37. The One that Got Away

1.1K 38 2
                                    

CHAPTER 37 // The one that got away

Napalakas na kanta ang bumalot sa aking tenga ng pumasok ako sa bar. Mag-isa lamang ako dito at hindi naman ako takot magsaya mag-isa. Kahit na hindi ako sinamahan noong Devin na iyon at mas inuna pa ang magdesign ng walang kwentang booth, okay lang. Mas masaya kong wala akong kakilala dito para mas maenjoy ako ang pagsasaya.

Yumuyugyog ang buong dance floor dahil sa kanta. Lahat, parang isang baliw na sabik na sabik sumayaw at nagpapakalunod sa alak. Kasama ako doon. Pumunta muna ako sa counter at umorder ng maiinom.

"Bourbon whiskey please." Matapang at malandi kong pahayag sa bar tender na napatingin sa akin. Nginitian ko lamang s'ya.

"Ma'am, matapang po yata iyong hinihi-" Hindi ko na siya pinatapos dahil hinawakan ko na ang kaniyang balikat at pinaharap sa akin. Ngayon nagkatitigan na kami.

"Kumuha ka ng isang bote ng Bourbon at ibigay mo sa akin, pagkatapos kalimutan mo na nangyari itong napakalanding pangyayaring ito sa buhay mo." After those words, hindi siya nagdalawang isip na tumanggo at pumunta sa wine cellar para kunin ang pinakamamahal na alak na hinihiling ko. Pagdating niya, masaya ko itong binuksan at tumagay. Una muna sa shot glass pero hindi nagtagal ay dinala ko na ito mismo sa dance floor nakikipagsayaw sa mga hindi ko kilala. Kinakalimutan ang mundo. At hindi ko maipagkakait na masaya at masama ako.

"You're hot." Bigla kong narinig sa lalaking lumapit sa akin at idinidikit ang katawan niya sa aking katawan habang nagsasayawan kaming dalawa.

"I know that." Mapilya kong saad hanggang sa tinungga ko ulit ang boteng dala ko. After doing that, biglang umiba ang himig ng kanta. Mas lalong naging malaswa, at ang tanging sinisigaw lamang ay body shot. Mas lalo akong naging masaya. Hindi ko man ramdam ang kalasingan ay pakiramdam ko paring binabaliw ng likidong iniinom ko ang buong sistema ko.

Napunta ang spotlight sa akin dahil siguro sa galing kong sumayaw. Maging ang lalaking kanina pa naglalaway sa akin ay hindi na ako matiis para hindi hawakan. Sumayaw ako hanggang sa mabaliw ako. Ang saya!

Natapos noon ay tuwang tuwa akong pumunta sa counter upang maupo. Hindi mawala sa aking mukha ang ngiti na para bang nakadikit na ito sa aking pisngi.

"Kulang na lang binibini ay umabot sa likod ang iyon ngiti at mapunit ang iyong pisngi. Masaya ka yata." Napatingin ako sa nagsalita at pamilyar ang aura n'ya pagtingin ko hindi ako nagkakamali. Nawala ang ngiti sa aking labi.


"Anong ginagawa mo dito, SIR PROFESSOR." Diin ko sa pagkakasabi ng huling dalawang salita sa kaniya.

"Ngayon ko lang alam, bawal palang magbar ang mga professors." Sarcastic niyang sabi kaya sarcastic ko din siyang nginitian.

"No time to talk with you." Ininom ko ulit iyong bagong alak na binigay sa akin noong bartender.

"Mukhang mabigat yata ang proble-".

Pinutol ko ang pagsasalita niya sa pagbaba ko ng shot glass sa counter. Nabasag ang kawawang shot glass. Tumingin ako sa kaniya, nakangiti.

"Wala kang pakialam." Walang emosyon kong saad.

"Bakit ka ba nagkakaganyan?" Pangungulit niya muli. Nairita ako dahil sa pakikialam niya sa akin kaya naman agad ko siyang pinatikiman ng nararamdaman ko ngayon. Hindi ako nakapagtimpi ay binuhat ko siya't binagsak ng pagkalakas lakas sa sahig. Nagulat ang lahat doon, napahinto rin ang sounds. Napunta ang tingin sa amin. Pero ang pinagtataka nila ay kung bakit ang lakas ko.

Nakarinig pa ako ng mga bulong bulungan which is hindi ko makokonsider na bulong.

Ang lakas niya.

Nagtataekwando ba siya?

Bukod sa hot siya, malakas pa. Masarap iyan sa kama.

Ngunit imbis na mainis sa mga bulong na iyon, mas lalo akong natrigger. Wala akong narinig na negative. Mas gusto ko ang ganito. Malayo sa mga negatibong pwedeng magpanakit sa akin. Ayoko ng nasasaktan. At ayoko ng masaktan.

Bumangon ang professor ko sa humanity. Dahan dahan, parang may sikretong tinatago. Sikreto? Tanginang salita 'yan.

"Kailangan mo ng umuwi Ms. Chiara." Sinubukan niya akong hawakan ngunit naunahan ko siya. Pinulupot ko ang kaniyang kamay na naging dahilan ng pagbuo ng sounds at pagbilib nila sa akin.

"H'wag mo akong pakialam. Gagawin ko ang gusto ko. Gawin mo din ang gusto mo, kung ayaw mong magbukingan tayo ng baho dito." Bulong ko sa kaniya. Hindi na rin naman siya pumalag at hinayaan ako.

Bumalik ulit ako sa inuupuan ko. Nagpatuloy ulit ang kasiyahan na parang walang nangyari hanggang sa nagring ang cellphone ko. Hindi ko tinitignan ang caller ID kung sino ang tumatawag at sinagot ko na lamang.

"Hello."

"Hello, anak? Asaan ka? Bakit ang ingay diyan?" Agad lumaki ang aking mata at pamilyar ang boses na iyon kaya agad akong lumabas sa labas ng bar. Sa sobrang bilis hindi mabilang sa segundo ang ginawa kong pagtakbo. Hindi ko na rin pinansin kung may nakakita sa akin.

"Ah, ma, ano nagpapatugtog kasi iyong karoommate ko kaya maingay pero ngayon pinatay ko na. Bakit po kayo napatawag?" Nag-aalangan. Kinakabahan.

"Ah kasi anak, may good news kami ng papa mo. Pupunta kami diyan next week sa Mist Province, diyan mismo sa Graceville kaya gusto ko sanang itext mo sa amin iyong address ng mismong boarding house niyo para makadalaw kami. Mga isang araw lang kami diyan dahil business trip lang ang pinunta ng papa mo. Kaya naman naming dumaan kahit ilang oras lang diyan. Tinetext kita di ka nagrereply."

"Ah ma, gumagawa ako ng assignment eh. Malapit na rin kasi ang Finals." Napasapo ako sa aking batok. Nagsinungaling ako.

"Ah ganon ba, sige. Ibaba ko na ito. Basta itext mo sa akin ang address mo okay?"

"Okay ma." Maiksi kong sagot.

"Okay, I love you anak bye."

Bumara ang mga salitang iyon sa aking lalamunan. Na parang sinusubukan akong buhusan ng nararamdaman. Na magmahal muli dahil doon. Na maging mabuti. Pero pinigilan ko, pero paparating ang magulang ko next week. Kailangan ko na bang maging matino? Or trying to act just like a one who got away?


AUTHOR'S NOTE:

Hello mga mahal! Pasensya na't matagal nag-update! Sobrang busy dahil sa entry namin sa WWBY! Pasupport po ha! Harthart! Please do leave a comment! Thanks muah!

Midnight DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon