15

1.2K 76 21
                                    

Ilang linggo ang matuling lumipas, o umabot ba ng buwan. Napagod na akong magbilang. Iniwasan ko muna ang pangungulit kay Julio. Kapag nasa Rkive ito ay nagtatago ako sa loob ng aking silid.

Hindi naman ito mahirap iwasan dahil nga may klase naman kaya halos gabi na ako madalas umuuwi. Nagkukulong na lamang ako sa aking silid at doon nag aaral.

Kapag wala akong klase ay nagbabantay ako sa Rkive. Minsan ay naglalaro pa rin ako tuwing gabi, ngunit iyon ay sa mga panahon lamang na wala si Julio.

Kapag naman aksidente kaming nagkikita ay tumatango lamang ako rito at gagawa ng paraan para lumayo. Mukhang wala naman sa kanya iyon dahil ni minsan ay hindi ako nito sinubukang lapitan.

Unti unti na rin namang nasanay ang aking katawan hanggang sa paunti unti na rin akong nakakain sa labas.

Minsan ay si Killua ang kasama ko na panay lamang ang pagrereklamo sa mga requirements. Mukhang dito ito nabigla.

Ako naman ay unti unti na ring nasasanay sa takbo ng pamumuhay rito. Madalas ay ingles na rin ako makipag usap sa klase lalo pa nga at may major ako na kailangan English kung sasagot.

Nahihirapan man ay kinakaya ko pa rin.

Hiniling ko rin sa tiya na bawasan ang sahod na aming natatanggap ni Killua dahil halos dalawang beses sa isang Linggo na lamang kami kung magtrabaho. Minsan ay tumutulong kami kapag uwian na at mayroon pang mga tao ngunit nakakahiya pa rin. Tutal ay sagot naman ng tiya ang aming matrikula at hindi naman kalakihan iyon, kasya na ang natatanggap namin para pang baon sa araw araw.

Kung tutuusin ay marami pang natitira mula sa sweldo namin sa dalawang unang buwan. Pakiramdam ko ay kasya na nga iyon para sa buong sem namin ni Killua. Ang mga sumunod naming sasahurin, bagamat mas maliit ay tiyak namang mapagkakasya namin para sa ikalawang sem.


Sa ngayon ay wala naman kaming halos iniintindi. Gusto ko na ring makatapos para kahit paano ay makatulong kami sa tiya. Ayaw ko itong obligahin na sagutin lahat ang aming gastusin.

Araw araw ay kinakamusta ng dalawang bakla ang estado ng aming relasyon ni Julio. Kung naakit ko na daw ba. Hindi na lang ako kumikibo.

Sa totoo lamang ay hindi konrin maintindihan ang aking sarili. Hindi ko alam kung ano ang biglang sumanib sa akin at iniwasan ko na lamang siya. Hindi naman ako ganoong kababaw na tao para damdamin ang tungkol sa pagpapaligo niya sa akin.


Basta ang alam ko lang, noong araw na ihinatid niya ako pabalik ng escuelahan, kasabay ng paglayo ng kanyang sasakyan ay ang pagkagising ko sa katotohanang isa lamang akong malaking istorbo sa kanyang buhay.


"Do you like to come with us? Tatlo lang kami - ako, si Sam at si Reese!" napaangat ang aking tingin mula sa pagdampot ng aking mga libro mula sa lamesa. Ang nakangiting mukha ni Chloe ang kaagad na sumalubong sa'kin. Hindi ko na rin napigilang mapangiti. Kahit paano ay maswerte pa ako at nagkaroon ako ng mga kaibigan rito.

Nagkibit ako ng balikat at sumang ayon n rin. Ang totoo ay wala na akong klase at tinatamad naman akong umuwi pa. Minsan lang naman akong sumama sa kanilang lumabas.

"Doon tayo sa paboritong cafe ni Reese. May crush kasi iyan sa malapit na escuelahan doon," napahagikgik pa si Sam.

"Gwapo?" tanong ko. Sakay kami sa sasakyan ni Chloe. Ako at si Sam ang nasa likuran habang sa passenger seat naman si Reese.

"Sa paningin ni Reese, oo!"

Nagkatawanan kami sa tinuran ni Sam. Malapit din kase ang tatlong ito.

JULIO (P.S#5)Место, где живут истории. Откройте их для себя