4

1.3K 75 136
                                    

"Pasensya ka na at hindi ko kaagad nabanggit sa'yo. Akala ko kasi ay nabanggit na ng Mommy mo, anak,"

Pinanuod ko ang tiya Elang habang kausap ang masarap na lalaki na kanina pa iba kung makatitig sa akin. Hindi ko alam kung badtrip ba siya kasi nahalikan niya ako sa pisngi, o dahil hindi ang tiya ang nahalikan niya. Iba yata ang taste ng lalaking ito eh.

Napahawak tuloy ako sa aking pisngi. Grabe, hindi na virgin ang pisngi ko. Kung tutuusin, ako dapat ang naiinis sa kanya. Pero dahil gwapo naman siya, o sige okay na.


"Okay lang, nay. Nagulat lang din ako. Akala ko na-addict ka na din sa games,"

Parang lumukso ang kung ako sa loob ng aking tiyan ng makita itong ngumiti sa aking tiya.


Ang lalim talaga nga dimple niya, ang sarap ano... Ang sarap niya talaga.


"Dito ka ba matutulog? Kamusta na ba ang pinsan mo?"

Nakinig lamang ako sa kanila habang nag uusap. Nakaupo pa rin ako na parang lumpia ngunit itinigil na muna ang aking nilalaro. Mabilis kasi nitong natawagan ang tiya kanina. English speaking pa siya, buti na lang talaga nakakaintindi ako kahit papaano. May natutunan naman ako sa paaralan kahit papaano. Sadyang hindi lang ako palasalita ng ingles dahil kanino ko namn gagamitin, sa dalawang bakla?

Kung sila Killua naman o si tatay ang iningles ko, baka hinabol lang ako noon ng taga.

Ipinilig ko ang aking ulo upang makalimutan muna si tatay. Ayaw ko kasing maging malungkot.


Muli akong napahagikgik ng maalala ang isinagot rito kanina nang magtanong it kung sino ako.

"Future mo..."


Hindi ko alam kung na-gets niya ang sinabi ko kasi naman kumunot lamang ang kanyang noo at nagdial na agad sa mamahaling telepono. Ganito ang naririnig kong sagutan nila Demi noon eh. Mukhang magagamit ko pa sa kanya ang mga galawan ng dalawa. Sana talaga ay effective.


"You can go back to sleep, nay. Sorry for disturbing you,"

Niyakap niyang muli ang tiya. Para tuloy gusto kong maging matanda bigla. Bakit ang hilig niyang mangyakap?


Nang umalis ang tiya ay kami na lang dalawa ang naiwan sa Rkive. Hindi ko naiwasang hindi mapangiti. Siya na yata ang tutupad ng pangarap kong makapangasawa ng mayaman ah.

"Hello!" bati ko. Kumaway pa ako sa kanya habang nakaupo pa din. Ayaw ko kasing ibaba ang aking mga tuhod dahil naka maiksing shorts lang ako.

Pinagtaasan niya muna ako ng kilay bago tumango.


"Don't leave a mess. And turn off the lights when you're done," aniya bago ako tinalikuran. Dahil paakyat ito ng hagdan ay kitang kita ko pa ang umbok sa kanyang puwetan kaya naman lalo akong napangisi.

"Baby!" bigla kong sigaw. Agad naman siyang napahinto at dahan dahang lumingon saking gawi.

Ayos, lumingon. Baby ko na talaga 'to!

"What did you call me?" nakapamaywang pa ito at talaga namang naghihintay ng aking sagot. Iritable palagi, daig pa si Ma'am Berna.


"Ah ano, chambe sabi ko. Tanong ko lang sana kung ano password ng wi-fi?"


Iniangat ko pa ang aking telepono na sinundan naman agad nito ng tingin.


"Abusada ka masyado ha," napailing pa muna ito. "Angelgabriel," iyon lamang at tinungo na nito ang daan patungo sa hagdan paakyat.


JULIO (P.S#5)Where stories live. Discover now