25

1.3K 77 44
                                    

"Haba ng nguso natin ate ah, at dahil dyan, nanalo ka ngggg!!!" iwinagayway pa ni Killua ang kanyang mga palad at pabitin pa sa pang aasar. "Apat na kamatis! Wooohhh!"

Natawa ako ng bahagya sa kanyang tinuran. Ang kanyang mga pakulo ngayon ang nakapagpapagaan kahit paano ng aking kalooban.

Sobrang dami kong requirements at ganoon din si baby Julio. Bukod pa roon ay mayroon itong mga inaasikaso na kailangan nitong bigyan ng sapat na atensyon. Minsan tuloy ay hindi ko ito nakikita ng halos dalawa o tatlong araw.

Namimiss ko na ang baby Julio ko.

"Maghugas ka muna ng plato Killua,"

"Wala tayong hugasin ate, sa cafe tayo kumain. May amnesia po?"

Inirapan ko na lamang ang aking kapatid sa walang tigil na patutsada nito.

"So noisy, mag brush ka muna ng teeth,"

Sabay kaming napalingon ni Killua ng marinig ang boses ni Juliene. Hapon na at inaasahan ko na darating na naman ito sa Rkive dahil parang nawiwili na siya rito. Naglalaro pa nga siya minsan, sila ni Killua. Nakakatawa dahil hindi siya kayang talunin ng aking kapatid. Asar talo tuloy ang Tiktokerist.


Kapansin pansin din ang pagsunod ng tingin rito ng ilan sa mga naglalaro. Bakit nga naman hindi eh naka crop top lamang ang dalaga na kulay cream na pinartneran pa nito ng distressed skirt. Sakto lang naman ang haba niyon at kitang kita talaga ang magandang hubog ng katawan nito. Naka flats lamang siya na bagay na ikinatuwa ko. Kinakabahan kasi ako sa mga patusok niyang mga high heels minsan e.

"Hi Juliene," bati ko rito. Nakaupo ako sa reception counter. Bahagya niya lang ako tinapunan ng tingin bago nagtuloy tuloy na rin paakyat sa itaas. Baka sa common room na naman ito tatambay.

"Ang pangit talaga ni Juliene no?" narinig kong turan ni Killua. Bahagyang malakas ang pagkakasabi nito na alam kong sinadya niya para marinig din ng dalaga. Mas madalas talaga silang hindi magkasundo eh.

"Go get your eyes checked, you idiot!" napangiwi ako ng marinig ang sigaw ni Juliene.

Natawa ako ng naglakad na paakyat si Killua na bubulong bulong pa.

Hindi ko masyadong maintindihan ang dalawang iyon. Palaging nag aaway pero palagi naman rin magkasama. Mas matanda si Killua kay Juliene ng isang taon.

Napansin ko naman ang tiya na nakasunod ng tingin kay Killua habang paakyat ito. At katulad ng dati napansin ko na naman ang malalim nitong pagbuntong hininga.

Napakunot na naman ang aking noo. Hindi lang miminsan kong napansin ang mga kakaibang ikinikilos ng tiya sa tuwing naririto si Juliene. Para itong nag aalala na hindi ko mawari. Kapag tatanungin ko naman ay sinasabi nito na wala naman daw at lagod lamang ito.

Maaga rin namang nagsara ang Rkive. Sa ilang oras na nasa baba ako ay hindi lang tatlong beses kong narinig na may nagsisigawan sa itaas. Kabado rin ako minsan dahil baka nagbabalibagan na ng tsinelas ang dalawa.


"Ikaw na! I want juice! Orange!"

"Ayoko nga. Tumayo ka dyan, may bilbil ka na o!"

"Abs yan! Palibhasa you don't have that kaya ang bitter mo!"

"Pangit!"

"Excuse me, maraming may crush sakin. Baka ikaw ang pangit. Mukha kang lizard! You're so payat!"

Dire-diretso lamang akong naglakad at nagtungo na sa direksyon ng ref dahil sa malamang ay walang tatayo sa dalawang ito. Kumuha ako ng orange juice para kay Juliene at Apple naman kay Killua. Maging sa inumin ay hindi magkatugma ang gusto nila.

JULIO (P.S#5)Where stories live. Discover now