45

1.4K 80 16
                                    

“Is he seriously going to stay here hangga't nandito ka?”

“This is a study hub. How do you think the kids would study kung nandyan siya sa gitna at parang pagkain na nakabukaka dyan?”

Natawa ako sa tinuran ni Reese na nakanguso pa habang nakatingin sa gawi ni baby Julio.

Tulad ng sabi nito ay naroroon siya sa may pinakagitna ng study hub ay inookopa ang isang lamesa roon. Sa harap niya ay mga papeles na hindi ko alam kung binaon niya lang para display o talagang pinag aaralan niya. Kanina ko pa kasi nararamdaman na panay lamang ang sunod ng kanyang mga mata sa bawat pagkilos ko.

“Hayaan mo na si baby Julio dyan,” natatawa kong turan.

“Ganda naman talaga ni Ate mo, Ara. How to be you po?”

Halos mamula ang aking pisngi sa paulit ulit nilang pang aasar.

“Ay day, ang lakas pa rin talaga ng karisma ng boylet mo. Ayan pang ilan na bang estudyante ang lumapit dyan?”

“'Kala yata nila College student pa rin ang si Kuya mo Julio,”

Natawa ako sa palitan ng mga salita nila Reese at Chloe. Dahil sa kanilang tinuran ay pinanuod ko nga kung paano nagsalubong ang mga kilay ni baby Julio at tila may sinabi sa dalawang estudyante na lumapit sa kanyang gawi.

Hindi ko na alam kung pang ilan na ba iyon dahil tatlong oras na siya ritong nakatambay.

May ilan pa ngang nagbibigay sa kanya ng maiinom pero tinatangihan niya lang naman.

Sabi dati nila Gold, pokpok daw si baby Julio ko pero hindi naman ako naniniwala. Kahit kailan naman ay hindi ito gumawa ng kahit anong ikasasama ng aking loob. Iyong nangyari noon, alam kong hindi niya iyon ginusto.

“Kahit iwan mo yata siya dyan, mabubuhay siyang mag isa,”

Kanina kasi ay bigla itong tumawag ag tinatanong kung nasaan ako. Nnag sinabi kong naririto ako sa Gem Hub ay ni hindi umabot ng kahalating oras ay naririto na rin ang huli. Nagbayad pa ito ng unlimited time para daw magbasa ng mga dokumento.

Kaya lamang ay hindi ko talaga sigurado kung may ginagawa nga siya dahil madalas lang naman siyang tulala ay tila may iniisip habang nakatingin sa aking direksyon.

“Ang pogi talaga ng baby Julio ko, 'no?”

Nagsi irapan naman ang dalawa at agad akong tinalikuran.

“Ano ba yan, Ara? Totoo naman 'yan pero please lang, huwag mo na kaming yabangan. Brokenhearted pa 'ko, 'di ba?”

Natawa ako sa kaartehan ni Reese.

“Kailan ka ba kasi mag mo-move on sa one-sided crush mo kay Vince? Hindi ka nga yata kilala no'n!”

“Pangit mong kausap,”

“Pangit ka din naman kasi. Bakit hindi na lang iyong kuya noong si Cinco ang landiin mo?”

Nagsagutan na naman ang dalawa habang ako ay muling napalingon sa gawi ni Julio.

Ang cute niya talaga.

Nang dumating ang inorder kong pagkain para rito ay ako na din ang nagdala sa kanyang lamesa. Pagkalapag na pagkalapag ko pa lamang ng tray roon ay naabot nito kaagad ang aking pulsuhan bago ako hinatak palapit sa kanyang direksyon.

Marahan akong bumagsak sa kanyang mga hita at hindi na ako pinakawalan pa doon. Sa  halip ay mabilis na pumalibot ang isa niyang kamay sa aking baywang at mas lalo akong kinabig papalapit rito.

Napahagikhik ako sa kanyang ikinilos bagaman nahihiya lalo pa nga at napatingin na sa'ming gawi ang ilang mga estudyanteng babae roon.

Hindi ko naiwasang makaramdam ng awa lalo na sa mga babaeng mukhang nalulungkot sa nakikita.

Dahil doon ay nilingon ko si baby Julio.

“Dito na lang ako sa tabi mo. Kawawa naman ang mga fans mo o,” turo ko sa kanya.

Kaagad na kumunot ang kanyang noo na tila ba hindi ako naintindihan. Kahit na nakaupo ako sa kanyang kandungan ay halos magkapantay pa rin ang aming mukha.

“I like you here, baby. Kanina ka pa nga dapat nasa tabi ko,”

Napanguso ako, “Kawawa naman yung mga batang may crush yata sa'yo rito. Hindi sila gaganahang mag aral niyan!”

Mas lalo pa yatang nagsalubong ang kanyang kilay at para bang naiinis pa.

“So ako ang kelangang mag adjust? Ako nga nagtiis rito na malayo ka sa'kin kanina, hindi naman ako nagreklamo,”

Natawa ako ng mahina sa pag iinarte niya. Lalo pa noong bigla siyang ngumuso na tila ba nagtatampo dahil sa aking mga sinasabi.

Ikinulong ko sa magkabila kong mga palad ang kanyang pinsgi at iyon ang pinanggigilan.

“Masyado kasing gwapo 'tong baby ko,”

“Kaya okay lang sa'yo na pinagnanasahan ako ng iba?”

“Yes po,” humahikgik akong muli.

Tila ba mas lalo itong nainis sa'king sagot.

“Sa lahat ng babae, ikaw ang hindi possessive. Samantalang ako, handa akong ipagdamot ka sa kahit na sino,”

Parang may umalon na kung ano sa aking dibdib dahil sa kanyang tinuran.

Sa tuwing kasama ko talaga si Julio ay panatag ako. Hindi ako kinakabahan dahil alam kong nasa akin lamang ang kanyang tingin. Kaya lamang minsan ay enjoy talaga ako na maraming may gusto sa kanya kasi feeling ko ang swerte ko.

“Alam mo ba baby Julio, kahit ang dami ng nangyari sa buhay ko, mas lalo kong napapatunayan na mahal ako ni Papa God kasi ibinigay ka niya sa'kin eh,”

Unti unting nagbago ang ekspresyon sa kanyang mukha kaya mas lalo akong napangiti.

“Kahit na ang daming nawala sa'kin, sa buhay ko, alam kong blessed pa rin ako dahil nandito ka,”

Naramdaman ko ang paghigpit ng kanyang hawak saking baywang na nakapagpatigil sa akin. Nakakakiliti kasi iyon kaya naman iniwasan kong mapahagikgik.

“Wala namang hindi magmamahal sa'yo, Ara. You possess a heart that can melt even the hardest element out there. And your innocence...” binasa nito amg pang ibabang labi, “Your innocence can tame even the wildest animal. I love you, Arianne. Araw araw akong magpapasalamat na dumating ka sa buhay ko,”

Halos mangilid na ang aking luha sa kanyang tinuran.

Sa mga ganitong pagkakataon ko mas lalong napapatunayan na  napakaswerte ko rin talaga. May mga tao ngang nawala sa buhay ko ngunit ang rami rin namang nadagdag. Nandito na si Julio, si Juliene at ang buong pamilya niya. Nagkaroon ako ng mga kaibigan at nakilala ko pa ang pamilya ko kay nanay.

Wala talagang pagsubok na ibinibigay ang nasa itaas na hindi natin kaya. Minsan masakit lalo pa nga kung may nawawala sa'tin pero siguro, dapat tanggapin natin na hiram lang natin ang ating buhay. Baka totoo nga na may purpose tayo kaya tayo nabubuhay rito.

Basta masaya ako. Masaya ako sa buhay na mayroon ako ngayon, isang buhay na kasama siya.

“I love you. Now sit beside me and let's eat before I devour your lips in front of these kids,”

JULIO (P.S#5)Where stories live. Discover now