2

1.6K 75 20
                                    

"Hindi ka pa ba matutulog? Hanggang nguso na eyebags mo, ate,"

Napalingon ako sa gawi ni Killua ng marinig itong magsalita. Kalalabas lamang nito sa pintuan ng kanyang silid habang ako naman ay nakahilig sa sofa at nakataas pa ang mga paa sa lamesa.

Ngalay na kasi ang aking likod kakahintay kay tatay. Nauna na din kaming kumain ni Killua kanina dahil inabot na ng alas diyes ngunit hindi pa ito dumarating.


"One hour na lang, baka biglang dumating na din si tatay eh. Paano kapag ganoon, walang mag aasikaso sa kanya," dahilan ko. Umupo na din ito sa isang bakanteng silya at ibinaling ang atensyon sa gawi ng pintuan.

Ipinikit ko saglit ang aking mga mata upang kahit papaano'y maibsan ang pagod na nararamdaman.

May pasok ako bukas pero hindi makaya ng aking konsensya na matulog ng mahimbing habang si tatay ay halos wala pang tulog at baka hindi pa nakakakain.

Narinig ko ang marahan niyang pagbuntong hininga kaya muli akong napamulat bago ibinaling sa kaniya ang atensyon.

Ibibili ko nga ng bagong sando itong si Killua. Kita na kasi ang utong niya sa sando niya. Mapupulmonya na ang kapatid ko dahil kinukulang na ng tela ang suot. Isa pa ay sobrang luma na rin ng mga damit nito.

"Saan mo hinugot 'yong ihininga mo? Ang baho ha," biro ko sa kanya. Alam ko kasing kung ano ano na naman ang naiisipan ng aking kapatid at gusto ko ng mapagaan ang kanyang pakiramdam.

Sinamaan ako nito ng tingin bago muling napailing. Kinamot nito ang sentido at tila ba nag iisip.


"Eh kung tumigil na muna kaya akong mag aral at sumunod sa Tiya Elang sa Maynila? Baka may bakante sa pinag tatrabahuhan niya at maipasok niya ako roon. Pwede naman akong magpatuloy ng pag aaral kapag nakatapos ka na. Siguro naman mukha ka ng tao noon, ate. At sana naman ay may mayamang magkagusto sa'yo kahit mukha kang fishcracker sa uma-" hindi na niya nagawang matapos ang sasabihin dahil nahataw ko na siya sa mukha ng unan na ikinatawa na niya kaagad.

"Aray ha!"


"Alam mo Killua, mag Tiktok ka na sa kwarto mo. Ituloy mo na, bwisit ka bago kita mahataw ulit," turan ko. Ang malawak niyang ngisi ay nakapagpatawa na rin ulit sa akin.

Hindi ko na pinansin ang kanyang unang sinabi. Hindi naman siya pwedeng tumigil sa pag aaral. Kung mayroon mang kailangang magparaya, dapat ay ako iyon dahil mas matalino naman siya sa akin. Tsaka paano pa siya hihinto eh halos bakasyon na rin naman. Sa katunayan ay maari na rin naman na kaming hindi pumasok. Huwag akong masyadong utuin ng mga prof namin, may grades na kami. Nasilip ni Demi noong hinaharot niya pa si Sir Vargas.



Baka nga maghanap na lang ako ng mayaman tapos magpapaturo ako kila Demi at Nica kung paano mang akit. Madali lang naman siguro iyon. O kaya subukan ko na yung ginagawa ni Nica na chupagetti. Baka sakaling kumita ako. Kahit masakit daw sa panga, pwede na siguro iyon. Matyaga naman ako eh.

Sumeryoso na rin naman kaming dalawa habang ako naman ay nakaupo na. Ibinaling kong muli ang aking tingin sa orasan. Malapit nang mag alas dose ngunit hindi pa nakakauwi si tatay.

Hindi ko na niwasang hindi mag alala. Dati naman ay alas diyes naririto na si tatay. Bumaling akong muli kay Killua.


"Hindi kaya may babae na rin yang si tatay? Alam mo na, sabi ni Nica masama daw sa kalusugan kapag sobrang tigang eh,"


Nagsalubong agad ang mga kilay nito at halata na naman ang pagkainis.

"Alam mo ate, ayaw sana kitang murahin eh,"

JULIO (P.S#5)Where stories live. Discover now