Chapter 16: Stuck

23 5 0
                                    


Maaga akong nagising at masasabi kong sobrang ganda ng gising ko. Paano ba naman hanggang panaginip ko nakikita ko si Franz para bang boomerang sa isip ko dahil paulit-ulit bumabalik sa ala-ala ko kagabi ang nangyari.

Nagbihis ako ng jogger pants at T-shirt. Gusto ko makalanghap ng sariwang hangin ngayon. Total sabado naman wala kaming klase. Maingat ako naglakad para hindi magising ang mga kasama ko. Nakalabas ako ng kwarto at masayang pinagmasdan ang paligid ko. For sure marami pang tulog ngayon. It's only 6:00 am kaya naman may lakas loob akong lumabas ngayon.

Naglakad-lakad ako sa labas at ni-walang ingay akong naririnig, walang katao-tao sa labas, siguro puyat? Nagjogging ako papuntang canteen to court.

Nang makarating ako ng court, tahimik din don, walang tao.

Kala ko pa naman makikita ko si Luigi na nagpra-practice.

"Sinong hinahanap mo jan?" halos mapatalon ako sa gulat ng may magsalita sa likuran ko kaya naman agad ko tong nilingon at nakita ko si Franz na bakas ang saya sa mukha at may dala-dala itong bike.

Omg!

"W...Wala naman." nahihiyang sabi ko. Hindi nga ako makatingin ng diresto sa kaniya.

"Aga mong nagising.."

"Ikaw rin naman ah," ngiting-ngiting sabi nito. Tuloy hindi ko mapigilang mapangiti din.

Shit. Ngiti niya palang nakakakilig na.

"Gusto mong umangkas?" tanong nito na kinagulat ko. Angkas daw?! Agad na bumilis ang tibok ang puso ko.

"N..Nako hindi na, baka..baka,"

"Baka ano?"

"Baka ma-flat pa yang gulong mo." shit ano ba 'tong pinagsasabi ko. I heard him chuckled because of what I say.

"Just trust me, kayang-kaya ka nitong bike ko." sabi nito at aarte pa ba ako?! lumapit ako sa kaniya, sumakay siya sa bisekleta samantalang ako, umupo sa likuran niya. Natatakot ako paano kung dahil sakin matumba kami.

"Okay na?" tanong nito sakin at agad akong tumango. Automatikong napahawak ako sa tshirt nito ng mabilis niyang pinaandar ang bisekleta. Sa sobrang kaba sobrang higpit ng kapit ko sa laylayan ng T-shirt nito.

Pilit kong sinilip ang itsura nito habang nagpapaandar ng bike. Natulala ako sa lawak ng mga ngiti nito at halos tumigil ang mundo ko ng nilingon ako nito habang tumatawa.

Sobrang gwapo niya.

Ramdam na ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko.

"Kapit ka." utos niya na pinagtaka ko.
Bago ako makapagreact namalayan ko na lang may humps pala kaya sabi niyang kapit. Kamuntikan na akong malaglag dahil hindi naman ako kapit na kapit sa kaniya.

Nagulat ako ng tumigil siya at may kung anong tinignan sa paligid.

Sino tinitignan niya?

Nilibot ko ang tingin ko pero wala akong nakita.

Gulat ako ng magtama ang mata naming dalawa ni Franz. Parang aatakihin ako sa puso ng kunin nito ang dalawang kamay ko at pinalibot niya yun sa baywang niya. Ramdam na ramdam ko ang pag-init ng mukha ko dahil sa ginawa niya...

"Kapit kang mabuti." muling imik nito sakin at pinaandar muli ang bisekleta. This time niyakap ko siya ng mahigpit.

Baka kasi mahulog ako...teka nahulog na nga ata ako.

Muli kong pinagmasdan si Franz at pinakiramdaman ang sarili ko. Tama nga sila Cecil, napakarupok ko para mahulog agad ng ganto kay Franz.

Isinandal ko ang ulo ko sa likuran nito at niyakap siya ng mahigpit. Bigla din nawala ang saya ko at napalitan ito ng pagkabahala at lungkot, Mami-miss ko siya, mami-miss ko ang lahat ng 'to kung sakaling kailangan ko ng bumalik sa real world o mundo kung saan ako kapabilang.

Si Author naging EXTRA?! Where stories live. Discover now