Chapter 25: Reality

12 3 4
                                    


Sobrang ganda ng gabi, napakaraming tala at buo ang buwan kaya halos lahat ng studyante dito sa BSU naglilibot sa habang ako...

Nilingon ko ang kasama ko wala iba kundi si Franz, ang lalaking napamahal na sa akin at pinagkakatiwalaan ko. Siguro kung hindi ko nakita at wala akong nalaman, ako na ata ang pinakamasayang babae sa mundong ito pero... iyong mga ngiti niya at tawa niya na dati napagpapalambot ng puso ko, nawala na. Halo-halo ang emosyon ko, pilit kong pinipigilan ang kalungkutan na namumutawi sa akin at kahit mahirap pinilit ko parin ngumiti kahit na sobrang sakit ng nararamdaman ko.

Sobrang malaki ang respeto ko sa kaniya kaya hanggang ngayon napapaisip ako bakit at paano niya nagawa sa akin ang lahat ng iyon. Ganon nga siguro ako kamanhid at katangang tao, pati ba naman dito sa mundong ito ta-tanga-tanga ako.

Sa likod ng mga ngiti niya, may tinatago siyang hinanakit. Base sa pagkakaalam ko wala naman ganitong nangyari sa istorya na ginawa ko, hindi ko alam kung sino ba dapat sisihin sa puntong ito.

"Ayos ka lang ba?" tanong niya sa akin at bakas ang concern sa mukha niya.

Hays hirap naman nito.

Madali akong tumango bilang tugon sa kaniya. Mamaya lang naglakad-lakad muli kaming dalawa at may ilang studyante na nakakapansin na sa amin.

Ang puso ko... pakiramdam ko tuluyan ng nanlamig.

Hindi na ako nagulat ng simula niya akong harapin, bakas ang kaba sa mukha niya at mukhang nagdadalawang-isip pa siya magsalita.

Ito na yon...

"Ms. Sevilla, alam kong masyadong madali ang lahat pero... gusto kong malaman mo na mula ng makita kita, nabihag mo na ang aking mga mata. Hindi na kita maalis sa isipan ko kaya ayoko ng patagalin pa ang lahat. Ms. Sevilla, will you be my girlfriend?"

Rinig na rinig ko ang bulungan ng tao sa paligid may ilan pang gulat na gulat at masaya para sa amin, may nakikisana all din.

Ang tanging nagawa ko ang tignan siya ng walang emosyon.

Franz..

Kitang-kita ko ang saya sa mukha niya at mukhang hinihintay niya ang sagot ko.

Paano niya nagagawang lokohin ang sarili niya? Bakit ba may mga taong nagpapaloko sa sarili nila?

Nandon ako sa pwesto na 'yon ng maramdaman kong may umakbay sa akin. Agad ko iyong nilingon at hindi na ako umalma at nagtaka pa kung sino iyon.

Tamang-tama ang dating niya, kasi hindi ko na kaya, anytime babagsak ang mga luha ko hindi sa saya, kundi sa galit, inis at kalungkutan. 

Hendrix....

*Flashback*

Automatikong napatigil ako sa paglakad ng may tumunog na cellphone. Napatingin ako sa likuran at nakita ang nagri-ring ang isang phone sa lamesa. Lumapit ako para tignan iyon at ganon na lang panlalaki ng mata ko ng mabasa at makita kung sinong natawag sa phone name nagriring.

Rica?

Wala sa wisyong kinuha ko ang cellphone na patuloy parin sa pagring. Doon ko din napagtanto na cellphone ito ni Franz.

>_<

Bakit naman niya tinatawagan si Franz?

Hindi sinagot ang tawag hinayaan ko lang mawala yon. Alam kong masama mangialam ng gamit ng iba pero bakit iba ang pakiramdam ko.

Bago pa ako mabaliw kakaisip, pinakialaman ko ang phone ni Franz at bumungad sakin ang wall paper nitong sobra gwapo. Enkk..

Napamaang ako ng makitang magpop in na nag message si Rica.

Si Author naging EXTRA?! Where stories live. Discover now