Chapter 18: Camp

21 6 0
                                    


Nagmamadali kaming nag-asikaso nila Kristine, Inayos na namin ang dadalhin naming back pack.

"Okay na kayo? sure walang naiwan?" pagtatanong ni Kristine samin.

"Wala na!"

"Tara na! Exited na ako!"

"Tsk."

Halos mag-unahan kami pababa ng hagdan. Sobrang saya at exited naming Lima. Hindi na ako makapaghintay na masubukan ang ibat-ibang activities.

Nang makalabas kami ng BSU, Bumungad samin ang maraming bus. Tsk daig pa nagfieldtrip kami. Sumakay kami sa Bus no. 8 ayun ang nakasign sa mga BSA students.

"Uy ako sa bintana ha!"

"Ako kaya!"

"Ako unang nagsabi!"

"Cecil, doon ka na lang sa dulo."

"hala basta ako sa tapat ako ng bintana."

Rinig na rinig ko ang pagtatalo nila raven at Cecil kung sino uupo sa tapat ng bintana.

Pambihira, pati ba naman bintana pag-aawayan.

"Uy tumigil nga kayo, bigyan ko kayo Jan ng tag-isang bintana eh." saway ni princess sa dalawa.

>_<

Nakarating kami sa bus nag-unahan pa nga ang dalawa na sumakay. Napapailing na lang kami nila princess na panoorin ang dalawa.

Sila cecil ang nagwagi na pumwesto sa tapat ng bintana, kami naman ni Kristine at princess doon kami sa tatluhan pumwesto si Kristine sa tapat ng binatana, si princess sa gitna.
Ako sa padulo. Mas mabuti ng malapit sa daan nakaupo kaysa naman mahirapan pa akong bumaba mamaya.

Agad ng bumilis ang tibok ng puso ko ng makita si Franz na sumakay sa bus namin. Agad na nagtama ang mata naming dalawa at ngitian ako nito na lalong nagpakabog sa puso ko. Nginitian ko din siya pabalik, yung pilit lang at nagmamadaling umiwas sa kaniya.

"Umamin ka nga samin jasmine, anong real score niyo ni Franz?" agad akong napalunok sa tanong ni Princess. Mata pa lang nito kinakabahan na ako.

"F..Friends lang kami."

"Friends? nako gagaya ka pa talaga kay Kristine."

"What?" pagtatanong ni Kristine habang tinatanggal ang earphone niya. Okay mukhang dalawa na silang man-iintriga sakin. "Why I hear my name?"

"Ito kasing si Jasmine nagde-deny pa..."

"Princess hindi ako nagde-deny."

"Aysus, kitang-kita ko sa Mata mo at Mata ni Franz na may something sa inyong dalawa."

"Shh.." saway ko dito baka kung sino pang makarinig samin. Malilintikan ako.

"Okay fine," pagsuko ko at nagningning ang mga mata nong dalawa. "Franz told me that he likes me." pabulong na sbai ko

"Omg!" tili ni Princess at agad ko siyang pinanlakihan ng mata.

"Sorry." pabulong na imik nito sakin.

Nagsimula ang biyahe at natulog na lang ako kaysa naman hayaan kong gisahin ako ng dalawang katabi ko. Ginising ako ni Princess ng makarating kami sa pupuntahan namin. Pinauna namin yung nasa unahan bumaba ng mawala ang nasa unahan, doon na kami bumaba. May pila na ginawa kada course.

"Okay guys! Attention please! Makinig muna!" sigaw ng isang teacher at natahimik naman ang lahat pero may ilan-ilan pa ding nagbubulungan.

"Pupunta muna tayo sa bawat cottage! then iwan niyo don yung gamit niyo at ang tanging dadalhin niyo lang ay ang plastic bag, naiintindihan niyo ba ang sinabi ko?"

Si Author naging EXTRA?! Where stories live. Discover now