Epilogue

2K 99 27
                                    


“Where are you?”

Bahagya akong tumalikod ng mapansin na napatingin sa'king gawi si Bobbie at Andrea.

“Ang tagal tagal mo, siguro may kaharutan ka dyan sa mall,” naiinis kong turan. Hindi ko maintindihan pero nitong mga nakalipas na araw ay naiirita ako madalas kay Julio. Madali akong maaburido sa mga sinasabi niya at hindi rin ako mapakali sa tuwing nawawalay siya sa'king paningin.

Ilang taon kaming naging magkasintahan at ilang buwan na ring kasal ngunit ngayon lamang ako naging ganito kainis sa mga ginagawa niya.

Hindi kaya ganito daw talaga kapag kinasal na? Dahil siguro wala na kaming space sa isa't isa ay mas madali na akong mainis sa kanya. Hindi naman ako dating ganito.

Madalas pa ay naiinis ako kapag ang bagal niyang kumilos, o sa tuwing nahuhuli siyang umuuwi sa gabi.

Narinig ko itong tumawa mula sa kabilang linya.

“Baby, malapit na akong umuwi. I bought that kimchi from that store you were craving about. Bakit ka kasi biglang nahilig sa kimchi?” inosentemg tanong nito.

Umangat ang aking kilay bago naglakad papalapit sa crib ni baby Levi.

“So kasalanan ko pala kaya hindi ka pa nakakauwi?” mataray kong tanong. Bigla itong natahimik sa kabilang linya kaya mas lalo lamang akong nainis.

“Bahala ka nga. Huwag ka ng uuwi! Dyan ka na tumira sa mall!”

Sa sobrang inis ay pinatayan ko ito ng tawag. Bago pa ako nakapagpigil ay isang hikbi na ang mabilis na kumawala saking labi.

“Hala...” naiiyak kong bulong. Kusang umangat ang isa kong kamay saking pisngi ng maramdaman ang pagtulo ng luha rito.

Bakit ako naiiyak?

“Ara?” mas mabilis kong tinuyo ang mga luha saking pisngi bago tuluyang lumingon sa mga ito.

Isang pilit na ngiti ang kumawala saking mga labi ngunit alam kong hindi nakatakas sa mga ito ang kung anumang itinatago ko.

“Nag away na naman kayo ni Kuya?” nag aalalang tanong ni Bobbie. Nakasuot ito ng dress at mahahalata mo na ang maliit na umbok sa kanyang tiyan. Nagdadalang tao na ito kaya naman mas ganadong magtrabaho si Ulap.

Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan. Hindi ko rin naman kayang magsinungaling sa kanila.

“Hindi naman,” ngumuso ako kaagad at mas lalo namang bumakas ang pag aalala sa itsura ng mga ito.

“Napapansin ko na parang madalas kang mainis kay kuya nitong mga nakaraang araw. Pinag uusapan niyo ba?”

Umiling ako. Hindi ko talaga maintindihan ngunit hindi ko rin gustong naririnig minsan ang boses ni Julio. Kumukulo ang aking dugo at gusto ko siyang palayuin. Kaya lang kapag hindi ko siya nakikita ay naiinis na naman ako. Hindi ko talaga maintindihan.

Hindi na lamang din ako kumibo at tumambay na lang sa sala. Amg daming crib doon dahil marmai rin namang bata.

Ilang minuto na ang lumipas ng makita kong naglalakad pababa si Lexo. Buhat nito ang anak na mukhang bagong gising lang. Malago na rin ang buhok nito ngunit wala yata talagang plano ang kanyang ama na pagupitan ang bata.

Kumunot ang aking noo ng mapansin ang kamay ni Lexo.

“Gold nagpa-tattoo ka?” hindi ko na napigilang tanong.

JULIO (P.S#5)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें