Chapter 26: Friendzone

9 3 2
                                    

"Gising na Jasmine! Malalate na tayo!"

Literal na naalimpungatan ako sa sigaw na yon nasisiguro ko si Raven ang sumigaw. Madali kong tinakpan ang ulunan ko ng unan para hindi siya marinig.

Anong oras narin akong nakatulog kagabi. Antok na antok pa ako ngayon.

"Balita ko may pasurprise quiz daw si Sir mamaya."

Who cares about quiz? Aalis din naman ako sa lugar na ito para saan pa ang pag-aaral ko.

"Bumangon kana, sabay-sabay tayong pupunta ng canteen para kumain." anyaya sa akin ni Cecil. Mukhang nasa goodmood siya, dahan-dahan kong minulat ang mata ko at tinanggal ang pagkakatakip ng unan sa mukha ko.

"Gising na siya!" sigaw muli ni Raven at magkasabay pa sila ni Princess.

Tama sila, gising na gising na ako sa katotohanan.

Teka nga ano bang meron? Bakit ang sigla-sigla nila?

"Gusto kong umabsent muna." nanghihinang sabi ko, minsan talaga kapag umiiyak ako na todo kinabukasan sumasama pakilasa ko.

"Nako, hindi ka pwede lumiban. Isang klase lang naman meron tayo." mahinahon na sabi ni Cecil at umupo sa gilid ng kama ko. Napadako ang tingin ko sa nakalahad na kamay ni Raven tila ba nais ako nitong tulungan tumayo.

Si Cecil, Raven, Princess....

Asan si Kristine?

"Ah si Kristine ba hanap mo? nauna na siya sa atin eh, kasama niya kasi si Luigi. See? ang aga-aga lumalandi?" iling-iling na sabi ni Raven. Masaya akong malaman na hanggang ngayon ayos parin sina Kristine at Luigi.

Kinuha ko na ang kamay na nakalahad ni Raven at tinulungan niya ako bumangon. Tinignan ko sila isa-isa at lahat sila masayang nakatingin sa akin.

Napakasaya ko dahil nakilala ko sila pero... Kaya bang baguhin ang tadhana nilang tatlo?

"Ano pang tinitingin-tingin mo jan! bangon na." imik ni Cecil at hinila ako patayo ng kama ko.

Wala akong choice kundi ang magasikaso na, humingi lang ako ng sampong minuto sa kanila para makapag-ayos at natupad ko naman yon.

"Tara na!" masayang sabi ko sa kanila at nagsimula na kaming rumampa sa corridor, char. Naglakad lang naman kami ng sama-sama.

Sobrang saya talaga sa pakiramdam kapag may kasama ka, may tinuturing kang kaibigan at higit sa lahat tinuturing ka rin nilang kaibigan.

Masaya na eh kaso... nang makapasok na kami sa classroom ganon na lang ang taka at kaba ko dahil sa masamang tingin ng mga kaklase ko sa akin. Agad na hinanap ng mata ko kung nandito na si Kristine pero wala akong nakita.

Siguro ineejoy non ang oras na kasama si Luigi pero maiba... Iba talaga ang tingin sa akin ng mga kaklase ko, napansin ko rin ito nong naglakad kami sa corridor.

Batid ko may kinalaman ito sa nangyari kagabi. Panigurado ayon nga ang dahilan. Wahh hindi na natahimik ang buhay ko sa mundong ito.

"Ang kapal ng mukha,"

"Sinabi mo pa,"

"Hindi ako makapaniwala, hindi ko alam kung tunay ba ang kumakalat na balita."

"Pinagsabay niya si Hendrix at Franz? WTF."

"Nandidiri ako parang hindi kapani-paniwala."

"Sinabi mo pa,"

"Balita ko nanggayuma nga daw yang babae na yan."

Ilan lang yan sa bulungan na naririnig ko, maaga pa naman kaya mas pinili kong lumabas muna ng classroom, hindi narin ako nagpaalam kali Cecil.

Si Author naging EXTRA?! Where stories live. Discover now