5

1.4K 72 69
                                    

Nang mga sumunod na araw ay hindi ko ulit nakita si Julio. Sabi ng tiya ay may inasikaso daw itong muli at wala na naman sa bansa. Grabe, ganoon siya ka-busy at paalis alis lamang ito ng bansa?

At ni hindi man lang sakin nagpaalam e ako nga ang future niya. Kiss ko kaya 'yon pagdating?

"Ate, haba ng nguso mo. Pwede nang pulsuhan ng tubero yan kung may lalabas na tagas. Ano ba?" sita sa akin ni Killua habang nakaupo ako sa reception area. May mga taong nag lalaro ngunit wala naman akong masyadong gagawin.

Si Killua na tiktokerist naman ay panay ang silip sa akin dito dahil baka daw may bumastos sa akin na customer. Eh ang sosyal nga ng mga naglalaro rito. Akala ko ba ay gusto niya akong makapag asawa ng mayaman?

"Ikaw, alam mo..." pinaningkitan ko ito ng mga mata at talaga namang gusto ng tirisin.

"'di ko pa alam ate,"

"Mukha kang kamoteng inututan ng tikbalang. Lumayas ka dito, nasisira ang araw ko sa'yo," Sinamaan ko na lamang ito ng tingin at dinampot na ang aking telepono. Ka-chat ko ang dalawang bakla na panay ang kulit sa'kin tungkol kay Julio. Sabi ni Demi ay magsend daw ako ng nudes ni Julio para masipat daw nila kung pwede na. Wala pa talagang tiwala sa'kin.

Ang bilin sa akin ni Demi dapat daw ay magsimula na akong maghilod hilod lalo na daw ng tuhod at siko. Baka ma-turn off daw kasi sa akin si Julio.

Bilin naman ni Nica ay palagi raw akong magsando. Dapat daw ay palaging litaw ang aking cleavage dahil mabilis daw maakit sa mga ganoon ang mga taga-siyudad. Kaya lamang ay hindi talaga ako sanay nang nakaganoon kaya naman naka malaking t-shirt ako palagi at jogging pants rito, tutal ay wala rin lang naman si Julio. Pero pagbalik noon, baka mag imagine na lamang ako na naroroon ako sa dagat para naman hindi ako gaanong mailang.

Ilang araw pa ang lumipas at bumalik na rin naman ako sa dati kong gawi, ang magbuhay bilang lumpia at palaging maglaro sa Rkive sa tuwing sarado na ito.

Hindi naman ako ang magbabayad ng kuryente kaya okay lang sa'kin. Simula rin ng mawala si tatay ay parang nawala na sa isip ko ang pagtitipid. Hindi ko lang sigurado kapag pasukan na.

Gayunpaman ay sinabihan ko ang tiya na sa pampublikong paaralan lamang kami pag aralin nito dahil ayaw ko namang simutin ang ipon ng tiya. Kahit pa nga sinabi nitong wala naman daw itong paggagamitan ng kanyang sahod ay nakakahiya pa rin. Eh halos wala nga masyadong gawin ang tiya rito at sinusunod din ng iba pang mga tauhan.

Umaga noon nang magring ang aking telepono kaya napilitan akong bumangon. Kahit na halos pikit pa ang mga mata ay sinagot ko na agad ang tawag matapos abutin iyon sa gilid ng aking kama.

"Hello,"

Napanguso pa ako ng marinig ang sariling tinig. Paos iyon at sa lutong niyon sa aking pandinig ay hindi ko gugustuhing maamoy ang sarili kong hininga. Baka masunog ang kilay ko kapag sa mukha ko tumama ang delubyong dulot niyon.

"Bakla ka, tanghali na tulog ka pa! Papaano ka a-awra kay Papa Julio niyan?

"Kanor..." bulong ko. Muli akong bumalik sa pagkakahiga dahil siya lamang pala ang natawag. Akala ko ay ang tiya. Ibig sabihin ay maaga pa dahil hindi ako nito ginigising. Nakarinig na naman ako ng malakas na tili kaya ako napangiwi.

"Walanghiya ka talagang babaita ka! Nica nga 'di ba? Nica!!!!" nanggagalaiti nitong hiyaw. Sigurong nagwawala na naman iyon ngayon. Ayaw na ayaw kasi noon ng tinatawag sa palayaw na bigay ng tatay niya. "Nakakadiri ha! Jusko, ang beauty ko, niyurak yurakan mo na namang maldita ka. Sasabunutan talaga kita Arianne kapag nagkita na tayo,"

JULIO (P.S#5)Where stories live. Discover now