8

1.1K 71 42
                                    

"Huwag nga yan! Ang mahal mahal niyan kaya!"

Ni hindi ko siya binigyan ng tyansang sumagot at muling ibinalik ang bag na walang pakundangan nitong dinampot at inilagay sa cart.

Alam na alam mo talaga na mayaman. Hindi kasi nito sinisilip ang presyo ng kahit na anong dinadampot nito. Basta maisipan niya, dadamputin niya.

"Ang gastos gastos mo naman! Dapat chinecheck mo iyong price tag. Paano kung sobrang mahal niyan?"

"If I like it, does it matter?"

Napaawang ang aking labi bago naiikot ang aking mga mata. Dapat maturuan ang lalaki na ito kung paano magtipid. Paano na ang future namin? Baka maubusan kami kaagad ng pera.

"Besides, that's a pretty good brand and probably the cheapest we can find here,"

Parang ito pa ang naiinis sa aking ginawa. Hindi lang kasi ito ang unang bag na napili niya na ibinalik ko rin sa lagayan.

"Cheap na ba sa'yo iyong six thousand? May secret pocket ba yan na may ginto?"

Ayaw ko sanang magreklamo pero hindi kasi makatarungan talaga ang presyo. Iyong una niyang dinampot ay halos bente mil ang halaga. Muntik na talaga akong maihi kanina sa sobrang gulat. Bigla ko tuloy inisip kung maganda bang desisyon na sinamahan niya akong mamili.

Agad itong napabuntong hininga.

"Hindi naman iyan madaling masira. Pwede mo yang magamit ng buong taon and considering kung gaano katalamak ang mga magnanakaw dito, that Anello bag will save you one day. Mas mura pa nga yan sa mga bag nila Juliene o ni Grey eh"

Anello bag na utot niya.

At sino na naman iyong Grey? Yung Juliene kasi ay naaalala ko na kapatid daw nito.

"Paano ako ililigtas niyan sa mandurukot, pulis ba iyan? May superhero ba iyang kasama na promo?"

Napapikit ito sa sobrang gigil at tinangkang bitiwan ang aking kamay pero hindi ako pumayag.

"Ayoko nga. Holding hands lang tayo. Wala na sabing bawian eh," ungot ko.

Kanina pa ako nag e-enjoy na magkaholding hands kami e. Hindi talaga ako pumayag kanina miski noong tangkain nitong itulak ng dalawang kamay ang cart.

Ayoko. Time to shine ko na kaya to. Mahirap na, baka hindi na ako pagbigyan ni baby Julio next time.

"Hahawakan mo na lang talaga ang kamay ko hanggang mamaya? Paano ako magda-drive?" naiiling nitong tanong.

"Mamaya, iisipin ko kung paano. Matalino naman ako, siguradong may maiisip na ako mamaya para masamantala pa tong mga kamay mo, baby Julio," nag peace sign pa ako sa kanya habang tila hinang hina na ito at wala na lamang nagawa kung hindi ang sumuko.

Wala na rin naman siyang nagawa dahil mas matigas ang ulo ko sa kaniya. Kaya lamang ay hindi talaga ito pumayag sa bag na aking napili. Iyon na kasi ang pinakamura kong nakita. Limang daan lamang iyon, bagaman alam ko sa aking sarili na hindi mukhang matibay.

Kaya lang kasi ay nakapanghihinayang talaga. Hindi naman ako lumaking magastos at ayaw na ayaw ko na naglalabas masyado ng pera.

Pero itong si baby Julio, ang kulit din talaga. Tinakot ako nito na hindi na papayag na magholding hands kami kung hindi ako sasang ayon na bilhin niya yung Anello na bag kanina.

Dalawa pa ang binili niya. Ang isa ay panlalaki na para daw kay Killua. Hindi niya rin ito pinabayaran at ituring ko na lang daw na regalo mula sa kaniya. Eh three months pa naman mula ngayon ang birthday ko. Hindi ako papayag. Kailangan ay mabayaran ko siya sa susunod na sahod ko. Magtitipid na lang ako sa paaralan. Pwede naman siguro akong magbaon ng pagkain doon.

JULIO (P.S#5)Where stories live. Discover now