21

1.3K 73 80
                                    

"Hala, hindi pa rin tayo magse-sex?" sigaw ko.  I saw how his eyes widened.  Bigla pa siyang napalapit para takpan ang aking mga labi.  Nasa ibaba kami ng Rkive at napalingon sa'ming gawi ang ilang mga binatilyo na naglalaro.

"Fuck,  Ara.  Keep it down," bulong niya.  He pulled me closer kaya mas lalo akong napanguso. 

Bakit ayaw niya e gusto ko naman?

"My God,  baby... What should I do with you.  You're just too pure," bulong niya.  Iniyapos ko sa kanyang baywang ang aking mga kamay at hindi na siya napigilang amuy amuyin. 

Ang bango bango naman.

Wala ang tiya. Wala din si Killua, kaya ligtas akong magpakapit kapit kapit ngayon kay baby Julio.

Noong lumuwas kami sa siyudad, hindi man kamang pumasok sa aking isipan na may makikilala akong taong makakapagpasaya sa'kin gaya ng kagayang hatid sa buhay ko ni Julio.


Noong gabing nagkulong kami sa kanyang silid at pinagsawaan ang labi ng bawat isa, hindi rin ako pumayag na hindi malaman kung ano ba ang mayroon kami.

Ang sabi ni Julio ay gusto niya raw ako. At handa niya daw akong ligawan. Pero hindi ako pumayag.

Eh siyempre kapag nililigawan niya pa lang ako, paano kami magki-kiss?

So dapat talaga ay kami na!

"Pero mapipingot ako ng tiya!" tsaka ko naalala. Ang totoo, hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ng tiya kung magiging kami ni Julio. Hindi kaya magalit ito?

Naramdaman ko ang marahang paghaplos ni Julio sa aking pisngi. Ang kakaibang init na hatid nito ay siyang lalong bumubuhay sa akin. Muli siyang lumapit at hinalikan ako sa aking uluhan. Nakahiga kami sa kanyang kama, magkaharap simula pa kanina.

"I already asked for her permission," anito. Mabilis na kumunot ang aking noo.

"Na hahalikan mo 'ko?"

"What? No!" nanlaki ang kanyang mga mata at lalo naman akong nagtaka. Eh ano ba ang ipinagpaalam niya? "I mean, that I will court you. Pero parang ayaw yata ng tita mo eh,"

Bigla akong kinabahan sa kanyang tinuran. Conservative nga pala ang tiya.

"Papayag iyon, akong bahala. Basta wala ng bawian, baby na kita," hinawakan ko ang magkabila niyang kamay tsaka ngumiti. Kitang kita ko ang ngiti sa kanyang mukha.

Noong nasa probinsya pa ako ay ni hindi ako nagenganyong magnobyo. Wala rin naman kasing nakakakuha ng aking atensyon roon. May mga nagkakagusto sa akin pero ni hindi ko sila nagugustuhan. Wala, walang kadating dating. Ni hindi umiikot ang aking tiyan na parang may mga bulateng nagwawala sa akin. Hindi katulad ng nararamdaman ko kay baby Julio.

"You've been calling me baby since day one, Ara. You can call me yours all you want baby, because I am," napakasinsero ng pagkakasabi niya ng mga katagang iyon. Idagdag mo pa ang paglamlam ng kanyang mga mata na para bang hinihila na naman ako papalapit sa kanya.

Parang tumalon yata ang puso ko palabas sa hindi naman kalakihan kong dibdib dahil sa kanyang tinuran.

Grabe naman si baby Julio!

Nabitiwan ko ang kanyang mga kamay at mabilis akong napahawak sa aking dibdib.

"Ang lakas ng tibok baby Julio. Kinakabahan yata ako!" turan ko. At iyon na naman iyong nakakabaliw niyang mga gawi. Pinanuod ko kung paano niya kinagat ang pang ibaba niyang labi habang tila pinipigilan na namang mapangiti.

"Smile," utos ko. Hindi ko alam kung saan ako kumukuha ng lakas ng loob pero hindi ko mapigilan. "Smile for me. Gusto ko nakikita kitang ngumingiti. At mas lalong gusto ko na ako ang dahilan ng pagngiti mo,"

Dahan dahang umawang ang kanyang mga labi. Nadinig ko pa siyang mapaura ng mahina at ang sumunod na lamang ay ang muli nitong pagkabig sakin bago muling siniil ang aking labi ng nakababaliw niyang mga halik.

Nang makauwi ako kinabukasan ng hapon matapos ang aking klase ay maya't maya akong tanungin ni Killua tungkol kay Andrea. Mukhang nagkagusto pa si tanga kay Andeng.

"Tumigil ka na sa pangarap mo Killua. Iyong boyfriend noon mukhang artista. Ikaw mukhang kutonglupa. Doon ka sa kusina at magluto, aga mong mangarap,"

Sinamaan ako nito ng tingin habang ako naman ay binelatan lamang siya.

"Fishcracker!" naiinis niyang sagot bago ako tinalikuran.

Nang parehong gabi ay kinausap ako ng tiya sa aking silid. Tulad ng hinala ni baby Julio ay tila hindi ito pabor sa aming relasyon ngunit nangako akong hindi ito makakaapekto sa aking pag aaral.

Kaya ayon nga, natupad na ang pangarap kong maging kasintahan si baby Julio.

Nakilala na rin niya sila Domingo at Nicanor na walang ginawa kung hindi tumili ng tumili ng minsang mag videocall kami at bigla na lamang sumulpot si baby Julio at halikan ako sa aking pisngi. Hindi niya kasi alam na may kausap ako.

Nagulat yata siya dahil ang walwal ng bibig ng dalawa ng gabi na yon.

Ang tanging iniiwasan lang namin ni baby Julio ay maging showy sa harapan ng tiya at lalo na ni Killua na magpahanggang ngayon ay tila walang kamalay malay na ang maganda niyang kapatid ay may kasintahan na. Masyado itong abala sa pag aaral kaya hindi kami masyadong nakakapag usap. Hindi ko naman gustong ilihim sa kanya ang bagay na ito ngunit ayaw ko rin na bigla na lamang siyang mailang kay Julio.

"Sabi kasi nila Demi ay normal daw na ginagawa ng magkasintahan iyon, yung sex kaya tuloy tinatanong kita. Baka gusto mo noon eh," turan ko tsaka tumingala sa kanya. Para naman itong pinagpapawisan sa aking mga tinuran kaya naman mas lalo akong nagtaka.

Ayaw niya ba noon? Ayaw niya ba noong sex? Baka hindi iyon masarap kaya ganoon. Eh sila Demi lang talaga walang taste minsan. Feeling ko nga wala naman sila talagang alam. Dapat ba hindi ako nakikinig sa kanila?

Kay Ahyessa na lang pala ako magtatanong. Mas maraming alam iyon, baka matulungan niya ako.

Narinig ko ang pag buntong hininga ni Julio tsaka inayos ang aking buhok na tumatabing na sa aking mukha.

"I won't do that with you just for the sake of it, Ara. And please don't call it sex, okay? Ours will be lovemaking. Besides..." kitang kita ko ang paglunok nito na tila ba nahihirapan na kung ano. Mas lalo ko tuloy siyang nakabig papalapit sa akin at hindi na alintana kung nakikita kami ng mga naglalaro. Mabuti nga iyon at ng wala ng masyadong lumalapit sa akin dito sa Rkive.

"Ano?" tanong ko sa kanya. Nag iwas ito ng tingin bago napanguso.

"Nevermind, how about we eat?" pag iiba nito ng usapan. Mas lalo lamang kumunot ang aking noo. Halata talaga na umiiwas siya eh.

"Ano nga?" hindi ko siya titigilan hangga't hindi niya sinasabi sa'kin.

Huminga na naman ito ng malalim.

"Just because we are in a relationship doesn't mean we have to do the deed, baby. Besides, I'm afraid I'd break you," kapagkuwan ay turan nito.

"Ha? Eh bakit naman?"

Nag iwas muna uli ito ng tingin bago napakamot sa kanyang batok. Panay iwas yata siya ngayon ng tingin sa'kin. Wala naman akong muta.

"Ahm, my taste...hm, they are a little different," bulong nito. Muntik ko pang hindi maintindihan.


"I-" tila hirap na hirap itong sabihin ang nais kaya naman tumango tango pa ako para udyukan siyang magsalita.

Napapikit muna ito bago muling bumulong. "I like it rough, baby. So please stop teasing me. Having you this close is already a torture yet all you do is tempt me. May hanggangan ang pagpipigil ko, Ara. Kaya't habang kaya ko pa, magbehave ka muna please. Nagmamakaawa ako..." bulong nito na tila hirap na hirap na talaga sa pinagdadaanan.


Ano ba iyong taste niya daw, rough? Ano, gusto niya magaspang?

Grabe naman iyon?

JULIO (P.S#5)Where stories live. Discover now