Chapter 2: Party

30 5 0
                                    


Nagmamadali akong pumunta sa banyo at don ko lang napansin na nabasa din pala ako.

Argh anong bang gagawin ko? panigurado patay ako kay Kristine.

Naiiyak na naman tuloy ako. Nakakainis, bakit ba kasi nangyayari sakin 'to. Wala naman dapat ako dito.
Pinagmasdan ko ang reflection ko sa salamin na nasa harap ko.

Kakayanin ko ba dito? paano ako makakaalis sa lugar na'to. What if hindi na ako makabalik.

*Sobs Sobs Sobs*

Mabuti pa tanggapin ko na lang kapalaran ko. Maybe baka bukas paggising ko makabalik na muli ako. Tama.

Makakabalik ka din Jasmine. Tiwala lang.

kung nasa loob man ako ng novela ko... Anong role ko dito?

Extra?

Napailing na lang ako naisip ko, ang importante ngayon malaman ko kung paano ako makabalik sa mundo ko. Naghilamos muna ako ng mukha bago lumabas ng banyo. Nagtungo muli ako sa kwarto namin nila Kristine. Pagkapasok ko pa lang nakita ko na saobrang busy nilang apat mamili ng damit.

At san naman sila pupunta? Never mind. Wala along pakialam don, kung saan man sila pupunta. Edi go.

"K...Kristine,"

"Nabigay mo na?"

"Na...Nakabangga kasi ako ng tao. Nabasag yung aquarium."

"What?!" gulat na sabi nito. shit.

"I'm really sorry."

"It's okay."

This time ako naman ang nagulat sa sinabi niya. Ganon lang?

"Sabi naman sakin ni Ma'am loida, hindi niya na kailangan yun kasi gumawa ng bago yung student niya."

So...Omg! buti naman kung ganon.

I sigh in relived.

"Oh! hindi ka mamimili ng susuotin mo?"

"F..For what?" nagtatakang tanong ko.

"Duh! may party kaya mamayang Gabi! all the students is invited!" exited na sabi nong raven.

Really party? sa school?

"Tara tulungan ka namin maghanap ng isusuot."

"No. thanks." tanggi ko.

"Hindi ka pupunta? sayang naman, pagsisihan mo pagdika-pumunta!" imik nong Cecil.

"Sa rooftop gaganapin yung party, you sure hindi ka sasama?"

"Dami pa namang gwapo na boylet don. Makapangbingwit nga mamaya."

"Ang kire mo talaga Raven." imik ni Cecil.

"At least ako walang gusto sa bakla."

"Okay tama na yan." saway ni Kristine. Natawa tuloy ako sa kanila.

"Ano sasama ka?" tanong muli sakin ni Kristine.

"Hindi."

•••

At binabawi ko na ang sinabi ko dahil nandito na ako as rooftop with this four girls. Hindi ko din alam kung anong sumapi sakin at napapayag nila ako sumama.

Madilim at sobrang daming tao. Lahat may hawak na red cups na may lamang inumin. Mild lang din ang inumin dito. Siguro alam nga ito ng school. Sabi pa nga nila Kristine sakin pati student council napunta dito. Every year daw may ganto lalo na para i-celebrate ang first day sa BSU.

Si Author naging EXTRA?! Where stories live. Discover now