Chapter 4: Crush

24 3 0
                                    


Nandito ako ngayon sa dorm kung saan lahat tulog na ako na lang gising. Gamit ko ang study table ngayon at nagbabasa ng libro hindi na kasi ako umattend ng ibang klase nagstay na lang ako sa kwarto at natulog. Para naman hindi ako mapag-iwanan mag-aaral ako. Magta-take down notes na din ako para sure, para mas matandaan ko lahat ng pinag-aaralan ko.

Bimuksan ko ang bag ko at may nakita naman ako notebook don. Isang Pink na notebook or more like diary. Kinuha ko yun at nilapag sa table.

Pagkakatanda ko wala naman akong ganto noon.

Binuklat ko yung pink na notebook at nagtry akong magsulat doon.

*Ako si Jasmine Sevilla.*

Pero laking gulat ko ng mawala ang sinulat ko na para bang magic at kitang-kita ko na tila ba may nagsusulat don sa papel dahil kusang nagkaroon ng sulat don.

*Hi, Jasmine!*

0_0

Wah! Paano nangyari 'to? minumulto na ba ako?

Pilit kong kinalma ang sarili ko at naisipan kong magsulat muli at magtanong.

*Kilala mo ba ako?*

Gaya kanina nawala yun at sumagot muli ito sapapamagitan ng sulat.

*Oo.*

Muli akong nagsulat at nagtanong.

*Alam mo ba kung paano makaalis sa lugar na ito?*

Nabigyan ako ng pag-asa dahil sa sagot nito.

0_0

*Oo.*

*Paano?* tanong ko dito.

*Hindi ko pwede sabihin.*

What? Ano ba yan?!

Agad akong nanlumo sa sagot nito.

*Pero...I can give you advice.*

0_0

Ano naman kayang advice?

*Just follow your fate and you will find the right path.*

Hindi ko maintindihan anong follow your fate?

Omg! hindi kaya dito na ako forever?!

"Jasmine what are you doing?" agad kong sinara ang notebook at nilingon si Kristine sa likod ko.

"Ahm wala.."

"Studying?"

"Hehe tamang basa lang naman."

"Okay, Matulog kana din, Gabi na. Goodnight." imik nito at muling natulog na.

Grabe kinabahan ako don, akala ko talaga mahuhuli niya ako.

Tinignan ko muli yung notebook. Ang weird. Faith and Path.

Namomoblema pa nga ako kasi... Wala akong nakikitang progress kay Kristine at Luigi tapos ako pa pinag-iinitan nong Hendrix. Hay nako, hindi pwedeng masira yung kwento kailangan kong gumawa ng paraan para mapalapit si Kristine at Luigi.

Ano kayang gagawin ko?

Inayos ko ang gamit ko at napagpasiyahan ko na matulog na din.

Kinamaugahan. Nagising kaming Lima at kaniya-kaniya kaming ayos sa gamit at sarili namin.

Siguro kailangan ko silang kausapin tungkol sa crush nila para naman may ideya ako kung may gusto si Kristine kay Luigi. Tama.

"Cecil? totoo ba may crush kang bakla?" bigla itong napatigil sa pagsusuklay at gulat na tinignan ko. Mapapansin din dito ang pamumula ng pisngi niya.

Si Author naging EXTRA?! Where stories live. Discover now