16

1.3K 78 29
                                    

"May gusto ka pa ba? Tell me, I'll get everything that you want,"

Halos masamid ako nang marinig ang sumunod niyang tanong kaya naman lalong namula ang magkabila kong pisngi. Hindi naman ito nag atubili at mabilis niya na namang napunasan ng tissue ang gilid ng aking mga labi. Bagay na nakasanayan ko na na ginagawa niya sa tuwing kumakain ako.

Pagkatapos niyang gawin iyon ay bumalik siya mula sa pangangalumbaba sa aking harapan.

Hay baby Julio. Inaakit mo na naman ako.

"Okay na 'to. Hindi mo naman dapat pinakinggan iyong tatlo eh," turan ko. Ang aking mga mata ay tuluyan ng naging mailap at pilit iniiwasan ang mga nakakalokong tingin nila Reese mula sa kabilang lamesa.


Hindi ko alam kung paanong nangyari ito basta nakita ko na lamang ang aking sarili na nakahiwalay sa kanila at kasama si Julio sa kabilang lamesa.


Sa sobrang saya noong tatlo sa libreng inumin at pagkain, walang pakundangan akong sinipa ng mga ito patungo kay Julio. Ang dahilan nila ay makikiaagaw pa raw ako sa mga pagkain na nakaserve sa kanila. Ang ending tuloy ay naglapag pa ng panibagong sandwiches si Kuya Dennis sa aming lamesa kahit pa nga sinabi kong hindi naman ako ganoon kagutom.

"Hindi ko na namonitor kung nakakakain ka pa ba ng maayos. Last time we were together, hirap kang kumain sa labas,"

Napaangat ako ng tingin at sinalubong ang mga mata nito. Bakit pakiramdam ko ang lungkot ng kislap noon? Sad ba siya?

Hindi ko na napigilan ang aking sarili at inabot ang magkabilang dulo ng kanyang mga labi para pangitiin ito.

"Bakit hindi ka ngumingiti simula kanina? Sad ka ba ulit tulad noong nakaraan?"

Ipinilig ko ng bahagya ang aking ulo habang hawak pa rin ang kanyang pisngi. Napansin ko pa ang bahagyang pagsilay ng ngiti sa kanyang mga labi bago nito hinawakan ang magkabila kong kamay. May narinig akong impit na tili mula sa aking gilid pero hindi ko iyon pinansin. Pakiramdam ko ay si Chloe iyon na hindi na yata mapirmi sa kinauupuan. Baka may kiti kiti siyang alaga.


Dahan dahan niyang ibinaba ang aking kamay sa lamesa ngunit hindi iyon kaagad binitiwan.

Huminga ako ng malalim. Iyon na naman, naramdaman ko na naman ang biglaang pagbilis ng tibok ng aking puso maging ang pagwawala ng bulate sa aking tiyan.

Minsan naisip ko, baka kailangan kong magpurga. Utusan ko nga minsan si Killua na bumili ng pampurga, binubulate na yata ako eh.

"Hindi na," bigla nitong turan. Napakunot naman ang aking noo. Ano daw?

"I'm no longer sad if that's what you want to hear. Okay na ko,"

Napatango tango naman ako bago ngumiti.

Magaling naman at okay na siya. Siguro hindi naman siya sobrang lungkot. Baka naisip ko lang iyon.

Muli ay tinitigan ko ang maganda niyang mukha. Kanina ay hindi ko maamin kaagad ngunit alam kong sobrang saya ng aking naramdaman noong kinausap niya ako. Ang tagal na din kasi noong huli eh, parang nasanay na talaga akong kausap siya.

"Pwede ka bang mag smile kahit sandali lang? Namimiss ko ng makita iyong biloy mo eh," ungot ko. Pinalamlam ko pa ang aking mga mata at ngumuso.


Nakagat nito ang pang ibabang labi at tila pinipigilang ngumiti bago umiling. "And then what? Susundutin mo? Nakakailang sundot ka na sa'kin, pag ikaw inano ko..."

JULIO (P.S#5)Where stories live. Discover now