Napatigil ako sa pagtawa nang magring ang phone ko. Dali-dali ko 'yong kinuha at binasa. Pinapabalik na ako ni tita dahil ilang minuto na lang daw ay magsisimula na ang countdown. Nagreply ako ng okay at napatingin kay Winwin na nagtataka nang tumingin sa akin.

"Si tita, pinapabalik na ako." Agad kong sabi kahit pa wala naman siyang tinatanong. Pakiramdam ko kasi kailangan kong sabihin sa kanya kung sino 'yon.

"Lika na." Naglahad ito ng kamay sa akin.

"S-sasama ka?" Di ko alam kung anong sasabihin ko kina tita kapag nakita nilang pagbalik ko ay may kasama na akong lalaki. Alam kong kilala na siya ni Ninong Jin kaya mas lalo akong nabahala dahil baka kung anong isipin nito. At saka baka isipin ni tita na siya talaga ang sadya ko kung bakit ako nagpaalam na maglilibot-libot mag-isa kahit ang totoo'y di ko rin alam na darating ang lalaking 'to dito.

Mahina siyang natawa. "Chill. Hahatid lang kita." Saad nito na parang narinig ang mga nasa isip ko. "Pero kung gusto mo..." Muling sumilay ang pilyong ngiti nito.

"Magtigil ka nga." Saad ko at naunang maglakad. Sumunod naman siya sa akin at nakisabay.

"Saan ka mag-iistay?" Tanong ko dahil tingin ko'y wala siyang kamag-anak o kilala rito maliban sa akin.

"Hotel." Kaswal na wika nito.

"Wow. Galante ah, naghotel mag-isa." Ngisi ko.

"Gusto mo 'ko samahan?" Ngumisi rin siya.

"Panindigan mo pagbyahe dito ng mag-isa no."

Hinatid niya ako di kalayuan sa pwesto nila tita. Good thing maraming tao kaya di nila ako nakita kasama ng asungot na 'to. Mula sa pwesto namin ni Winwin ay kita kong nagtatawanan sila Tita kasama sila Ninong Jin at ang mga kamag-anak nito. May ilan sa kanilang kumakain na at ang iba'y nakatingala na sa itaas na na para bang ayaw ma-miss ang simula ng fireworks display.

Humarap ako kay Winwin at ngumiti. "Mauna na ako." Paalam ko.

"Bukas." Nakangiting saad nito habang tumango-tango. Isang salita lang iyon ngunit naintindihan ko agad ang gusto niyang ipahiwatig. I nodded and turned my back. Lakad-takbo akong bumalik kina tita na agad din naman niyang ikinasimangot.

"Ang tagal mo, akala ko di ka na aabot." Ani tita at hinila ako papalapit sa kanila.

Mayroong malakas na boses galing sa mikropono at nagsasalita ng kung anu-ano dahilan para tumayo at ma-excite ang mga tao. Maging sila Ninong Jin ay napatayo rin at bakas sa kanilang mukha ang excitement.

Ilang sandali pa ay narinig ko na ang kanilang count down kasabay ng boses sa mikropono. Maging ako ay naging excited lalo na nang mapagtantong napakaraming tao sa plaza na silang magiging makasama ko sa pagcelebrate ng New Year. Ngayon ko lang mararanasan ang ganito.

"5!"

"4!"

I froze when I suddenly realized something. Agad nilibot ng mga mata ko ang paligid at hinanap siya. Shit Iza! Nalimutan kong wala nga pala siyang kasama at kilala dito maliban sa akin. Ni hindi ko man lang naitanong kung saan siya didiretso pagkatapos akong maihatid dito.

"3!"

"2!"

Maya-maya pa'y nakahinga ako ng maluwag nang makitang naroon pa rin siya kung saan ko siya iniwan kanina. Nakatingala siya sa langit tulad ng iba.

Unforgettable MistakeWhere stories live. Discover now