7. The new dawn

2.8K 90 2
                                    

Chapter 7: The new dawn

Hindi ganoon kadaling paniwalaan ang lahat ng nangyayari sa akin. Kung dati hiling ko ito, ngayon parang isang sumpang kumakain sa buong sistema ko. 

Tutulungan daw niya ako. Hindi ako agad nagtiwala. Parang mayroon sa sulok ng aking isipan na huwag masyadong magtiwala. Delikado. Nakakamatay. 

Pero wala na rin, kung hindi ko ipagkakatiwala sa kanya kung papaano pigilan ang sakit na ito na sirain ang buong kaluluwa ko siguro kanina pa ako naging demonyo.

"Ang mga bampira, tulad ng mga kwentong nabubuo at nababasa sila ay umiinom ng dugo para lumakas. Totoo iyon. Parang isang energy drink ang dugo sa atin. Kaya hindi pwedeng hindi tayo uminom." Ngumiti siya.

Nakatingin lang ako sa kanya, hindi pa rin umiimik.  Tahimik pa rin. 

Nagpatuloy siya.

"Pero di sa totoo lang dugo lamang ang dapat nating kainin. Dahil nga patay na tayo wala ng sistema sa loob ng katawan natin ang buhay, maliban sa puso."

Sumeryoso ang usapan. Mas naliwanagan ako. Andami kong tanong noon sa lahing ito. Ngayon nasasagot na. Hindi ng isang palabas sa tv, hindi ng isang literature teacher, kundi isang tunay na bampira. 

"Hindi tayo prone sa aging. Kaya huwag kang magulat kung ilang taon na ang lumipas ganyan parin ang mukha mo. Sensitive tayo sa mainit. Mabilis tayong mainis. Ayaw natin ung nilalamangan tayo. Kaya iyon yong mga bagay na kailangan mong kontrolin."

 Totoo. Recently, ramdam ko ang sobrang bugso ng akinh damdamin na parang anong oras gusto kong pumatay. Kapag nalulungkot naman ako, feeling ko katapusan na ng mundo. 

"Hindi ito ang tunay nating anyo. We are monster when we are hungry. Daig pa natin ang asong nakikipag-away sa kapwa para makuha ang pagkain. Nakakatakot ang mga itsura natin."

Bigla kong naalala si Vanessa. Kung bampira nga sya hindi totoo iyobg maganda niyang mukha. Peke lamang iyon. Dahil ang totoo niyang itsura ay makikita kapag gutom siya.

"Mabibilis tayo. Madaling matuto, pero di madaling makalimot. Sometimes we are manipulative. Yet we are powerful. Each vampire had there supernatural ability. Telepathy, elements, more speed, mind reading."

Tumingin ako habang nagpapaliwanag siya hanggang sa bigla akong nagtanong. 

"Ano ang sa akin?" 

Ngumiti siya. 

"Wala pa sayo. Dahil bago ka pa lang." Paliwanag niya. 

"Eh sayo?" Ngumiti ako bigla na parang gumagana sa akin ang pagiging matalino.

Tumahimik lang siya at tumingin lang sa akin. Hanggang sa lumipas na ang ilang minuto at hindi pa rin siya sumasagot. Nakatingin pa rin.

Midnight DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon