4. Her Greatest Downfall

3.9K 101 5
                                    

CHAPTER FOUR: Her greatest downfall

 

Noong nasa Manila pa ako, I usually hang out with myself. Hindi kasi ako pinanganak para gumimik o mabarkada o magpakasaya lang sa buhay. Nagtataka nga ang mga kaklase ko dahil never pa akong nakikipagparticipate nong high school ako ng mga school programs.

But hindi ko narin naman kasalanan iyon, cold queen ang tawag sa akin ng mga kaklase ko noong high school. Bukod kasi sa tahimik ako, mahilig akong magsolo ng mga gawain. Mula project hanggang sa group activity.

At hindi ko rin alam kong bakit ako narito ngayon sa freshmen welcome party. Isa iyon sa gusto kong tanungin sa sarili ko. Wala eh, napilitan kasi akong umattend dahil halos hindi na lisanin ni Corine ang kwarto ko hangga’t hindi ako kasama.

Wearing this old style gown na pang Great Gatsby ang peg naglakad ako sa may stairway pababa. Dito kasi sa isang grand hall icenelebrate itong party. Kasama ko din si Corine habang pumupunta kami sa mga nagsasayawang lugar.

“Grabe, ang saya pala dito sa University na ito. May mga ganito pa silang welcome party.” Daldal ng kasama kong si Corine. I admit, madaldal at maingay talaga siya. Kung pwede ko lang sabihin directly ang mga salitang iyon sa kanya but I need to take a paused ayoko naman makasakit ng tao. Masyado naman akong pusong bato kung ganoon.

Hindi ko na siya sinagot at nagpatuloy na akong pumunta sa mga tables na naroon. Gusto ko munang umupo dahil kanina pa ako kinakain nitong pump heels na suot ko. Pinahiraman ako ni Corine dahil puro sneakers and boots lamang ang naroon sa aking closet. Mas  gusto ko kasi ang ganoong fashion keysa maging isang girly slash kikay na tao.

“Doon ang ako ha.” Pagtuturo ko sa bakanteng table.

“Sige, makikipagsayawan lang muna ako. Maghahanap ng forever.” Pakiwari niya. Napangiti na lamang ako ng tipid at nagsimula ng pumunta sa nakita kong bakanteng lugar.

Maraming freshmen sa buong paligid. Nagkakasiyahan, nagsasayawan, nagkwekwentuhan. Parang isang acquaintance party na isinalin sa isang great Gatsby na theme.

Nakarating ako sa may bakanteng lamesa at nagtagumpay na angkinin ito. May lumapit din sa aking waiter at binigyan ako ng drinks. At nang nakaalis na ito pinagmasdan ko lamang ang paligid. I stared to those crazy cats na parang first time lamang makakilala ng tao. Hanggang sa bumigat ang pakiramdam ko dahil sa isang presensyang nagpatibok ng puso ko.


I saw Doms approaching. He was wearing tuxedo. At kahit napakasimple ng attire niya namukod tangi pa rin siya sa lahat. And that time, my frozen heart begins to melt.

“Hi.” Bati niya sa akin. He throw his sweetest smile.

“Ah, Hi.” Hindi ko rin alam pero para akong naging tanga ng mga oras na iyon.

“Glad to see you here, sabi kasi ni Corine hindi ka raw makakaattend.”

He sat beside me and the waiter gave him a drink.

“Well, si Corine din ang kumaladkad sa akin papunta dito.” I said habang inuubos ang laman ng wine glass na binigay sa akin ng waiter. Hindi ko alam kong alak ba o juice ang binigay niya. But one thing I assured, my heart was totally insane because of Doms appearance.

Midnight DreamsWhere stories live. Discover now