20

1.3K 70 56
                                    

Nagulat ako ng may tumikhim. Noon ko rin napansin na halos lahat sila ay nakatingin na sa aming dalawa ni Julio. Nakaupo kasi ako sa single seater na couch habang sa armrest ay naroroon si Julio at hindi lumalayo sa akin.

Kitang kita ko ang pagsasalubong ng kilay ng ilan habang ang iba naman ay puno na ng pagtataka ang itsura.

Hala bakit? Parang may nabaril sa likod namin, bakit ganoon sila makatingin?

"Damn it! We just ate here once, okay!" si Julio.

Hindi ko naman alam kung bakit siya nagpapaliwanag. Ano ba iyong sinasabi niya. Iyong kumain kami dito minsan?

"Kailan iyang once na yan? Bakit wala kaming alam?"

"Oo nga. Nag uuwi ka pala ng babae dito ha,"

"Kuya, araw araw kang nakabuntot sa girlfriend mo, paano mo malalaman?"

"Hindi siya nakabuntot sa'kin ha!"

"Ang ingay niyo, kuya," awat ni Chase bago ako nilingon. Nakakandong pa rin sa kanya si Andrea na bagama't namumula ang pisngi, masasabi ko naman na halatang komportable sa kanyang posisyon. Muli na naman akong napalingon kay baby Julio.

Gusto ko din talaga kumandong eh.

"So, kumain nga kayo rito? Ano'ng kinain niyo?"

Bakit kaya nila tinatanong? Gusto rin nilang kumain noon? Pinagsalikop ko ang aking mga palad bago sinagot ang tanong ni Chase.


"Isda tsaka kamatis. Tinulungan kong magluto si Nanay Belinda," nakangiti kong sagot na tila ikinagulat pa ng ilan. "Tapos pinaakyat ako sa kwarto ni baby Julio kasi amoy isda daw ako,"

Narinig ko ang pag ungol ni Julio at paghigpit ng kamay nito sa aking braso.

Naghagikgikan naman si Andrea at Xantga habang napasipol pa si Aedree.

"She called him baby!"

"Oo nga! Ang cute ni Ara!"

Ang gaan talaga ng loob ko rito sa mga babae nila. Ang babait kahit na halata mong mayayaman. Tapos maganda pa, lahat na yata nakuha nila eh.

"Ano'ng ginawa niyo sa kwarto, Julio?"

"Tigilan mo ako kuya. Hindi ko nga tinatanong ginagawa niyo ni Xantha sa kwarto mo,"

Ngayon ay halos nakadikit na ang aking mukha sa gilid ni Julio dahil sa higpit ng yakap niya. Ang bango bango pa naman baka makagat ko na naman siya.

Naramdaman ko pa ng kuhanin nito ang isa kong kamay at laru-laruin ito gamit ang isa pa nitong kamay. Parang hindi niya napapansin ang ginagawa niya dahil sa inis sa mga pinsan nito. At iyon na naman, nagwawala na naman ang mga bulate ko.


Hindi ko alam kung magpapasalamat ako o hindi pero kahit paano ay nag eenjoy naman ako.

"Nagtatanong lang eh. So paano nawala iyong amoy ng isda?," tanong nitong muli.

Ako na ang kusang sumagot. "Naligo ako sa banyo niya. Tapos ano, tinuyo niya 'ko,"

Kulang na lang ay malaglag si Julio sa upuan dahil saking tinuran.

Totoo naman iyon ah.

Nagkandasamid samid naman si Chase na may kinakaing tinapay kaya inabutan naman ito kaagad ng nobya ng maiinom.

"Yung buhok niya! Tinuyo ko iyong buhok niya dahil mahaba. Jesus Christ!"

Kung ano ano na lamang ang pinag usapan namin sa sala. Ang dami nilang topic at marami din naman akong nalaman. Pinag usapan din nila si Dee dahil nag aalala daw sila rito.

JULIO (P.S#5)Where stories live. Discover now