41

1.1K 65 37
                                    

“Mas pogi ka pala talaga in person, baby Julio. Ano'ng gamit mong cologne?”

“Siyempre pang mayaman, bakla!”

“Ano ka ba! Minsan may mga borta na yummy pero affordable naman ang cologne, sis! Malay mo keri ng bulsa ng bakla, 'day! Naku, Arianne, willing to share ka naman, 'di ba?”

Natawa ako ng mas lalong humigpit ang kapit ni baby Julio sa kaliwa kong braso.

Nasa loob kami ng fast food chain. Si Demi ay naka-pout pa habang malagkit ang tingin sa aking nobyo. Si Nica naman ay hindi malaman kung kanino magpo-focus, sa baby ko ba o kay Killua.

Noong ika anim na araw kasi namin sa bukid ay nagpaalam na kami. May kailangan din kasi kaming asikasuhin sa Maynila.

Hindi na kami susunduin ng tiya dahil nga may sasakyan namang dala si baby Julio. Akala ko nga ay mamamasahe na kami pauwi dahil si Julio, parang gusto na niyang ibigay kay Kuya Alvin 'yong sasakyan!

Hindi lang talaga ako pumayag! Ang mahal mahal kaya noon! Ano'ng gagawin ni kuya sa kotse habang nasa bukid?

Dahil may kaunti pa naman kaming oras ay naisipan kong dumaan muna kila Nica at Demi lalo pa nga at ilang bayan lang naman ang layo nito sa probinsya nila nanay.

Isa pa ay namimiss ko na rin ang dalawa. Hindi ko na sila masyadong nakakausap.

“Saglit lang kami rito dahil kailangan na rin naming lumuwas para hindi kami gabihin,”

Napa-irap kaagad si Demi, “Killjoy kang bakla ka. 'Kala mo naman i-chupagetti namin yang daks na dyowa mo. Wit, sis! Hindi tumatalo ang bakla ng dumilig sa pechay ng friendship ha,”

Napatili ako sa kanyang tinuran habang si baby Julio naman ay napaungol na lang sa'king tabi. Simula ng maituro sa'kin nila Chloe ang ibig sabihin noon ay talaga namang na-eskandalo ako.

Pinakain muna namin ang dalawa habang hinihintay namin si Juliene at Ahyessa na pumasok sa loob mg grocery store dahil gusto raw ni Juliene ng mapapapak. Gusto sanang sumama ni Killua kaya lamang ay kinabahan din ako dahil baka doon sila sa loob mag away na naman nu Juliene.

Nang makabalik ang dalawa, nagulat ako ng may iniabot na dalawang paper bag si Juliene kila Demi at Nica.

“Ay, may pa-paper bag si ganda. Anech itey?”

Nakanguso si Juliene habang nakakapit kay Ahyessa na tatawa tawa.

“Nothing, it's on sale so I just kinda grab it,” palusot nito.

“'Sus. Style mo, bulok,”

“Shut up, Kill!”

“Chatap, Kill! Arte!”

Nagsimula na namang magbangayan ang dalawa kaya hindi na kami nagtanong.

Nang makarating kami sa Maynila ay halos gabi na rin kaya sa kwarto ko na natulog sila Juliene at Ahyessa. Hindi ko alam kung bakit gustong gusto nila sa higaan ko pero dahil malaki naman ang kama ay hindi na rin ako umangal. Isa pa, halos nagkwentuhan lang rin naman kaming tatlo. Nalaman ko na mga makeup pala ang binili ni Juliene. Kahit hindi niya aminin, alam kong regalo niya talaga ang mga iyon kila Nica at Demi.

Ilang araw pa ang lumipas at muli nang bumalik ang magpipinsan habang si Juliene naman ay bumalik sa New Jersey. Nalungkot ako kasi hindi namin sila nakakasama ni Grey dahil kinailangan ng dalaga na maiwan doon. Pero ganoon pa rin naman, kapag may pagkakataon ay nakakasama rin ako sa kanila.

Noong unang beses kong sumakay ng eroplano, akala ko talaga mamamatay na ako. Ang weird talaga kasi nabibingi ka pala kapag nandoon ka na sa langit.

Ang gusto ko lang ay iyong pakiramdam na abot na abot ko ang mga ulap. Naiisip ko kasi, sobrang lapit lang sa 'kin nila Nanay, Tatay at baby Rianne.

Natanggap ko na rin naman ang lahat noong nagtagal. Nakakalungkot pero wala naman akong ibang maaaring gawin kung hindi ang mag move on.

Hindi ko na alam kung ilan taon na ba ang lumipas, tumigil na rin akong magbilang. Ang alam ko lang ay masaya kami ni baby Julio. Ilang beses ko ng nakadaupang palad ang kanyang mga magulang. Si Juliene ay palagi kong nakakausap sa telepono o kaya naman ay sa Skype.

Alam ko rin na nag uusap sila minsan ni Killua. Sabi ni Juliene, break na daw sila ng huling boyfriend niya dahil masyado daw clingy.

Ayos lang naman sa'kin na ang uusap sila. At least ay mayroong itinuturing na kaibigan si Killua kahit na mas madalas pa yata ang mga itong mag away. Sumasama rin naman kasi si Killua sa New Jersey minsan. Ang bait bait kasi ng pamilya nila baby Julio. Pakiramdam ko ay nagkaroon na rin ako ng sarili kong pamilya.

“Baby Julio, gusto mo ng BJ?” tanong ko rito. Nagulat ako ng maibuga bigla ni Julio ang iniinom na tubig bago mabilis na nakadampot ng tissue sa gilid ng ref.

Napapaano na naman kaya ito?

“Okay ka lang?”

Hindi pa rin ito tapos magpunas ngunit ng maitapon nito ang tissue sa basurahan ay pinaningkitan ako nito ng mga mata.

“Hala, ano na naman ang nagawa ko? Ano'ng masama sa bj? Ang sarap kaya no'n. Matamis! Hindi ka pa ba nakatikim noon?”

“What the f-what do you mean na nakatikim ka na?”

Mabilis itong nakalapit sa'king direksyon. Nakaupo ako sa couch at hawak ang aking telepono. Oorder sana ako ng pagkain eh.

“Kami nila Ahyessa tsaka nila Xantha. Masarap naman ang buko juice ah,”

Napakamot ako sa 'king noo. Ayaw niya ba ng ganoon? Masarap pa naman sana iyon pati mga pagkain sa huli naming kinainan.

“Ayaw mo ba? Sige, hindi na lang ako oorder,” malungkot kong turan.

Agad namang kumalma ang kanyang ekspresyon at nakita ko pa ang marahas nitong pagbuntong ng hininga.

“I'm...” bumuntong hininga muli si Julio bago tumabi sa'kin. Kinabig niya ako papalapit sa kanya at niyakap. “I'm sorry for snapping. Gusto ko ng buko juice. Sige lang umorder ka,”

Napansin ko pa na tila napalunok ito nang banggitin ang buko juice. Uhaw na uhaw siguro si baby Julio.

“Bakit ka ba nainis? May bad memories ka ba sa bj?”

“Ugh,” napapikit pa itong muli bago ko narinig ang mahina niyang pag ungol. Pakiramdam ko ay tumayo bigla ang mga buhok sa aking batok ng marinig ang ungol niya.

Napapansin ko parang madalas akong kinikilabutan kapag naririnig ko ang minsang mga pag ungol niya. Madalas nga parang ang init init kapag kasama ko si baby Julio sa iisang kwarto pero ayaw ko namang magsalita.

Binitiwan niya na rin naman ako saglit bago siya sumandal sa sofa kaya mabilis kong dinampot ang aking telepono para umorder.

Nang matapos ako ay dahan dahan akong lumingon sa kanyang gawi.

Bakit ganoon? Okay lang kaya siya?

Tila ba hinahabol nito ang kanyang hininga at pinagpapawisan bigla. Napansin ko oa na ilang beses itong lumunok kaya mabilis akong lumapit.

“Baby Julio, okay ka lang?” ipinatong ko ang aking kamay sa kanyang dibdib ngunit ganoon na lamang ang gulat ko ng bigla itong mapakislot at para bang handa ng tumalon at lumayo sa'kin.

Kumunot ang aking noo.

“May problema ba? May sakit ka? Parang ang init mo,”

Mabilis itong umuling at mas lalo akong nagtaka ng bigla itong tumayo.

“Wala. Ahm, I'll just take a quick shower. A-ano kasi, naiinitan yata ako. Ipapalinis ko bukas ang aircon, parang mahina na amg labas ng hangin,”

Ni hindi ako nito hinintay sumagot at nagmamadali ng tumalikod. Nahagip pa ng aking tingin ang mabilisang pag ayos nito sa shorts na suot.

Hala, ano'ng trip noon? Ang lamig kaya ng hangin mula sa aircon.

JULIO (P.S#5)Where stories live. Discover now