CHAPTER 20: Acceptance

Start from the beginning
                                    

"Acel"

"Okay. Kung yan ang gusto mo. Pero may hihingiin sana akong pabor."

Tutal sanay din naman sa labanan ang babaeng ito. Pwede siya nalang ang makasama ko para tulungan si Archielyn.

"Ano namang pabor?"

"May extra ka bang baril? Pahiramin mo muna. Pakidala pagpunta mo dito."

Nakakainis lang at dito ko dala ang sarili kong baril. Kaya naisipan ko nalang na maghiram sa kaniya. Biglaan din kasi dahil hindi ko naman expected na may mangyayaring ganito.

"Okay. Text mo sa akin ang address. Pupunta ako agad."

"Bilisan mo."sabi ko at pinatay na ang tawag.

Agad ko ng tinext sa kaniya kung nasaan ako eksaktong lugar. Matapos yun ay muli kong binalik sa bulsa ang cellphone ko at umupo muna sa damuhan dahil kanina pa ako nangangalay. Magandang timing na rin ito para maghintay na mas lumalim pa ang gabi habang wala pa si Hetti.

Sa paghihintay kay Hetti ay napansin kong 7:30 na pala ng gabi. Kahit naiinip ay sinikap kong kalmahin ang sarili ko na hindi pasukin mag isa ang bahay.

"Ang tagal naman niya."mahina kong bulong at tumayo ng tuwid.

Ilang sandali pa ay naramdaman kong may presensya ng kung sino sa likuran ko. Agad akong napalingon at bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Hetti.

"Lintik, nandyan ka na pala."sabi ko.

"Kadarating ko lang."

"Nag commute ka lang?"naisip kong itanong.

Bahagya siyang natawa.

"Hindi ah. Dala ko yung kotse ko. Ipinarada ko lang dun sa dulo."

Napansin ko ang bag niyang nakasukbit sa likuran niya. May kinuha siyang kung ano dun. Napangiti ako ng makitang baril yun. Iniabot niya sa akin ito na agad ko naman tinanggap.

"Thanks."pasasalamat ko.

Inilabas niya rin sa bag ang isa pang baril na obviously ay para sa kaniya.

"Nasaan ang mga kalaban?"

Inginuso ko ang bahay na nasa malpit lang namin. Halos limang hakbang ang layo mula sa amin.

"Oh tara na. Para matapos na ito."mangas niyang sabi at nilagpasan ako.

Bago pa siya makalayo ay hinila ko ang kanang braso niya. Nakakunot noo siyang lumingon sa akin.

"Huwag kang atat. Kailangan mo na nating maplano."

Tumaas ang isang kilay niya.

"So, anong plano?"

Ngumisi ako bago sinabi sa kaniya ang nasa isipan ko. Sandali lang naming pinag usapan yun. Nang sumaktong alas-nuebe na ng gabi ay dahan-dahan na kaming lumapit dun sa bahay. Sinenyasan ko siyang akyatin namin ang gate.

"Mauna ka."mahina kong sabi.

Tumango siya at pilit ng umakyat sa gate. Napangiwi ako ng mapansing naka-maong short lang siya na. Kitang kitang ko tuloy ang halos kalahati ng mga hita niya.

"Next time kapag ganitong sitwasyon. Magpantalon ka."

Hindi ko alam kung narinig niya iyon. Basta diretso lang siyang umaakyat ng gate. Nang makarating sa tuktok ay saka siya marahang tumalon pababa. Mabilis akong sumunod sa kaniya. Sisiw lang akyatin ang gate dahil halos kasong height ko lang ito kaya nakalampas ako ng kahirap hirap.

Nang parehas na kaming nasa loob ay tinanong ako ni Hetti kung sigurado daw ba akong nandito si Archielyn. Sabi ko, oo sabay turo sa sasakyang nakaparada sa gilid. Iyon ang ginamit ng mga hindi kilalang lalaki para dakpin siya.

RETURN OF THE KING (COMPLETED)Where stories live. Discover now