34. Secernere Lubere

1.2K 40 3
                                    



Mahina pa rin ako. Pero noong pumasok ang isang bampirang may dalang isang bote ng dugo ng bampira parang sumigla ulit ako't nawala lahat ng pasa at galos sa aking katawan. I am healing because of blood. 


Ngayon, ito ang araw na haharapin ko pa ang apat sa mga Sevin Devils. Sabi sa akin ni Vyncent kahapon judgement day ko ito para sabihin kung sino ang host. Pero kahapon pa lamang ay nahatulan ko na ang sarili kong ano ang desisyon ko. 


Pagkatapos akong painumin ng dugo ay inalis ang kadena sa aking paa. Ngunit hindi sa aking mga kamay. Dahan dahan akong inalalayan papunta sa hindi ko alam na lugar. Hanggang sa nadako ako sa isang italian inspired na hallway. Doon ako napatingin na para akong nasa kumbento at inihahatid sa huling himbingan ko. Nakakatuwa.


Natawa tuloy ako. At hindi napigilang tumawa.


"Umayos ka." Sita sa akin ng kawal. Pero tinignan ko lamang siya. Mapang-asar na tingin. Akala siguro niya hindi ako takot. Well, hindi naman talaga eh. Hindi ako takot. Nalulungkot lang ako kasi ilang araw na akong narito sa lugar na ito, wala man lang akong nararamdaman na may interesadong sumagip sa akin. Nasaan na si Raven? Si Amy? Si Brielle? Asan na sila? Si Felix? Nakakalungkot. Mamamatay ako sa paraang hindi man lang ako ipinaglaban. 


Nakarating kami sa mismong silid ng binuksan ng kawal ang pintuan. Tanging tunog ng pintuan ang aking narinig at ng masilayan kung sino ang mga naroon napatingin lang ako dahil para akong nasa isang korte. 


Sa isang hugis U na lamesa, nakaupo sa mga kani-kanilang upuan ang mga anim na magkakapatid. Bakante ang isa. Habang ang pinakapanganay naman sa tantya ko na si Vyncent ay nakaupo sa pinakagitna. Nakangiting sinalubong ako ni Vyncent. 


Pagtapak ko sa loob naramdaman kong kriminal ako at hahatulan kung guilty or not guilty dahil sa senaryo. May mga tao o hindi ko matukoy kung bampira din ang mga ito na nasa likuran ng mga Sevin Devils. Nakita ko din si Vanessa. Masaya. Ngayon, nagtatagumpay na siya.


Napangiti ako ng mapait.


Nagtagumpay na si Vanessa.


Tama ako, hindi siya titigil hangga't hindi ako namamatay. Hindi siya titigil hangga't nararamdaman niya ang aura ko sa mundo. Kaya ito ang ginagawa n'ya sa akin.


"Umupo ka, Ms. Chiara sa iyong upuan." Pagtuturo sa akin ng katabi ni Vyncent sa kanan. Ngayon ko lamang siya nakita. At sa tantya ko, makapangyarihan din siya. Inosente siya kung makatingin pero hindi ako sumigurado doon.


Pero mas lalo akong nagimbal ng sinabi niya ang buong pangalan ko. Papaano niya alam ang buong pangalan ko. Nakakatakot.


"Ngayon araw na ito, kaharap natin ang isang Midnight Vampire. Matagal na tayong may impormasyon sa kanila. Nakalathala na ito noon pa man sa nakaraan kaya't hindi ko na ipapaliwanag sa inyo. At dahil umusbong ulit ang mga lahi nila, bilang mga namamahala sa ating mga uri, kikitilin natin ang mga pinuno nila upang mawala ang mga nakakatakot na nilalang na mga ito. Ngayon, masasaksihan natin na sabihin sa ating lahat kung sino ang host ng Midnight Blood." 

Midnight DreamsWhere stories live. Discover now