Napatitig ako sa mga mata nito.

"Why are you helping me?"

"Alam kong malaki ang kasalanan ko sa'yo. I had no choice, Hanna. Ginamit ni Selene ang pamilya ko. Ginawa niyang baliw ang nanay ko at tinusukan ng gamot para hindi makakilos. Wala akong choice kundi gawin ang lahat ng iyon sa'yo. Gusto kong makabawi kahit sa ganitong paraan man lang so please, umalis ka na." May pakiusap sa boses nito.

"You can go with me." Sambit ko.

Malungkot itong umiling.

"I have to stay here. Kailangan kong masigurado na makakatakas ka. Nangako ako kay Ethan na tutulungan kita sa abot ng makakaya ko. Hindi ko lang inaasahan na matutuklasan ni Selene ang plano ni Ethan. Mas lalong hindi ko inaasahan na tutusukan niya ng gamot ang kasintahan mo. Hindi namin inaasahan 'yon. Ang buong akala ko ay matatapos na ang lahat. Masyado kaming naging kampante. At hindi ko alam kung magigising pa ba ang kasintahan mo. Ang gamot din na iyon ang ginamit niya sa nanay ko." Lumuluhang naikagat ko ang ibabang labi habang sunod-sunod ang pag-agos ng mga luha ko.

Ethan. Please...be safe. Please, baby.

"Umalis ka na, Hanna. Sige na. Akong bahala dito." Unti-unti ay tumayo ako.

"S-Salamat, Enzo. Salamat." Lumuluhang sambit ko.

Malungkot itong ngumiti.

"You know how much I love you, Hanna. Minahal kita mula pa pagkabata hanggang ngayon. At wala akong ibang mamahalin kundi ikaw lang. Please, be happy. 'Wag kang sumuko sa lahat ng hamon sa buhay mo. Stay strong as you are. This is really a goodbye. Live well, my Hanna." Napatitig ako sa mga luha nito.

Muli kong naikagat ang ibabang labi. Gusto ko itong yakapin at sabihing miss na miss ko na ito bilang isang matalik na kaibigan. Pero bago ko pa man magawa iyon ay nakarinig na ako ng putok ng baril. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang makitang may tama ng bala sa dibdib ni Enzo.

"E-Enzo!"

Akmang lalapitan ko ito nang yakapin ako nito kasabay ng isa pang putok ng baril. Tumama iyon sa likod nito. Hinawakan ako nito sa kamay at tumakbo kasama ako.

Hindi ako nito binibitawan hanggang sa makalayo kami. Nasa gitna kami ng kagubatan. Tama ang hinala ko kanina na nasa isla kami. Ang sarili kong isla. At ang maliit na bahay kanina ay ang pinatayo ko noon.

Malakas na bumagsak ang duguang katawan ni Enzo sa lupa na puno ng mga natuyong dahon. Kaagad ko itong dinaluhan.

"Enzo...please, let's go. D-Dadalhin kita sa ospital. Konting tiis lang. Please." Lumuluhang pakiusap ko.

Umiling ito at ngumiti.

"N-Nakabayad na ako. Patawarin mo ako, Hanna. P-Patawad sa lahat." Sumuka ito ng dugo.

"P-Pinapatawad na kita. So please, tumayo ka diyan at sabay tayong umalis sa-"

"Umalis ka na. Please. Save yourself. Hindi ka nila titigalan. Selene will kill you. Umalis ka na." Pilit ako nitong tinataboy.

"E-Enzo-"

"Umalis ka na. Sige na." Mahigpit nitong hinawakan ang kamay ko. "Mahal kita. Mahal na mahal kita, Hanna. At patawad dahil hindi sapat ang pagmamahal ko para maprotektahan kita." Paunti-unti ay pumikit ito. "Ngayon ay pinagbabayaran ko na lahat ng kasalanang ginawa ko sa'yo. I-I can finally rest. P-Pagod na rin ako. Pagod na pagod na ako." Tumulo ang mga luha nito.

"No. No. Please, Enzo."

"Save yourself. Please. Ethan will...get mad of me. G-Goodbye, H-Hanna." Tuloy-tuloy ang pag-agos ng mga luha ko hanggang sa tuluyan nang hindi kumikilos si Enzo.

Natutop ko ang bibig, pinipilit na hindi umiyak ng malakas habang nakatingin sa wala nang buhay kong kaibigan.

Dali-dali akong tumayo nang makarinig ng sunod-sunod na yabag. Tumakbo ako at bago pa man ako nakakalayo ay nakarinig na ako ng putok. Napadaing ako sa sakit nang tinamaan ako sa hita.

Patuloy akong tumakbo kahit hirap na hirap. Tumatama ang katawan at mukha ko sa mga sanga ng mga punong nadadaanan ko. Ni hindi ko na alam kung tama pa ba ang dinadaanan ko. Paminsan-minsan ay natitipalok ako pero hindi ako nagpatinag. Lakad-takbo na ang ginawa ko.

Sandali akong umupo at tahimik na napadaing. Tuloy-tuloy ang pag-agos ng dugo sa hita ko. Pinunit ko ang laylayan ng damit ko at mahigpit na itinali ang hita ko na may tama ng bala.

Nang matapos ay muli akong tumakbo. I have to save myself. I have to save my baby. Tuloy-tuloy lang akong tumakbo at tila nawala ang lahat ng pag-asa ko nang makita ang bangin sa harapan ko.

Parang mababaliw na napasabunot ako sa sarili kong buhok.

"You will die!" Narinig kong sigaw ni Selene.

Humarap ako at lumuluhang napatingin kay Selene. Sa likod nito ay ang napakarami nitong mga tauhan na puro nakaitim. Ang mga baril ng mga ito ay nakatutok lahat sa'kin.

"Wala ka nang takas, Hanna. Tanggapin mo ang kapalaran mo na mamatay ka na!" Muling sigaw ni Selene at humalakhak.

Mapait akong ngumiti.

"Kung inaakala mong magiging masaya ka pagkatapos nito, nagkakamali ka. You are just nothing, Selene. Alam kong magiging impiyerno ang buhay mo!"

Patuloy lang itong humalakhak.

"Kill her!" Malakas na utos nito.

Unti-unti ay napapikit ako.

Palagi mong tatandaan, kahit nasaan ka pa, kahit malayo ka pa, darating at darating ako para iligtas ka. Kahit sa kahuli-hulihang minuto, ililigtas pa rin kita. Paulit-ulit kitang ililigtas basta't hintayin mo lang ako. Darating ako kahit anong mangyari, pangako 'yan.

Ethan.

Nakangiting pumatak ang mga luha ko. Sunod-sunod na putok ang narinig ko pero ni isa ay walang may tumama sa katawan ko.

Nagmulat ako ng mga mata. Nagulat ako nang makitang nakabulagta na ang mga tauhan ni Selene. Duguan silang lahat.

Napatingala ako nang makarinig ng ingay mula sa himpapawid. Limang choppers ang nakita ko at tila slow motion na nakita kong isa-isang bumaba ang mga sakay niyon gamit lang ang lubid. Pawang nakaitim silang lahat na may nakasukbit pang mahabang baril sa likod ng mga ito. Kung hindi ako nagkakamali ay sniper gun ang mga iyon.

Malakas akong napaiyak nang matanaw ang lalaking huling bumaba mula sa chopper.

"E-Ethan." Mas lalong lumakas ang iyak ko.

Ang sampung lalaki na bumaba mula sa chopper ay sumaludo sa akin bago nila isa-isang pinulsuhan ang mga nakahandusay na mga tauhan ni Selene.

"They are all dead." Nakilala ko ang nagsalita, si Adrian. Ang siyam pa nitong kasama ay hindi ko kilala.

Kumilos ako at naglakad nang makita si Ethan na naglalakad patungo sa akin. Patakbo ko itong sinalubong at ganoon din ito.

Kaagad ako nitong ikinulong sa mga bisig nito.

"D-Dumating ka. Dumating ka." Sambit ko at malakas na humahulhol sa matipunong dibdib nito.

Hindi ito umimik. Sa halip ay niyakap lang ako nito ng mahigpit. Sobrang higpit.

"A promise is a promise. Pinangako kong darating ako kahit saan ka pa. Kahit gaano ka pa kalayo sa'kin. Darating ako kahit anong mangyari...para sa'yo." Nanghihinang napahilig ako sa balikat nito.

"Thank you...for keeping your promise, Ethan. I...love you so much." Iyon lang at nawalan ako ng malay.

To be continued...

A/N: Huhu. Favorite ko 'yong part na 'to. Tagos sa puso ko.💛

Goodnight, everyone. See you again next week. See you on next sunday for updates. Mahal ko kayo ! 😍🤗😘

Phoenix Series #10: My Innocent Desire(COMPLETED)Where stories live. Discover now