"Hindi totoo yun! hindi ko nilalandi si Franz!" panlalaban ko pero agad na sumugod sakin ang kakambal ni Kristine at sinampal ako ng ubod lakas. Kinuha din ang buhok ko.

"Aray! tama na nakiki-usap ako!"

"Hindi totoo? eh ano to?" sabi ni Rica habang hawak ang phone niya, swinipe niya yun at nakita ko yung picture na nangyari kahapon, yung magkausap kami, nilapat nito ang picture at yun yung pangyayari na inakbayan ako ni Franz.

"Magkaibigan kami...yun lang yun!"

"Magkaibigan?!!!" galit na sigaw sakin ni Tala at sinabunutan ako nito.
Hinayaan ko lang tumulo ang luha ko.

Buong akala ko tapos na sila, Iiwan na nila ako pero....

"Pagod kana?" tanong nito pero hindi ko siya pinansin. Nakatungo lang ako ngayon.

"Sagot!" sigaw nito na umalingawngaw sa buong kwarto.

kinamumuhian ko siya.

"Oo!" sigaw ko pabalik. Pagod na ako, sobrang sakit na ng buong katawan ko. Pagod narin akong umiyak.

"Ow sad? Nagsisimula pa lang tayo."

0_0

Binalot ako ng takot..Anong Ibig sabihin niya? hindi pa ba sila tapos?

"Ihanda ang camera." paguutos nito.

C...Camera? Bakit anong gagawin nila? bakit may camera?!

"A..Anong binabalak niyo sakin?"

"Don't worry, I'm sure mage-enjoy ka sa gagawin natin." sabi nito at humalakhak na naman na parang demonyo.

Hinawakan ni Kristal ang kaliwang braso ko at yung isa naman yung yung babaeng nakasalamin gaya ko. Tinigna ko siya pero hindi ako nito pinansin. Buong lakas ako nagpumiglas sa kanila pero dahil sa sakit ng katawan ko, wala na akong magawa.

Nilagay nila ako sa harap kung saan may tripod at isa ding babae na nakaiwas ng tingin sakin.

Kapatid siya ni Hendrix. Katangian niya palang, napakatangkad niyang babae.. Merlyn.

"Magsimula na tayo. Ma's maganda siguro i-blind fold natin siya para naman ma's mag-enjoy siya."

"A..Ayoko! tama na nakikiusap ako!" pagwawala ko. Pilit kong iniwas ang ulo ko para hindi malagyan ng panyo. Kita ko na lumapit si Rica sa kinaroroonan ko at... kinuha nito ang salamin ko, malabo tuloy ang paningin ko.

"Rica wag!"

Pilit kong inaninag siya, nakita ko kung paano niya sinadyang ibagsak ang salamin ko sa sahig at talaga namang saksakan siya ng sama dahil inapakan niya pa yun. Rinig na rinig ko ang pagkabasag ng salamin ko.

Ang sama niya.

"Ay sorry, naapakan ko." kunwaring concern na sabi nito sakin. Nagpatakan ang luha ko, sobra na sila, kinuha nila yung pagkakataon na yun para i-blind fold ako.

Anong pang saysay ng blind fold? wala na rin naman akong makita. Wala na akong lakas para magpumiglas.

Tulong!

"I-focus mo na yung cam, merlyn!" pag-uutos ni Rica. Wala akong kaide-ideya kung anong gagawin nila sakin.
Pinakiramdaman ko na lang paligid ko.

Pero...Agad akong naalarma ng may humawak sa uniform ko. Nanlamig ang buong katawan ko dahil hindi ko inaasahan ang gagawin nito.

"Button one, open." natatawang sabi nito at don ko napagtanto ang gagawin nila sakin. Agad akong nagpanic.

Natanggap ko na ang pananakit nila sakin pero ang apakan ang dignidad ko, hindi ko hahayaan yun. Nagsimula akong mapumiglas at malakas na bumuhos ang luha ko.

"Tama na! please wag! wag!" paulit-ulit na sigaw ko habang umiiyak. Sobrang sakit na ng mata ko dahil kakaiyak at sa mahigpit na pagkakatali ng panyo sakin. Nakaramdaman ko ulit ang kamay nito sa uniform ko, inaalis niya sa pagkaka-butones yun.

"Please wag! nakiki-usap ako! wag!"

"Panigurong matutuwa ang mga lalaki may bago silang porno na panonoodin and it all thanks to Jasmine."

"Wag! please! maawa kayo sakin! nakiki-usap ako! Rica! Kristal! merlyn! please lang wag niyong gawin sakin 'to!"

Wala na katitigil sa pagtulo ang luha ko. Nanghihina na ako.

Bakit nila ginagawa 'to sakin?

Is this really my fate? bakit kailangan kong maranasan ang lahat ng 'to?!

"Button three, open HAHA."

Kahit paulit-ulit pa akong humiyaw at magmakaawa hindi naman nila ako papakinggan. Kahit wala na akong lakas, hindi ako titigil patuloy parin akong lalaban.

"Wag! tama na!" Hindi ko na matitiis
ang ginagawa nila sakin ngayon. Sobra na sila. Mga walang awa!

Please lang, kahit isa man lang tao ang dumating at iligtas ako sa pangyayaring ito. Nakiki-usap ako, isang tao lang hinihingi ko.

"Butto-" hindi na nito naipagpatuloy pa ang sasabihin niya.

Isang malakas na kalabog ang narinig ko na nagpatahimik sa lahat, Sure akong nanggaling yun sa pinto. Naramdaman ko ang mabilis na pagbitaw sakin ng taong nakakapit sa braso ko. Wala akong makita dahil sa takip sa mata ko, mabilis kong niyakap ang sarili ko. Tanging paghikbi ko lang ang naririnig ko nong sandali na yun.

Franz? Ikaw ba yan?

"N...Nagkakatuwaan lang kami." rinig kong paliwanag ni Rica.

Katuwaan? katuwaan para sa kanila tong ginawa nila sakin?! eh halos patayin na nila ako.

Ilang minuto din ang lumipas tanging katahimikan ang namutawi sa loob ng kwartong kinaroroonan ko. Sobra akong nagulat ng may kung anong bagay na nabasag. Nanginig ang katawan ko sa takot at kaba. Anong nangyayari? sunod ko ng narinig ang mabibilis na yapak ng paa. Para bang nagtatakbuhan. Ayoko tanggalin ang takip sa mata ko, mabuti pang wala akong makita. Nahihiya na ako sa sarili ko.

Narinig ko ang yapak ng paa na papalapit sakin napahigpit ako ng hawak sa uniform ko. Hindi ko mapigilang hindi humikbi. Naramdaman ko ang presensya nito sa harap ko. Na lalong kinakaba ko. Naramdaman ko ang kamay nito na tinatanggal ang pagkakatali nong panyo sa mata ko. Dahan-dahan niyang tinanggal yung panyo sa mata ko pero mas pinili kong pumikit, hindi ko alam kung kailan titigil ang luha ko.

Franz...

Dahan-dahan kong binuksan ang mata ko at pinikit-pikit ko pa ang mata ko para maaninag ang taong nasa harap ko.

"Don't worry, Ligtas kana." seryosong sabi nito.

Halos manlaki ang mata ko ng malaman hindi si Franz ang tumulong sakin..

"H..Hendrix?" Hindi mapaniwalang sabi ko.

-----------------------------------------------------------

To be continue, don't forget to vote! ❤

Si Author naging EXTRA?! Where stories live. Discover now