50

1.5K 78 51
                                    

“She's so cute,”

“And so adorable! Oh my God,”

“What's her name again?”

Halos hindi na pumasok sa isip ko ang mga sinasabi nila. Basta ang mga mata ko ay tutok na tutok lamang sa'king anak. Mahimbing itong natutulog at para bang may mahikang nakapaligid rito na wala na yata akong kayang gawin kung hindi ibuhos lamang ang aking atensyon sa kanya.

Oo, I can finally call myself a mom. At hinding hindi ako kailanman magsisisi sa naging desisyon.

Three days after naming makabalik ng bansa ni baby Julio ay inasikaso na namin ang photoshoot na hiniling ng kanyang mga magulang at ni abuela. Nag enjoy rin naman ako roon lalo pa nga at kasama rin namin ang mga babae na todo turo pa sa'kin ng mga pose. Kalahati doon ay puno ng kapilyahan kaya naman hirap na hirap lalo ang kalooban ni baby Julio. Ilang beses ko rin kasing naramdaman na nagagalit iyong alaga niya sa tuwing umiiral ang pagiging pilya ko.

Isang Linggo rin matapos ang lahat ay tumungo kami sa isang orphanage para personal na iabot ang aming donasyon. Nagdala rin kami ng mga gamit, damit at mga laruan para sa mga bata. Nag insist naman ang mga babae na bumili rin kami ng maraming vitamins para sa mga ito. Maging sila rin ay nag ambag dahil for a cause naman daw iyon.

Wala na yata akong mahihiling pa talaga dahil puro kasiyahan lamang ang lumukob saking puso nitong mga nakaraang taon. Oo nga at dumaan ako sa punto kung saan kinailangan kong maramdaman ang sakit na dulot ng nakaraan ng aking pamilya ngunit sino ba ang nabuhay sa mundong ito na walang pinagdaanang pagsubok?

Nang tumungo kami sa orphanage, buong akala ko ay matatapos ang araw namin na maiaabot lang namin ang mga donasyong aming dala. Hindi ko alam na mahuhulog rin ang aking puso sa isa sa mga anghel na naroroon.

Hindi ko maipaliwanag kung bakit basta noong nahagip ko ng tingin ang batang iyon, pakiramdam ko ay may init na humaplos sa'king puso. I felt our connection. Hindi rin ako napakali kaya sinabi ko kay baby Julio kung ano ang nararamdaman ko.

Alam kong hindi basta basta ang mag ampon. Napakalaking responsibilidad noon at buhay rin ang nakasalalay.

Ngunit ng mga oras na iyon ay buong buo na ang desisyon ko. Nang banggitin ko kay Julio ang aking kagustuhan ay kinailangan naming mag usap ng masinsinan. Inabot yata kami ng dalawang oras. Humingi rin kami ng gabay sa mga namamahala sa ampunan dahil ayaw rin naman naming magpadalosdalos.

Alam ko na hindi lamang ako ang bubuhay sa bata, kami ni Julio dahil asawa ko siya. Kaya naman pinag usapan namin ito ng matagal.

“It's not that I don't want her. I guess I am just scared. Paano kung hindi ko magampanan ng maayos ang pagiging ama sa kanya? Paano kung magkamali ako? Paano kung hindi natin maibigay ang kasiyahan na dapat ay maranasan niya?”

Pareho kaming kabado ngunit inamin niyang may kung ano rin sa kanyang puso na nag uudyok na magdesisyon na ampunin namin ang bata.

So we did.

Hinayaan namin ang mga abogado ng pamilya na ayusin ang lahat. Ipinaalam rin namin ito sa mga magulang ni baby Julio.

Niyakap pa ako ng mahigpit ni mama Julianna at mangiyak ngiyak pa ito. Sabi niya ay naaalala niya si baby Rianne.

“She's an angel. And we're more than happy to have her in our family. She's a Puntavega now and nobody will say otherwise,”

Maging ako ay naiyak dahil tuwang tuwa din ang papa ni baby Julio habang binubuhat ang aming anak.

JULIO (P.S#5)Where stories live. Discover now