18. Welcome party

1.2K 33 0
                                    

“ANO!? Nahihibang ka na ba?!” Amy scream over my face. Napapikit ako.

“Hindi mo ko kailangang sigawan.” I defend. Pero nakakainis pa rin ang mukha niya. Usual, para siyang papatay ng tao sa kanyang itsura.

“Hindi ko naman alam na witch siya eh.” I added.

Then a moment of silence happened. Nakatingin lang ako kay Raven na nakatayo’t pinagmamasdan ako at kay Amy na naghyhysterical.

“So what now? Tunganga moments tayo? Hello, I found a witch. Kailangan natin siyang kunin para mahanap natin kong sino ang taong nagpaparusa sa akin nito. Para matapos na. Para matahimik na. Para maging masaya na’t pwede na akong kumain ulit ng preserved blood.” Bigla kong pag-iingay. Hanggang sa si Raven na ang nagsalita. Finally, nagsalita na siya.

“Malalakas ang mga witch Ara. Wala tayong laban sa kanila. Sila ang gumawa sa atin, dahil sa kanilang black magic nagkaroon ng bampira sa mundo. Kaya kung kaya nilang bumuo ng isang tulad din natin, kaya din nilang pumatay.” He said. Bigla akong umangal.

“Look, Raven, bata pa lang si Brielle. Hindi pa siya oldy hody witchy para patayin tayo. I know, kunti pa lang alam noon.”

“Mali ka Ara,” Amy butt in. What again?

“Lagi naman akong mali sa paningin mo Amy eh.” I scolded. Biglang umawat si Raven sa pamamagitan ng pagkampi kay Amy. WHAT!? Seriously.

“Tama si Amy, Ara. Bata pa lamang ang mga anak ng mga witch tinuturuan na sila ng mga ninuno nila. Kaya habang tumatanda sila, mas lalo silang palakas ng palakas.”

I rolled my eyes. “Okay.”

“Your mission now Ara is to be a friend of Brielle. Nang sa ganoon eh maconvince natin siyang tumulong sa ating mga bampira. And take note, they doesn’t mingle to us.” Raven exclaimed.

“Obviously, ako na nga ang nagiging miss friendship dito eh.”

Napabuntong hininga ako. Well, ako na naman ang manliligaw at gagawa ng paraan sa problemang ito.

Kaya inagahan ko ang paggising kinabukasan. Agad akong tumunggo sa may gate ng university. Simpleng get-up lang, para naman hindi siya mainsecure sa dress coding ko. Ilang minuto akong naghintay sa may gate. Amputek, pa-VIP lang ang peg? Ang tagal eh. Mga tatlong put minuto akong nakatayo at doon lang s’ya nagpakita.

Usual get-up. Pang probinsyana. Agad ko s’yang nilapitan. At syempre, umiwas agad sya.

“Sandali, Brielle.” I shout. Sinundan ko siya ng sinundan. Hanggang sa hallway hanggang sa nagsawa siya sa pangungulit ko. Aba, masaya ito.

“Ano bang gusto mo?!” She almost scream. Buti na lang nasense niyang nasa public kami. Pa-cool akong humarap sa kanya at ngumiti.

“Sorry pala kahapon.” I said. Even it is a lie.

She just look at me. Hobby ba nitong tumitig?

“Okay.” Then she turn back at nagsimulang maglakad. Pero bigla ko siyang hinarang. With my fast move.

“Alam ko kong ano ka.” Pananakot ko.

“Ngayon?” Pambabara niya. Pasensya Ara, pasensya.

“Ngayon, proprotektahan kita. Alam mo na, dito maraming pwedeng saktan ka. Maraming pwedeng apihin ka. At maraming pwedeng hindi makakaintindi sa kung sino ka.”

She stop. Look at me blankly.

“Tulad mo.” She emphasize. Doon na ako nainis kaya nahawakan ko siya ng mahigpit sa kanyang braso. I heard her in pain. Pero naiinis na talaga ako.

“Ano bang gusto mo!” She shout in me. I smiled.

“Ikaw, ikaw lang naman ang gusto ko. Gusto kong makipagkaibigan sa’yo.”

“Incendia.” She said some chant na naging dahilan ng pagkapaso ng aking kamay dahil sa pagkakawak sa kanya.

“Makinig kang mabuti. Bampira ka, witch ako. Ibig sabihin hindi magkatulad ang mundong iniikotan natin. Sa propesya, hindi pwedeng tulungan ng isang witch ang isang bampira dahil masama sila.”

Doon ako sumumbat sa kanya.

“Hindi lahat ng bampira masama.” I correct her. Tumingin siya sa akin.

“Talaga? Anong tawag mo sa ginawa mo sa akin kahapon?” She paused. Look me in the eyes. Challenge me, pero wala akong nagawa kundi tumingin lang sa kanya.

“Welcome party?” She grinned. And then turn back and went to her class. Ako? Naiwang nakatayo sa corridor. Binabangga ng mga tao. Hanggang sa hindi kalayuan, natanaw ko si Corine. May kasamang ibang mga babae. Nagtatawanan sila. Tumingin ako sa kanya, papalapit siya. I try to smile ngunit noong nagtama ang aming mga mata, parang hindi niya ako kilala.

Yes nga pala, I compel her. Anong maaalala niya? I feel so alone.


Makauwi na nga lang.

Nakakawalang gana.

Midnight DreamsWhere stories live. Discover now