Prologue

76 7 0
                                    

Lahat ng writers dito sa wattpad hinahangad na sumikat, makilala o madiskubre ang kanilang mga pinaghirapang akda.

Siyempre ilang minuto, oras, buwan at taon ang ginugol namin para lang makatapos ng isang buong novela.

Halos milyong-milyon katao na ang gumagamit ng wattpad may iilan pa nga na pare-parehas na ang nilalaman ng storya, nagka-iba lang sa title. Marami na ring Genre na umusbong at sure akong madadag-dagan pa ang mga iyon.

Actually nagsimula ako magbasa nong highschool ako, I was so fond of reading yung feeling na tatawa ka na lang mag-isa, iiyak dahil namatay yung favorite character mo or di kaya tragic yung ending o sure akong naranasan niyo rin magalit lalo na sa character na kontrabida! Yung laging pinahihirapan yung bida at halos sabunutan o bugbugin mo na ito sa isip dahil sa inis at galit mo. Yan! ganyan ako kaadik sa wattpad! Hanggang sa makapagtapos ako ng pag-aaral, wattpad paden! Well wattpad is Life. Isang araw napagisip-isip ko na what if gumawa din ako ng sarili kong story?

I start writing nong time na wala pa akong nahahanap na trabaho, halos lahat ng oras ko ginugol ko sa pagsusulat then makalipas ang ilang taon. Tada! Nagbunga lahat ng pinaghirapan ko, I'm one of the famous author in wattpad with 1.5 million followers with 7 books na napublish pa! O right!

Lahat ng yun ay para bang isang panaginip lang, I never thought na sisikat ako at madidiskubre ako as Author. Taray ng Lola niyo choss. Biruin mo, I start from nothing and now I have everything. Tama nga sila maganda talagang pinaghihirapan ang lahat ng bagay, sobra-sobra saya sa pakiramdam nong balik sayo.

Ang pinakasumikat talaga na nobela at nagdala sakin ngayon sa rurok ng tagumpay ay ang "We are all Extraordinary." a story about a girl named Kristine Ilagan and a boy named Luigi Arasula. It's a sad loves story, they meet in the school BSU, I said in the book it's a dorm school but in reality it's not. How I wish. Choss. Yun na nga nagkita sila at nagkakilala sa school they fell in love to each other but sadly Luigi had to go in state dahil natanggap ito sa Harvard at napakalaking opportunity non para sa kaniya but he's willing not to take that chance makasama lang si Kristine.

Pero ayaw ni Kristine na iwan ni Luigi ang pangarap niya ng dahil sa kaniya. In the last part of my chapter or the story. Luigi propose to kristine but she didn't accept it. In the end they broke up, Luigi go to the state to study and Kristine continue her life alone.

The end!

I still don't know why..bakit sa dami-dami este sa ilang book na pinublish ko ito ang sumikat.

May happy ending naman ako na ginawa. Well last book siya na sinulat ko and I want it to be reality.

Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko yung dinampot at sinagot ang tawag.

"Hello? who is this?"

"Asan kana? don't tell me nakalimutan mo na naman na may book signing ka?"

"Of course not!" tanggi ko pero ang totoo nakalimutan ko nga. Nandito pa ako sa bahay ngayon. Isa sa mga nagmamanage ng mall ang tumawag sakin, siya laging nagaayos tuwing may book signing ako.

"Okay, see you mamaya!"

"See ya!" I said. Binaba ko ang tawag at halos masira ko ang cabinet ko ng malakas ko yung buksan.

What to wear?!

Nakita ko ang isang dress pero I'm not confident sa pagsuot ng mga dress baka lalong mahalata ang bilbil ko. So kinuha ko ang isang maong na pantalon at isang plain red T-shirt. Nagmamadali akong nag-asikaso sa sarili ko.

Si Author naging EXTRA?! Where stories live. Discover now