lamang kasiyahan ang lahat.


Tumatawa ako habang pinulot ang baril na nabitawan ng lalaking una kong pinatay. Lahat naman sila'y mixed emotion ang nakapinta sa mukha. May iba gusto nang umatras at may iba naman na gusto nang matapos ang bangungot na kanilang nararanasan.

Midnight DreamsDove le storie prendono vita. Scoprilo ora