40

1.3K 70 34
                                    

“Sobra na po nating clingy, Gab. Wala pang tatlong araw may pagsugod ka kaagad,” pang iinis ni Ahyessa rito. Nakaupo kami sa papag ngayon habang si Juliene ay naroroon sa balkonahe at kausap si Killua. Nag aaway na naman yata ang dalawa dahil hanggang rito sa baba ay nadidinig namin ang mga ito na nagbabangayan.

Wala pa ang mga tiya. Nasa trabaho at wala rin ang mga pinsan ko. Si Milo, Mikaela ang tunay niyang pangalan, ay nasa kusina at nagsasaing. Hindi ko alam kung nasaan ang isa, si Jamjam. Baka nasa kapitbahay at nakikinuod ng Kdrama.

Napansin kong nabawasan ang mga kalalakihan sa labas lalo pa nga at masama kaagad ang tingin ni baby Julio sa gawi ng mga ito.

Si Kulas na nag iisang lalaking alam ko ang pangalan ay hindi natitinag sa pagtambay. Ang dami niyang time. May bahay rin naman kasi sa kabila kaya pwede sila doong tumambay rin.

“It's inevitable, Cyrene. Hindi ako mapapakali na ikaw ang kasama ni Ara sa loob ng isang Linggo. God knows what you'll teach her,”

“Arte mo. Swerte nga niyan ata naaambunan ng katalinuhan ko,”

“Whatever. Can you like, sit properly? Bakit ka ganyang humiga dyan?” sita rito ni Julio.

“Papag to, Gab. Duh? KJ. Buti na lang at hindi rin si Aedree ang nandito. Mas lalo na ang matandang iyon,”

Naramdaman ako ang pagpalibot ng isang kamay ni baby Julio sa aking baywang. Hinimas himas nito ang aking taba at mas lalo naman akong napakalma. Inihilig ko ang aking ulo sa kanyang balikat.

Parang gusto ko biglang matulog.

“Dapat nagdala ka ng mga alak. Lambanog lang yata ang nandito, hindi iyon kaya ng sikmura ko,”

Kinabig ako ni baby Julio papalapit sa kanya at niyakap.

“Hindi mo ikamamatay kung hindi ka mag aalak ng isang Linggo,”

“Nyenyenye. Walang dulot,” ismid na naman ni Ahyessa. Ang cute niya talaga.

Nang magsimula ng dumilim ay pumasok na kami sa bahay.

“Oh, Ara, may bisita pala kayo,”

Agad na tumayo si Julio mula sa pagkakaupo sa kawayan naming upuan. Mabilis itong yumuko at bumati.

“Magandang gabi po,” nagmano pa ito sa tiya kaya mas lalo akong napangiti. Sigurado namang magugustuhan siya ng mga tiya. Mabait si baby Julio. Gwapo pa at maalalahanin.

“Sino ba itong magandang lalaki na 'to, anak? Nobyo mo?”

Kaagad naman akong tumango. “Opo, tiya.  Si Julio po,”

Ngumiti naman ang tiya Moira. Siya lamang ang narito ngayon dahil ang isa kong tiyahin ay nagtungo sa Maynila dahil may trabaho yata.

“Napakagwapo mo namang bata. Ang galing namang pumili nitong pamangkin ko. Napakaswerte at tiyak na maganda ang magiging lahi ninyong dalawa kung kayo ang magkakatuluyan,”

“Advance ka Tita Moira, pero may point,” napakamot ng kanyang batok si Julio sa sinabi ni Ahyessa. Mabilis kasing nakapalagayan ng loob ni Ahyessa ang pamilya ko.

Tuwang tuwa naman ang tiya habang panay ang tanong kay Julio. Si Milo naman ay namumula pa ang pisngi habang panay lamang ang silip mula sa kusina. Gwapong gwapo siguro siya sa baby ko.

Bawal niyang i-crush si baby Julio kasi bata pa siya. Kapag matanda na siya pwede na pero baka may iba na siyang crush. Pwede niya siguro i-crush si Gold o kaya si Cloud.

JULIO (P.S#5)Where stories live. Discover now