44

1.3K 73 25
                                    

Bumuntong hininga muna ako bago tahimik na naglakad patungo sa kanyang direksyon.

Patay man ang ilaw ay hindi pa rin nakaligtas sa'king paningin ang bote ng alak na nakapatong sa ibabaw ng lamesa.

Dahan dahan akong umupo sa kanyang tabi at saka ito niyakap. Mukhang naramdaman naman nito kaagad kanina pa ang aking presenya kaya hindi na ito nagulat.

Inalis nito ang braso na nakatakip sa kanyang mata habang ang isa ay maingat na ipinalibot sa aking baywang tsaka ako kinabig papalapit rito.

“Bakit gising ka pa?”

“Hindi ako makatulog eh. Ikaw, bakit umuwi ka pa rito? Dapat ay doon ka na lang sa mansyon natulog,”

Mas lalo ako nitong kinabig papalapit at hindi kaagad nagsalita.

Alas dos na ng madaling araw. Hindi ko alam kung ano'ng oras siya nakarating kagabi sa mansyon mula sa pagsundo kay kuya Yelo ngunit batid kong pagod siya.

Kaninang umaga pa siya tumungo roon para sunduin ang kuya nila pati si Taias dahil sobrang stress si Kuya Aedree sa nangyayari.

Hindi ko naman masisi si kuya kung gusto na niyang bumigay dahil nakakagulat naman kasi talaga ang lahat ng nangyari.

Bigla na lang nilang malalaman na may anak na pala si Gold tapos wala pang nanay. Idagdag pa si Grey na buntis daw. Sa sobrang dami ng pinagdaanan ng magpipinsan, maiintindihan ko kung gustuhing bumigay ni kuya Aedree. Ang hirap kasing maging matanda. Ang hirap maging panganay. Ang hirap maging malakas para sa pamilya mo.

“Nag iiyakan sila doon kaya umuwi ako rito. Si Grey naman kasi, ayaw lumabas pero nakita lang si kuya Yelo...” ni hindi nito maituloy ang nais na sabihin. Ramdam ko rin ang bahagyang pag garalgal ng kanyang tinig.

Alam ko na nahihirapan siya. Bigla kong naalala ang dahilan kung bakit ayaw nilang manatili si Juliene sa mansyon, dahil nga palaging may gulo.

Si Julio, madalas ay tahimik lamang siya ngunit ginagawa niya ang lahat para sa kanyang pamilya. Sa tuwing may nangyayari, kusa siyang kumikilos para maayos ang lahat.

“Magiging okay rin ang lahat,” bulong ko. “Nandito lang rin ako kapag kailangan mo ako,”

Hindi na naman ito kumibo. Alam kong pinipigilan niya lamang ang sarili at naiiyal na rin.

“Ang bata pa ng kambal. Gold acts like a teenager. Paano niya aalagaan iyong sanggol eh ni sarili niya hindi niya pa kayang alagaan. Idagdag mo pa si Grey. With her condition, tangina. Sino ba tatay noon?”

Niyakap ko siya ng mas mahigpit. Naiintindihan ko ang ipinupunto niya kaya lamang ay hindi rin ako makapagbigay ng opinyon. Sa totoo lang naman ay hindi ko rin alam kung ano ang mangyayari sa kanila.

“Things should have been different kung okay sana si Tito Aldous pero hindi. Just look at the mess he created with his children. Naaawa na rin ako sa magkakapatid eh. Parang hindi na 'to lahat natatapos. Sobra ng nakakapagod,, ”

Alam kong ang bigat bigat na. Lahat naman ng tao ay may hangganan ang pinagkukuhanan.

Hinimas ko ang kanyang braso bago sumagot, “Naaalala mo ba iyong sinabi mo sa'kin dati? Na kapag pagod na tayo, hihinga lang tayo saglit? Ganito rin iyon baby eh. Kung pagod ka na, pwede kang magpahinga muna. Magpahinga ka lang at sa pagbalik mo, kasama mo akong haharapin ang lahat,”

He kissed the top of my head.

Natahimik kaming pareho. Hindi na rin naman lingid sa'kin ang problema ng kanilang pamilya. Noong ibinahagi sa'kin ni Julio maging ang mga pinakasensistibong sikreto ng kanilang angkan ay mas lalo kong napatunayan na hindi na biro ang relasyong mayroon kami.

Ibinahagi na namin sa isa't isa miski ang pinakatatago naming sikreto.

Hinayaan ko siyang ubusin ang isang bote ng alak na binuksan niya kanina. Hindi na rin namin pinag usapan ang bagay na iyon at nagpahinga na rin pagkatapos. Iyong magkasama lang kami at alam naming nandito lang kami para isa't isa, alam naming sapat na iyon.

Ang akala naming malaki ng problema, may mas ilalaki pa pala. Si Kuya Ae, ang tanda tanda na pero ayun, lumipad sa ibang bansa at nakipagtanan kay Xantha. Feeling teenager din talaga ang dalawang iyon eh.

“Hindi ko sila bati!”

Tawang tawa kami sa naging pagmumuryot ni Cloud. Mauusod na naman kasi ang kasal nila ni Barbara.

Noong nanganak si Andrea, halos magkagulo sa buong mansyon lalo pa nga at hinimatay na halos si Chase sa sobrang stress. Si buntis kasi, nakuha pang tumakas muna at mag Jolibee. Doon tuloy ito inabutan ng hilab ng tiyan.

Malusog niyang nailabas si baby Austin Haiden. Ang taba taba at ang cute. Tuwang tuwa rin si Teesha dahil daw ate na siya and magkakaroon na siya ng playmate bukod kay baby Khalixt.

Ikinasal din namang muli sila Aedree at Xantha. Umuwi ang kanilang pamilya. Si Tita Amelia halos ang nag alaga kay baby Khalixt at mukhang masaya ito na nadagdagan na naman ang kanyang mga apo.

Si Killua ay hindi nakasama dahil marami itong inaasikaso. Ang kapatid ko, business minded na rin at tila ba mayroong pinaghahandaan.

Engaged na rin sila Kuya Milan at Dee. Ako na lang ang hindi. Ay si Ahyessa rin pala since parang mas marami siyang time para uminom at humarot. Hindi ko alam kung totoo dahil hindi naman siya nag bo-boyfriend. Iniisip ko tuloy kung ano'ng klaseng heartbreak ba ang naranasan nitong si Ahyessa para pigilan niya ang sarili na sumubok muling umibig. Dumating din si Harleen na kaibigan nila. Ang ganda ganda nito. Ang sexy taposnang kinis. Wala talagang pangit sa squad namin eh.

Nagulat ako ng may maramdamang kamay na bigla na lamang pumulupot sa'king baywang mula sa likuran.

“Okay ka lang? Did you drink?” narinig kong tanong ni Julio. Nakatingin ako sa kanila na nagkakasiyahan. Sumandal ako sa kanyang dibdib at nakuntento na roon.

“Kaunting wine lang naman iyon at hindi naman ako lasing. Iyong sila Harleen at Ahyessa ang tanungin mo dahil parang may service na ng wine dito. May nakatoka na yatang waiter para sa kanila oh, ” napahagikhik ako ng makita ang isnag waiter na pabalik na naman sa direksyon ng dalawa.

Huwag naman sanang maglasing ng sobra si Ahyessa. Baka umiyak na naman iyon eh.

“Hayaan mo na muna sila. Let's just enjoy this event,”

Iniikot ni baby Julio ang aking katawan at niyakap ako. Sumayaw kami kasabay ng malamyos na musika at nakuntento na lang kasama ang isa't isa.

Pakiramdam ko talaga ay wala na akong mahihiling pa. Masaya na kasi ako sa kung ano ang mayroon ako eh.

I felt his lips on my forehead.

“You very well know we'll get married in the future too, right?” paninigurado nito, para bang takot na takot na bigla kong sabihing hindi.

Isang ngiti ang kumawala sa'king mga labi.

“Depende siguro sa magiging proposal mo,”

“Ara naman...” ungot nito kaya mas lalo akong napahagikgik.

Biglang may kumislap na kung ano sa aking utak at inatake na naman ng kapilyahan.

“Gusto ko pag nagpropose ka wala kang suot. O kaya strip tease. Sabi nila Demi enjoy daw iyon e. O kaya lap dance, kahit iyon na lang para sobrang memorable talaga at hindi ko makalimutan, ”

Dinig na dinig ako ang pag ungol ni baby Julio kaya mas lalo akong naligayahan.

Iyon lang malaman ko na sigurado siyang ako ang pakakasalan niya sa hinaharap ay ayos na.

Isamg tanong mo lang, baby Julio. May damit ka pa o wala, papayag ako.

Papayag ako basta ikaw ang makakasama ko habangbuhay...






JULIO (P.S#5)Where stories live. Discover now