"Ashanta! Lovely! " sigaw niya.


Napatigil ang mga ingay na kanilang narinig.



Umupo si Xavier sa kanilang sofa at nag-feel at home.nanaman.



"Grabe, ang ganda ng bahay niyo! Ayan pala ang maliit na bahay. Grabe, may music room, library tapos dance room! " saad ni Xavier.



Inirapan lamang siya ng dalaga.


"Ewan ko sa'yo! Nagugutom kaba? Anong gusto mo? Kape o juice? " tanong ni Elle kay Xavier. Napanguso ito habang pumipili.



"Hmm, kahit MGA kapatid mo nalang. " ngising saad nito kay Elle. Inis siyang binatukan ng dalaga.


"Aray ko! Amazona ka talaga! Kawawa sa'yo niyan ang manok ko! " sabi ni Xavier rito.



"Wala akong paki sa manok mo! Umayos ka kasi kung ayaw mong ibang manok mo ang pagdiskitahan ko! " saad ni Elle.


Biglang nanlumo ang binata at napalunok pa ito ng bahagya. Talagang amazona nga ang babaeng kaharap niya.


"Ate! Ang ingay mo! Sakit sa eardrums boses mo! " sigaw ni Lovely at patakbong lumapit sa kaniyang ate.



Sinalubong Siya nito ng mahigpit na yakap at ganun din ang ginawa ni Ashanta. Saglit silang nanatili sa ganon at napatingin sa bisitang dala ng kanilang ate.


"Wow, Ate! Himala at may kasama ka! Boyfriend mo ba 'to? " tanong ni Ashanta sabay lapit kay Xavier. Bigla tuloy napakunot ang noo ng binata dahil sa sinabi nito.


"Oo nga! Pero hindi pwede! Hindi Siya 'yung nireto ko sa'yo ate! Dapat 'yung lalaking nasa bar ang mapangasawa mo! " giit nu Lovely.



Bahagyang ngumisi Si Xavier dahil kilala nito ang tinutukoy ng nakababatang kapatid ni Elle.




"Lovely! Manahimik ka nga! Hindi ko Siya boyfriend! " inis na wika ni Elle sa kaniyang mga kapatid.


Agad na kuminang ang kanilang mga mata.


"Ganon ba? Ay! Ako pala si Ashanta! " saad nito at hinarap si Xavier.

"Ako si Lovely! " sabi naman ng Isa. Biglang napangisi si Xavier ngunit Agad ding napawi nang may napansin kakaiba.

"Nasaan ang Isa niyong kapatid, Elettra? " takang tanong ng binata.

"Nasa abroad, kasama ang parents namin. Isa siyang Nurse doon. " saad ni Elle.


"Elettra? Yikes! Ikaw lang ang tumatawag ng ganiyan kay Ate! " sabi ni Ashanta.

"Oo nga! " pagsang-ayon pa ni Lovely.

"Para unique! " saad nito.

"Wow! " sabi nung dalawa.

Napailing na lamang si Elle.

"Gagawan ko lang kayo ng makakain at maiinom. " saad nito at kaagad na nagtungo sa kusina.

Naghain Siya ng usual na hinahain nila para sa kanilang bisita. Isang juice at snacks. Mukha namang hindi mahilig si Xavier pogi kuno ng mga kape kaya juice nalang ang itinimpla niya para rito.


Nang Matapos Siya ay kaagad din siyang tumungo sa salas kung nasaan Sila. Ngunit Laking gulat niya Na lamang na may lumabas na isang matipunong lalaki mula sa music room nila. Muntikan nang mabitawan ni Elle ang kaniyang bitbit na tray.


"T-teka! Sino ka?! Magnanakaw ka Ano?! " sabi ni Elle sa lalaki. Nagulat ang lalaki nang makita siya ngunit agad ding nabawi iyon at tumawa ito sa kaniya.


"Hindi po, Ms. Averion. Ako si Rowan Gabrielle Amadeo. Piano teacher ako ng kapatid niyo. " sabi nito. Bahagyang napaawang ang labi ni Elle doon.


"P-piano teacher? Susko, trying hard talaga. " sabi ni Elle at bahagyang umiling.


"Naku, hindi po. Sa Totoo lang magaling po Siya, Depende nga lang sa mood niya. " natatawang saad ni Rowan.


"Ganun talaga Siya. Kung naturuan 'yan nung bata, edi sana magaling na 'yan. Pagtiyagaan mo nalang. " ngiting saad ni Elle.


"Sige po, mauuna na po ako. " sabi nito.

"Uuwi kana kaagad? Samahan mo muna kami. " yaya pa ni Elle.


"Okay lang po. Mauuna na Talaga ako. " Sabi pa nito kay Elle.


"Bakit naman? Hindi ka naman siguro boyfriend ni Ashanta 'di ba? " tanong pa ni Elle. Pansin niya tuloy ang pag-iwas ng tingin nito at namumula din ang kaniyang tenga.


"H-hindi po. " sabi nito.


"Oh, edi Tara! "


--

Dreamerxbtch

Love Series #1: Signs of Love Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz