Chapter 8: Danger

20 5 1
                                    


Naglakad ako papuntang sa ikatlong building gaya ng sabi nong babae. Naglakad-lakad ako sa hallway, sobrang bilis ng kabog ng puso ko sa takot at kaba dahil walang katao-tao sa lugar na'to.

Napapalingon na nga lang ako sa likod ko baka kasi atakihin nila ako sa likod. Hindi ko hahayaang mapahamak yung batang babae kanina, panigurado pag-hindi ako pumunta, yung babae ang babawian nila.

Nakaakyat na ako sa second floor at naalarma ako ng makita ang bukas na pinto sa kaduduluhan. Ito lamang ang tanging bukas na pinto sa building na ito.

Was it Hendrix?

Habang paghakbang ko, lalong dumadagundong ang tibok ng puso ko, hanggang sa makarating ako sa tapat ng pinto, kitang-kita ko na sobrang dilim doon at wala akong maaninag sa labas kung may tao ba don o wala.

Kabado akong pumasok sa loob non at nagitla ako ng biglang sumara ang pinto at kasabay non ang pagbukas ng ilaw, agad kong tinakpan ang mata ko dahil sa silaw.

Nang makarecover na ang mata dahan-dahan kong binuksan ang mata ko at...

0_0

Hindi ako makapaniwala na nasa harap ko si...

"Surprise!" sabi nito sakin with matching nakakalokong ngiti.

Si Rica...May mga kasama pa ito.

"B..Bakit mo ako pinapunta dito?" pagtatanong ko pero imbis na sagutin ako nito tinawanan niya lang ako.

"Haha bakit ko daw siya pinapunta dito?" natatawang sabi nito.

Naiyukom ko ang kamao ko sa inis at galit.

Ma's masahol pa siya kay Hendrix.

"Pinapunta kita dito kasi maglalaro tayo."

Agad akong napaatras sa sinabi nito. M..Maglalaro?!

"Akala mo ba tapos na kami sayo?" nanggagalaiti na sabi nito sakin.

"Tumigil kana." paki-usap ko sa kaniya.

"HAHA, Sino ka para pagsabihan ako?"

Ako ang gumawa sayo! kung hindi dahil sakin wala ka.

"Nauubusan na ako ng oras, hawakan niyo na yan."

0_0

Nagmamadali akong tumakbo sa may pinto pero naharangan ako ng dalawang lalaki don. Sapilitan nila akong hinawakan sa magkabilang kamay.

"Bitawan niyo ako! Bitawan niyo ako!" pagpupumiglas ko pero kahit anong gawin ko hindi ko mapiglas ang braso ko sa pagkakahawak nila. Hinarap nila ako kay Rica at automatikong napaluhod ako sa sakit ng sipain nito ang sikmura ko.

"Ah!" daing ko. Hawak-hawak ko ang tiyan ko ngayon. Sobrang sakit nito, napapaluha na lang ako sa sakit.

Why? Why are they doing this? wala akong natatandaan na gantong eksena sa story ko.

"Tama yan, umiyak ka lang." ngising-ngisi na sabi ni Rica sakin. Lumapit ito sakin at hinala ang buhok ko at hindi pa siya natuwa sinampal pa ako ng paulit sa mukha.

"T..Tama na...."

"Tama na? eh sa gusto ko pa eh!" muli ako nitong sinipa sa braso na kinahiga ko sa sahig. Namamanhid na ang mukha ko sa sakit dahil sa paulit-ulit na sampal nito. Halos buong katawan nanakit na.

"Kristal, diba ito yung lumalandi kay Franz?"

Nagmamadali akong umiling. Hindi totoo yun!

Si Author naging EXTRA?! Where stories live. Discover now