NagBoo Sign lang ito sabay nagbebelat sa akin.

Nakakaasar talaga! Papatulan ko na itong isip bata na to eh!

"Magbihis ka na Anak." sabi ni Tatay. "Kakain na tayo."

"Hindi na po ako kakain. Busog pa po ako."

"Bahala ka. Di mo matitikman yung Aso mo."

"Si Garfield?"

"Oo." Sabi ni Kuya. "Niluto namin siya." With Feelings pa ang pagkakasabi nito. "Malaman! Juicy! Yum. Uhm--- Aray!"

Binato ko na ito ng kutsarang nakita ko. Siraulong kapatid talaga! NapakaSiraulo. Bagay sa Mental!

"Nasaan si Garfield?!"

"Bakit sa tuwing binibigkas mo yang pangalan ng aso mo, sumasakit ang ulo ko." singit nanaman ni Kuya. Inirapan ko ito. "Nandoon na nga sa langit diba kinain---"

Hinagis ko naman ang tinidor dito. Pero nakaiwas ito kaya nambelat nanaman ito tyka nagtago sa likod ni Mama.

"Nasa kulungan yung alaga mo. Kanina pa tulog." sabi ni tatay. "Kung hindi ka na kakain, matulog ka na, si Kuya mo na ang maghuhugas ng pinggan."

"Tatay!" Reklamo ni Kuya.

"Buti nga! Bleh." Ako naman ang ngumisi dito bago umakyat sa kwarto ko.

*Click.*

Binuksan ko yung ilaw ng kwarto ko tyaka ko niLock ang pintuan.

Dumapa ako sa kama ko at sinubsub ang mukha ko sa Unan.

Nakakapagod talaga ngayong Araw na ito. Andaming nangyari. Di ko inaasahan.

Tumagilid ako. Nakita ko yung bintana. Bukas na bukas. Di-slide pa man din. Pwedeng pasukin ng magnanakaw.

Speaking of magnanakaw..

Si Hito, Bisugo, mukhang nasisiraan na din ng bait..

Naalala ko nanaman yung nakapagpainit nanaman ng dugo ko.

*****

"Wag mo na ako ihatid sa amin!" sigaw ko kay Hito.

Nagtataka kayo? Oo, ako din, bakit? Wala namang nangyari sa sinehan kanina eh, kase..

pagBaba ko ng Fire Exit. Wala na si Mint at yung Companion niyang Girl Version ni Psy.

The Virgin WriterWhere stories live. Discover now