33

1.2K 77 66
                                    

"Ara, anak..."

Napaangat akong tingin mula sa counter nang marinig ang tinig ng tiya. Malumanay lamang ang pagkakatawag niya sa'king pangalan ngunit naramdaman ko pa rin ang bigat niyon.

"Po?"

"Pwede ba kitang makausap sandali?" anito. Napaangat ang kilay ni Killua sa narinig lalo pa nga at tila seryoso ang tiya sa balak nitong sabihin.

Tumayo ako mula sa kinauupuan at naintindihan din naman agad ni Killua kaya ito na ang pumwesto sa counter kapalit ko.

Agad naman akong sumunod sa tiya nang umakyat ito paakyat ng hagdan.

Akala ko ay sa common room na kami mag uusap ngunit tinahak pa rin nito ang daan patungo sa aking silid.

Napalunok ako. Ito na ba? Ito na ba ang tamang panahon kung kailan ipagtatapat ng tiya na nakahanap na siya ng kanyang magiging katuwang sa buhay?

Hindi ko rin alam kung ma e excite ako o kakabahan. Sana talaga kung may kasintahan nga ang tiya, mahalin siya nito ng lubusan at huwag na huwag sasaktan.

Isa lang naman kasi ang kayang gawin ng taong nasa isnag relasyon, ang magtiwala.

Nakagat ko ang pang ibabang labi ng maalala ang nakita noon sa opisina nila Julio.

Sa sobrang gulo ng aking nararamdaman ng mga oras na iyon ay hindi ko na nagawang tumuloy at magpakita sa kanya. Nang mga oras na iyon ay halos wala ng patid sa pagbagsak. Mabuti na lang at mabait si Mariz at talagang hindi niya ako kaagad iniwan.

Ibinigay ko na lang sa kanila ang mga cookies at nagbilin na sabihan si Juliene na nauna na ako dahil may emergency ako sa school.

Hindi ko kayang humarap kay Julio ng mga oras na iyon dahil maging akonay hindi sigurado sa'king nararamdaman.

Mahal ko si Julio, sigurado ako sa bagay na iyon pero ang hindi ako sigurado ay kung ano ang kaya kong gawin sakaling magkausap kami bigla.


Hindi naman kasi bato ang puso ko. Aaminin ko na sumama ang aking loob sa nakita. Sino ba ang hindi? Kung makikita mo ng harap harapan na mayroong taong humahalik sa kasintahan mo, hindi ba't normal naman ang ganoong reaksyon?

Katulad ng sinabi ko noon kay baby Julio, masakit dahil mahal mo ang isang tao. Masakit dahil totoo ang nararamdaman mo.

Ngunit alam ko din na sa isang relasyon ay hindi dapat nagpapadalosdalos. Kailangan ay marunong kang intindihin na may mga bagay na hindi mo minsan makokontrol. Kung nay hunalik sa kanya bigla, hindi ko naman siya pwedeng sisihin kaagad sa bagay na iyon.

Noong sumunod na araw ay kinausap ako ni Juliene at humingi na rin ng tawad. Hindi na rin pala siya kaagad nakabalik. Mabuti na rin at wala siyang alam sa nangyari.

Hindi ko gugustuhing magkaroon na naman kami ng kahit anong hindi pagkakaunawaan.


"Ara anak, may gusto sana akong ibigay sa'yo..." bungad ng tiya ng makapasok kami sa'king silid.

Akma itong dudukot sa kanyang maliit na bag ngunit pinigilan ko ito.

"Tiya kung pera po iyan, hindi naman po namin ngayon kailangan,"

Napakarami ng naitulong ng tiya. Hindi ko yata kaya na maubos niya sa'min ang lahat ng ipon niya.

Bigla itong ngumiti bago umiling. "Hindi naman anak. Matagal ko na kasing itinatago iyo at sa tingin ko ay tama lang na ibigay ko ito sa'yo,"

JULIO (P.S#5)Where stories live. Discover now