29. You'll be healed

1.2K 48 10
                                    

Pinagmasdan ko lamang siyang binuksan ang isang bote ng wine. Pagkatapos ay kinuha ang baso ko saka sinalinan. Bawat galaw niya sinundan ng aking mga mata. Napakahalumanay at hindi ko makita ang kapahamakan. 


Sa huling pagkakataon bago niya ibinigay sa aking ang baso na may lamang alak ngumiti siya at ininom ang alak na nasa baso niya saka nagsalita.


"Matagal na kitang gustong makita," Aniya. Napalunok ako sa pagsabi niya noon dahil halos lamunin na ako ng kaniyang boses. Nakakatakot yet nakakaginhawa.


"Anong maipaglilingkod ko sa'yo?" He asked. Napatingin lalo ako sa kaniya. Mapupugay ang kanyang mga mata ngunit para itong may itinatagong kakayahan para hindi mabasa ang susunod niyang gagawin. 


"Bigyan mo ako ng dugo mo." Pag-aalinlangan kong sagot. Ngumiti lamang siya at ilang minutong tumingin sa akin bago ko makuha ang sagot.


"Bakit mo kailangan ang dugo ko?" Napatigil ako't napakunot noo. Anong sinasabi niya? Bakit niya binalik ang sagot ko sa tanong niya? Anong gusto niyang mangyari?


"Alam mo, huwag mo na akong paglaruan. Alam kong alam mo na isa akong midnight vampire dahil ganoon ka rin. Pagkatapos kong namatay pinainom mo ako ng dugo mo na naging dahilan ng pagduru—," napahinto ako sa pagsasalita dahil sa mga gestures niya na parang hindi siya interesado sa akin.


"Tumutupad lang ako ng hiling, Ara." He said na naging dahilan ng pagnginig ko dahil sa takot. Lalo na sa pagtawag niya ng pangalan ko. Na parang matagal ko nang napakinggan ang boses na iyon.


"A-anong ibig mong sabihin?" I really don't know what is happening. Ang gusto ko lang naman ay ang dugo niya para mabuhay ako. Ngunit hindi ko maintindihan kong bakit kailangan ko pang magtagal sa lugar na ito.


"Matagal ko nang nabasa ang kwento ng buhay mo Ara. Dalawang taong gulang ka pa lamang noong nagkainteres ka sa mga katulad naming nilalang. Sa mga pinapanood mo, sa mga binabasa mo mas lalong umigting ang pagkanais mong makakita ng tulad namin." 


Napalunok ako. Tama siya.


"Because that time I think you're cool." Depensa ko naman pero nagmake face siya.


"Yeah cool, but really? It sucks." Umirap pa siya bago n'ya ininom ang natitirang alak sa kaniyang baso.


"You know, hindi naman kami katulad ng mga napapanood mo eh, lalo na iyong mga nababasa mo. Siguro, hinango lamang kami sa imahinasyon ng mga writer na hindi naman kami nakikita pa. Ah! Baka gusto mong magsulat? Pwede kang gumawa ng kwento dahil may alam ka sa mga tulad nating nilalang. Baka maghit iyan at maging best seller." Pagbibiro n'ya and I am pissed. Masyado na siyang madaldal at humahaba na ang usapan namin. Madali pa naman akong mainip.


"No more talks, I just need your blood." Sagot ko sa lahat ng kadaldalang sinasabi niya. Sinenyas niya ang kaniyang kamay upang iparating na kumalma lamang ako.


"Ow, don't interrupt me. I know what I am doing. Just sit, relax, enjoy the show!" Then he emphasize and make a body movement from his word enjoy. And it sucks, really.

Midnight DreamsWhere stories live. Discover now