39. Concealing Nightmare

1.1K 35 0
                                    


Malakas ang tunog nanggagaling sa speaker ng booth namin. Syempre pakana ko iyon dahil mas gusto ko nasa amin ang atensyon ng mga tao dito. Napapaindak ako habang tumutunog ang kantang "Love me Like you do" ni Ellie Goulding.

Maging ang mga estudyante ay napapadaan na rin sa booth namin para lamang makiparty. Nagdala rin ako ng ilang cocktail drinks na hindi naman pinagbawal ng mga professors basta h'wag lang daw sobrang tapang. Mas lalo akong naganahan sa ganito.

"Sa tingin mo angkop itong ginagawa mo Ara?" Panunuway ni Haide, isang pakialamera sa block namin.

"None of your business sis." Saad ko naman habang umiindak hawak ang shot glass na hindi ko na naiinoman.

"Look Ara, medical ang theme ng ating booth tapos ganiyan ang iyong ginagawa? Sa tingin mo maayos iyang tignan?" Paninigaw niya. Napatigil ako sa pag-indak at sa sobrang inis na rin ay agad akong nakalapit sa kaniya.

Nakita ko ang gulat sa kaniyang mga mata ng kami'y nagtitigan na. Pinaramdam ko na walang ibang nakakatakot dito sa lugar na aming kinaroroonan kundi ako.

"Shut your mouth, bitch." I uttured that word na naging dahilan ng pagsama ng tingin niya sa akin. Nainis yata, well, it is not my fault. Kung hindi lang siya nangialam edi sana maayos pa rin ang buhay niya. Kaya lang, iba ang kanyang binangga.

"Malalaman ito ni Corine." Pagbabanta niya sa akin. Naramdaman kong aalis na siya't magsusumbong kaya dali kong hinablot ang kulot niyang buhok at hinigpitan ang pagkakahila dito na naging dahilan ng malakas niyang pagsigaw. At naiinis na ako, naiirita. Ang maarteng babae na ito hindi naman maganda pero kung mag-inarte akala mo naman kung sino, patayin ko na lang kaya ito?

Tama patayin ko na lang.

I twisted her hair na naging dahilan ng mas lalo niyang pagsigaw. Sinubukan kong iharap siya sa akin at nginitian. Nakita ko ang pagmamakaawa niya at the same time nais niya akong isumpa dahil sa aking ginagawa.

But I don't have any mercy. Naniniwala akong lahat ng tao sa mundo sasaktan ako, lulukohin at maglilihim. Lahat sila hindi dapat kaawaan at pagkatiwalaan, dahil lahat sila walang ibang gagawin kundi manakit ng damdamin.

"Aray Ara! STOP IT." Her scream because of the pain that makes me more happy. Pakiramdam ko ito ang nagpapahilom sa aking sugatang puso.

"Ara!" She again scream my name. Lahat ng taong naroon nakatingin na sa amin, but I just smiled to them. Umakto pa akong niyayakap ang Heidi na ito.

Kaya naman para mas exciting, kinuha ko ang ulo ni Heidi saka dahan dahan na sinakal ko ang kaniyang leeg na naging dahilan ng pagdugo. Inalis ko ang aking mga daliri ng mapansin kong bumaon na sa mismong balat ang aking mga kuko. Nalungkot ako wari.

"Oh, sorry pretty little fingers. Nadungisan kayo ng mabahong dugo ng babaeng ito." Naaawa kong kausap sa aking mga duguang daliri habang nagwawala na ang babaeng aking pinagpyepyestahan. Ang mga manonood ay nanonood lamang na parang naiisip nilang part of our show ang ginagawa ko.

Hindi ko mapigilang hindi maexcite. Pinapanood nila ako, hindi sila natatakot. At ito ang gusto ko, dahil gagawin ko ang lahat para iparamdam sa kanilang ako ang pinakanakakatakot sa lahat.

Again, before I get my fingers back to Heidi's neck dinilaan ko muna ang dugong nasa akin daliri. Lahat ng naroon napasinghap na para bang nakakita sila ng demonyo. Yan, tama lang iyan, dapat silang matakot. Dapat nilang maramdaman ang nararamdaman ko ngayon.

"Okay guys, we need to end this shit." Sigaw ko sa mga naroon kaya naman mabilis akong kumilos para alisin ang ulo ni Heidi. Ngunit sa bilis ng aking paggalaw ay bilis din ng pagtulak sa akin ni Devin na naging dahilan ng patilapon ko.

Midnight DreamsWhere stories live. Discover now