Chapter 19: Open-up

30 5 0
                                    


Naiyukom ko ang kamao ko sa galit at inis ngayon kay Hendrix kasi naman..

"Hoy baboy!" tawag nito sakin. Inis ko siyang nilingon.

"Pakidampot na nitong inipon ko."

>_<

Bwisit talaga siya.

"Bilis!"

"Eto na nga! eto na!" naiinis na sabi ko at ang loko tinawanan lang ako.

Gusto niya lang pala na isama ako sa pangangahoy niya para may tagabitbit siya ng kahoy na naipon niya.

kabadtrip talaga siya.

"Bakit nakasimangot ka?" pagtatanong niya sakin.

^_^ - Siya

>_< - Ako

Obvious naman ang dahilan. Magtatanong pa. Ma's gusto ko pang si Franz ang kasama ko kaysa sa kaniya.

Kinuha ko ang mga sangang kinuha niya at tinipon yun sa malapit sa inuupuan ko. Umupo muli ako at pinanood lang siya na magsibak at magtaga ng mga kahoy para panggatong. Napadako ang tingin ko sa kabuuan nito, tsk. Nakasuot na naman siya ng itim na damit.

Favorite niya ba ang black?

Napatingin naman ako sa pangangatawan nito. Hindi naman siya ganon kabrusko, may kapayatan ng kunti, mas malaki pa nga ang braso ko kaysa sa kaniya. Maputi siya, may katangkaran. May matangos na ilong. Nahiya tuloy ang ilong ko.

Agad akong umiwas ng tingin ng malaman kong haharap siya sakin.

Tsk.

"Uy! Baboy!"

Naknang...

Naiinis kong hinarap siya.

"Pwede ba may pangalan ako!"

"Talaga?" ngising-ngisi na sabi nito.

"Oo!"

"Anong pangalan mo?" tanong muli nito sakin. Hindi ko alam kung pinagtri-tripan niya ba ako o talagang sinasaltik na naman siya.

"Ako si Jasmine, Happy na?" gigil na sabi ko.

Jusko po, gusto ko ng lumayo sa lalaki na ito. Tingin ko mahahawa na ako sa kabaliwan niya.

"Wow ang ganda pala ng pangalan mo, Jasmine happyna." natatawang sabi nito.

>_<

Lintik talaga na Hendrix na ito. Confirm sinasaltik siya.

Hindi na ako kumibo, hindi ko na din pinansin ang pinagsasabi niya.

Bahala siya sa buhay niya.

"Tara na sa camp." yaya nito sakin. Tumayo ako at maglalakad na sana ako paalis kaso muli akong tinawag nito.

"Hoy jasmine happyna!" nawawalan ako ng pasensyang tinignan siya, agad na nginusuan niya ang mga kahoy sa sahig.

"Seryoso ka ba? hindi ko kayang dalhin yan."

"Ano pang silbi ng pagsama ko sayo dito?"

Napamaang ako sa sinabi nito. As if naman sumama ako ng kusa sa kaniya. Para tumigil siya kakaimik, kinuha ko na ang kahoy na pinaghirapan niya kunin.

Ngiting-ngiti niya akong pinagmasdan.

Sige kung jan ka sasaya! dimunyo ka!

Nauna siyang maglakad paalis. Susundan ko na dapat siya pero..halos mangatal ang buong katawan ko ng may kung anong tali o bagay na pumulopot sa paa ko.

Si Author naging EXTRA?! Where stories live. Discover now