"Tama na sabi! Tama na!" Galit na galit nitong hinablot ang buhok ko at malakas na nilublob ang ulo ko sa drum na puno ng tubig.

Pilit akong pumapalag pero may dalawang pares ng mga kamay na pumipigil sa akin para hindi ako makaahon.

"Hinding-hindi ko hahayaang makita kang masaya, Hanna. Papatayin kita! Papatayin kita!" Mas lalo nitong nilublob ang ulo ko sa tubig.

Kinakapos na ako ng hininga. Napakahirap huminga. Alam kong matagal na akong nakalublob sa ilalim ng tubig at akmang pipikit na ako nang kusa ako nitong inahon. Hingal na hingal ako.

"Maghihirap ka muna sa mga kamay ko bago ka mamatay. Gusto kong magmakaawa ka at lumuhod sa harapan ko." Galit na galit ang boses nito.

Paulit-ulit akong napaubo at hindi pa man ako nakakabawi ay muli nitong nilubog ang ulo ko sa tubig. Paulit-ulit nito iyong ginagawa. Nilulubog at inaahon hanggang sa manghina ako. Muli ay iniahon ako nito.

"Ngayon mo pagsisihan na pinanganak ka sa mundong ito, Hanna. Lahat ng mga tao sa paligid mo ay naghirap para sa'yo. Si Daddy mo, ang mommy mo, si Enzo at pati ang putanginang si David. Suwerte na lang niya kung magising pa siya dahil sa itinusok ko sa kanya. At kung magising man siya ay hindi na siya makakakilos pa. That injection was to make him paralyzed all his life. Naririnig mo ba? Lahat ng mga taong nagmamahal sa'yo ay papahirapan ko. Lahat sila ay dapat nilang pagsisihan dahil minahal ka nila! Hindi ka na dapat pinanganak sa mundong ito! Nadadamay sila nang dahil sa'yo. Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito. Isa kang sumpa sa buhay nila! Nagiging impyerno ang buhay nila dahil sa'yo! Kasalanan mo lahat-lahat!" Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko sa mga sinabi nito.

Pakiramdam ko ay namanhid hindi lang ang katawan ko kundi pati ang puso ko.

"Selene." Narinig ko ang pamilyar na boses na iyon.

"Stop that. You have to take your medicine first. I'll deal with her." Paunti-unti ay binitawan ako ni Selene at tumingin kay Enzo.

"Y-You won't betray me, right? I-Ikaw lang ang inaasahan ko all these years. Ikaw lang ang nanatili sa tabi ko. Choose me over Hanna, Enzo. Please." Ani Selene at tila baliw na tumawa.

Nilapitan ito ni Enzo at hinawakan sa kamay.

"I already chose you over her years ago, Selene." Sambit nito sa pinsan ko.

Sunod-sunod na tumango si Selene at ngumiti.

"I know. Mahal niyo ako higit pa kay Hanna." Anito at muling tumawa.

"So please, magpahinga ka muna. Ako na ang bahala dito, okay"? Masuyong hinaplos ni Enzo ang pisngi ni Selene.

Masunuring tumango ang dalaga at tumingin sa akin.

"See? Enzo is all mine." May pagmamalaki sa boses nito. "Bantayan niyong mabuti 'to." Anito sa mga tauhan bago lumabas.

Hinarap ako ni Enzo at maagap na sinalo sa pagkabuwal ko. Hinarap nito ang mga tauhan ni Selene.

"Guard Selene. Ako na ang bahala dito." Utos nito.

Kaagad na sumunod ang mga ito. Maingat akong iniupo ni Enzo sa bakal na silya at pinunasan ang mukha ko.

Titig na titig ito sa mga mata ko.

"Selene is not in her right mind. Gamot na lang ang nagpapatino sa utak niya." Sambit nito.

"Walang matino sa inyong dalawa." Galit na sambit ko.

Napabuntong-hininga ito. May kinuha ito mula sa bulsa. Isa iyong susi.

"Pagkalabas mo sa maliit na bahay na ito, diretso ka lang hanggang sa makita mo ang motorboat. Naghihintay ang motorboat doon. Gamitin mo para makatakas." Mahigpit nitong hinawakan ang kamay ko.

Phoenix Series #10: My Innocent Desire(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon