32

1.1K 78 42
                                    

"I'm sorry baby..."

Napadilat ako ng bahagya ng maramdaman ang bahagyang paglundo sa gilid ng aking higaan. Bagama't antok na antok pa ay nakilala ko pa rin ang pamilyar na tinig na iyon.

"Baby Julio?" bulong ko. Walang masyadong boses na namutawi sa'king labi dahil sa sobrang antok. Sinubukan kong bumangon lalo pa nga't hindi ko pa maidilat ng maayos ang aking mga mata ngunit mabilis ako nitong napigilan.

"Sorry... Go back to sleep. Baby. Sinilip lang kita. I miss you,"

Mabilis naman akong bumalik sa paghiga at agad na napangiti. Ang kanina'y lungkot na aking nararamdaman ay agad na ding naglaho.

Sinuklay nito ang aking buhok gamit ang kanyang kamay at mas lalo akong napanatag.

"Miss din kita baby Julio..." bulong ko kahit na nakapikit.

Gusto ko sanang bumangon para makipagkwentuhan sa kanya ngunit bigat na bigat na ang aking katawan lalo pa nga at hindi ako kaagaf nakatulog kagabi kakaisip sa kanya.

Ganoon pala iyon, may mga panahon na halos masira na ang sistema mo at mawala ka ng bahagya sa sarili dahil sa kakaisip sa taong importante sa'yo, lalo pa nga at hindi kami nagkikita nitong mga nakaraan.

"You know that I love you, right?"

Naramdaman ko ang labi nito saking noo at nagtagal pa iyon ng bahagya roon.

"I love you, baby..."

Hindi ko alam kung paano ko nagawang matulog kahit pa ang totoo ay nagwawala ang mga bulate ko sa'king tiyan.

Basta ang alam ko lang ay nagising ako ng napakaganda at napakagaan ng pakiramdam.

"Hanep, lakas ng loob bumaba ng walang suklay suklay. Ganda ka?"

Isang ngiti ang isinagot ko kay Killua na nagka kape pa sa loob ng cafe. Sa harap nito ay si Juliene na may hot choco sa gilid. Busy ito sa.kanyang telapono at tila nangigigil pa.

"Aga mo, Juliene..." bati ko rito. Dumiretso ako sa counter para magtimpla ng sarili kong inumin. Sarado pa ang Rkive at maaga lang talaga akong nagising.

"I slept in kuya's room last night, ate," tugon nito na hindi pa rin mapuknat sa kaka cellphone.

"Kadiri si Juls ate, parang stalker. Nakakakilabot ka, pre"

Pre minsan ang tawag ni Killua kay Juliene, hindi ko alam kung bakit.

Natawa ako ng magtaas ng tingin si Juliene at itaas ang gitnang daliri nito na ikinalingon ni Killua sa'king gawi.

"Ate oh!"

Napailing ako. Para silang aso't pusa na hindi palagi magkasundo.

"May boyfriend ka, Juliene?" tanong ko habang naglalakad patungo sa gawi nila dala dala ang baso ng sarili kong inumin.

"Right now? None. But I had some ex-boyfriends. Just a few, mga three siguro. The others, mga fling, ate,"

Halos maibuga ni Killua ang iniinom ng marinig nag tinuran ng dalaga.

Pinunasan ni Killua ang paligid ng kanyang labi. "Ilang taon ka pa lang tapos flings? Ang lala mo, pre. Salute,"

"I'm so pretty kasi kaya maraming nagkakagusto sakin. Unlike you na so pangit,"

"Nye nye, so pangit! So harot!"

Natawa ako ng magbelatan lang dalawa.

"Ikaw ate, do you have an ex?"

JULIO (P.S#5)Where stories live. Discover now