28

1.3K 79 46
                                    

"Stop moving baby. Please, kaya na namin dito,"

Isang malalim na bunting hininga ang pinakawalan ni baby Julio, ang noo niyang janina pa nakakunot ay gustong gusto ko ng plantsahin dahil baka maging permanent iyon. Ang weird naman kapag permanet na may alon alon ang noo niya.


Well, gwapo pa rin naman ang baby ko pero kahit na.

"Inagaw nito ang basong ibabalik ko sana sa cafe dahil kaiinom ko lamang ng hot choco. Si Killua na baliw, hindi pumasok at parang alalay ni Julio na maya't maya ring nakasunod sa bawat galaw ko.

Kahapon pa sila ganyan.

Noong nawalan ako ng malay, hindi ko na alam kung ano ba ang sumunod na nangyari. Basta nagising na lang ako na nakadapa sa'king kama habang katabi si baby Julio. Napalitan na ang suot kong t-shirt habang may balot naman ang sugat ko sa'king likod.

May family doctor daw na bumisita at tinignna ang kundisyon ko. Hinimatay lang naman ako sa sobran sakit at dahil daw sa hindi ako nakakakain ng maayos.

"Wala ka bang pasok ngayon?"

"Chase can cover for me. Dito muna 'ko hangga't hindi ka pa okay. Ang tigas pa naman ng ulo mo," kastigo nito sa'kin bago hinawakan ang isa kong kamay at maingat na hinatak palapit sa kanya.

Mabilis namang pumulupot ang aking kamay sa kanyang baywang at ibinaon na ang aking mukha sa kanyang dibdib. Amoy na amoy ko ang kanyang pabango roon.

"Ang halay..."

"Killua," narinig kong saway ng tiya sa'king kapatid.

Napaatras ako ng kaunti kay baby Julio, ngunit hindi pa rin iniaalis ang aking mga kamay sa kanyang baywang. Sumulyap ako sa direksyon ng aking tiyahin at napansin na nag iwas na naman ito ng tingin.


Bahagyang magulo ang kanyang buhok at sa tingin ko ay hindi pa halos nakakatulog.


"Tiya," tawag ko rito. "Nakatulog ka ba?"

Maging si Julio ay rito na nabaling ang atensyon.

"Tita Stella," tawag nito ng hindi ito sumagot.

"Natulog ako. Ikaw ang umakyat na sa itaas Ara at magpahinga. Magpapahinga na rin ako maya maya," tugon nito. Tila may kung ano namang humaplos sa'king puso sa kanyang tinuran. Alam ko hindi ito nakatulog ng maayos sa sobrang pag aalala.


Ang alam ko ay binabantayan ako ng tiya hanggang sa dumating daw si Julio.

"Tiya, alam mo ba, tanggap naman namin ni Killua kung magkaka-nobyo ka,"

Naramdaman ko ang naging paggalaw ng katawan ni Julio at ang pagtawa nito. Maging si Killua ay napahagikgik sa narinig habang ako naman ay napanguso.

"Maryosep, Arianne! Umakyat ka nga sa itaas at baka mahambalos kitang bata ka,"

"Let's go, baby. Nangungurot si Nay Stella,"

Nagpatangay na lamang ako kay baby Julio ng iginiya ako nito sa may bandang hagdanan.

Wala namang masama sa sinabi ko ah. Aalagaan naman namin siya ni Killua pagtanda niya ngunit iba rin naman kung gusto niyang magkaroon ng katuwang sa buhay. Hindi naman namin ipagkakait ni Killua sa kanya sang kasiyahang iyon.

Napalingon ako sa gawi ni Julio ng may maalala. "Si Juliene, hindi ba siya pupunta rito?"

Hindi kaagad nakasagot si Julio at bahagya pang nag iwas ng tingin.


JULIO (P.S#5)Where stories live. Discover now