14

1.2K 68 23
                                    

"Ara are you okay? I'm not hearing any water flowing. Nagdadasal ka ba dyan? Huwag kang matakot sa tubig, may heater naman. "

Narinig kong turan ni Julio mula sa labas ng pintuan. Nag makeface lang ako bilang tugon.

Dahil sa sobrang inis ay pumayag na akong maligo sa kanyang banyo.

Paano ba naman kasi, parang takot na takot siya kanina na napaupo pa noong ipinaamoy ko sa kanya ang aking sarili. Ang laki laki pa ng mga mata niya na akala mo may nakitang malaking palaka sa kanyang harapan. Nakakasama talaga ng loob.

Naisip ko tuloy na kinulang siguro ng five minutes ang pagligo ko kanina. Mamayang gabi ay tatagalan ko pa ang pag halfbath. Tapod bukas ay tatagalan ko tin nag pagligo. Bahala na si Killua mabadtrip sa paghihintay sa akin.

Kanina ay kung ano anong botelya ang ipinasok niya roon na ang sabi niya ay kay Juliene daw. Nakakapagtaka rin na may mga bagong damit na pambabae roon maging mga undies na sabi niya ay bago raw naman.

Ang dami niyang paliwanag. Kesyo madalas daw kasi ang mga kababata nilang babae rito kaya may mga ganoon. Maniwala!

Baka hindi talaga totoo iyong tsismis sa akin ni Nanay Belinda na wlaa itong dinadala ritong babae. Kasi sabi ng ng tiyang, palagi daw asarin na pokpok itong si Julio e.

Baka pokpok nga siya.

Marahan akong napabuntong hininga. Iniangat kong muli ang aking kamay at sinubukan na namang pindutin ang kung anong pindutan dito.

Napapikit akong muli sa sobrang inis. Kumukulo na ang aking dugo at talaga namang nauubusan na ng pasensya. Mauuna pa yatang lumabas ang regla ko kaysa sa tubig ng shower nila.

"Bakit kasi hindi na lang sila nagtatabo?" nanggigigil kong turan. Kanina pa ako nahihirapan sa pagbubukas ng shower na sobrang dami ng pinipindot. Parang vendo machine na kapag pinindot ko ay may lalabas na coke sa ulunan ko. Tapos bakit ang dami ring ng labasan ng tubig!

Ramdam na ramdam ko na ang pagkainis. Sinusubukan nito ang aking pansensya at malapit na talaga akong sumabog.

Nang sumunod na pumindot ako ay wala pa ring tumulo.

Sa sobrang inis ay dinampot ko na ang tuwalya sa gilid at mabilis na naibalot iyon sa aking katawan. Sakto lamang ang haba noon na umabot naman sa gitna ng aking hita.

Dahil yamot na ay walang pakundangan kong binuksan ang pintuan. Nagulat pa si Julio na nakatayo lamang ilang hakbang mula sa akin.

"Huh?"

Nang mapansin ang aking itsura, agad na nanlaki ang mga mata nito at biglang tumalikod. Ipinatong pa nito sa kanyang baywang ang isang kamay bago ang isa ay napakamot sa ulo nito.

"W-what's the problem? Bakit ka lumabas ng nakatapis lang?" nauutal nitong turan.

"Ayoko ng maligo! Sira naman iyong shower niyo! O baka hindi kasi kayo nagbabayad ng tubig!" nayayamot kong birada. Pakiramdam ko ay umuusok na ang aking ilong sa sobrang gigil. Bwisit na shower kasi iyan eh!

"What?" tila naguguluhan nitong turan. Narinig ko pa ang paghinga nito ng malalim na tila ba kinakalma pa ang sarili.

Ano ba'ng problema nito?

"Oh," anito ng tila may napagtanto. "Sorry, I had a digital showering system. Nakalimutan kong ituro sa'yo," paliwanag nito. "Ahm, one second," dahan dahan itong humarap ngunit ang kanyang mga mata ay naging malikot, tila ba iwas na iwas na mapatingin sa aking gawi.

Siguro ay duming dumi ito sa akin kaya ganoon. Mas lalo lamang tuloy bumigat ang aking pakiramam. Kanina ay tuwang tuwa ako ng sunduin niya ako sa escuelahan pero ngayon, gusto ko na yata siyang i-flush sa bowl.

JULIO (P.S#5)Where stories live. Discover now